C49 Reunited with Charles
"Miss Santos!" Napatingin kaming pareho ni Shaira dahil sa sigaw ni Mrs. Catacutan.
"Yes, Ma'am?" gulat kong tanong.
"Sumunod ka sa akin sa Principal's Office! Ngayon din!" utos nya.
Pagkatalikod niya, nagpaalam na ako kay Shaira at sumunod na agad sa kanya papuntang Principal's Office. Pagdating namin sa P. O., agad niyang sinarado iyong pintuan
