My Boyfriend's Secret Lover/C6 Ice Cream Feels
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C6 Ice Cream Feels
+ Add to Library

C6 Ice Cream Feels

Celine's POV

"Si Martha iyong dahilan kung bakit siya biglang nagbago," pagpapatuloy ko.

"What about Martha?" tanong ni Charles.

FLASHBACK

"Babe, pupunta ka ba sa birthday party ni Martha?" tanong sa akin ni Marc.

"Hindi... Hindi naman ako invited eh," sagot ko.

"Ahhh, 'di na lang din ako pupunta," sabi niya.

"Ha? In-invite ka niya, 'di ba?"

"Yup. Kaso kung wala ka rin naman pala, 'wag na lang. Wala rin naman talaga akong balak pumunta."

"Nakiusap siya sa'yo para pumunta ka. Punta ka na."

"Sure ka? Sama ka."

"Ikaw na lang. Punta ka na ah?"

"Okay." He sighed.

At pumunta nga siya sa party ni Martha.

END OF FLASHBACK

"After no'n..." Hindi ko pa man natutuloy ang kwento ko ay tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

"After no'n hindi na niya ako pinansin. Ni tignan ako nang diretso hindi niya magawa. Hindi sumasagot sa tawag at texts tapos iwas pa sa personal." Nagsimula na akong umiyak.

Hinawakan ni Charles 'yong kamay ko.

"Syempre 'di ba kapag mahal mo 'yong tao, imposible na hindi mo siya ma-miss? Syempre hindi ko matitiis iyon. Two weeks niya akong hindi kinakausap, hindi pinapansin. Hindi ko naman alam kung anong problema, kung may nagawa ba ako o ano," malungkot kong sabi.

"Kaya no'ng birthday niya, gumawa ako ng paraan para magkaayos kame. Kahit hindi ko na alam kung kami pa ba... Kung gusto niya pa ba akong makita o masaya na siya na wala ako sa tabi niya."

"I still decided to make a surprise for him. I asked for Shaira's help. Pumunta kami sa room nila then make some banners, letters, lahat na ng efforts na naisip ko..." nakangiti kong sabi habang tumutulo ang mga luha ko.

"Akala ko kase... maa-appreciate niya eh." Humihikbi na ako pero pinipilit ko pa ring tumawa.

"Pero hindi niya naappreciate eh. Tapos may narinig pa si Shaira na 'Bakit pa siya gumawa ng ganyan, hindi ko naman maa-appreciate 'yan'. Nakahihiya lang daw... HAHAHA!" Tumawa ako habang umiiyak.

"Ikinahihiya niya lang pala ako." Tumango-tango ako.

"Pero alam mo ba Charles? Kahit na best friend ko si Shaira, hindi ko siya pinaniwalaan about doon sa sinabi niya kay Marc. Kase alam kong hindi kong hindi niya masasabi iyon... 'Yon ang alam ko..." sabi ko habang nakayuko.

"Then I saw him and Martha kissing each other. He didn't explain at ayos lang. Lahat ng iyon pinalampas ko lang. Hindi ko siya inaway, sinumbatan. Hindi ako nagalit."

"Magtampo man ako? Kapag niyakap na niya ako, wala na. Wala na iyong tampo ko. Kapag nag-sorry na siya, nag-I love you, patatawarin ko na siya."

"Alam mo ba kung bakit? Kase mahal ko siya. Gano'n ko siya kamahal."

Umiyak na ako nang umiyak. Mas humigpit 'yong hawak niya sa kamay ko tapos hinawakan 'yong mukha ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Shhh. Stop crying. I'm sorry. I'm so sorry," paghingi ng tawad.

"Okay lang. Hindi naman masakit," sabi ko sabay tawa.

"Tsk, ikaw talaga. Ayaw pa ngang tumigil ng mga luha mo oh. Paano ba mapatitigil 'yan? Tissue?" alok niya.

"Hindi mapahihinto ng tissue 'to..." sabi ko.

"Ha? Eh paano?" natataranta niyang tanong.

"Tutal nilibre mo na rin ako, lubos-lubusin mo na. Gusto ko ng ice cream," makapal kong sabi.

Natawa siya bigla.

"Iyon 'yong pampahinto ko ng luha eh, ice cream," biro ko.

"HAHAHA sige," tugon niya sabay tawag sa waiter.

Nagbibigay siya ng instructions sa waiter nang bigla akong sumingit.

"Ah Charles?"

"Yes?"

"Iyong ice cream, extra large ha?" pahabol ko.

He chuckled then nag-thumbs up.

Habang naghihintay sa order, umiiyak pa rin ako. Si Charles naman nagpipigil ng tawa. Oh 'di ba? Mga baliw lang eh.

Hanggang sa dumating na iyong ice cream. Nagtinginan kami ni Charles. Gwapo!

"Why?" sabi nya nang mapansin niya na grabe 'yong tingin ko sa kanya.

"Ha? Ahhh... Bigyan mo lang ako go sign para kumain na," sabi ko.

Natawa na naman siya at napakamot sa ulo.

"HAHAHA. Sige lang. Para sa'yo lang 'yan."

"Ows?"

"Oo nga, dali na. Baka sa katititig mo sa akin, matunaw pa ako. Este yung matunaw pala 'yong ice cream."

Tumawa lang ako tapos...

"Humanda ka..." sabi ko sa ice cream at kinain ko agad.

Buti na lang 'di ako conscious kapag kumakain, kase nakatingin sa akin itong si Charles habang kumakain ako. Tawa pa naman nang tawa.

"Gushto mo?" Tanong ko sakanya. Medyo bulol kase may laman pa bibig ko.

"Sige la—AHHH." Sinubuan ko siya ng ice cream.

"HAHAHA. Masharap?" tanong ko.

"Yesh," tugon naman niya habang tawa nang tawa.

***

Pagkatapos ng mala-boodle fight na pagkain ng ice cream, nagpaalam na kame sa isa't isa.

"Salamat ah. Nabusog ako." Pasasalamat ko.

"HAHAHA wala 'yon. Napaiyak kita eh. At nabusog mo naman ako sa katatawa."

"Sabi mo eh. Oh pa'no ba 'yan? Bye na."

"Hatid na kita?"

"Huwag na. Malapit lang ako. Salamat ulit."

"Oh sige. Ingat ka."

"Bye!" paalam namin sa isa't isa.

Paglabas ko ng restaurant, tumulo ulit luha ko. Ganito na ba ako kahina? Haist.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height