C46 Hangover
Celine's POV
A-aray... Ang sakit ng ulo ko at pati na rin ng katawan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Pagdilat ko, si Mama agad ang nakita ko.
"Ayos ka lang ba, anak?" agad na tanong ni Mama nang makita ako.
"O-opo ma," sabi ko naman.
Dahan-dahan akong umupo kahit na medyo nahihilo pa ako.
"Bakit ba kase naglasing ka? Pinagpaalam ka naman si Shaira sa akin. Ang sabi niya
