+ Add to Library
+ Add to Library

C7 The Old Marc

Celine's POV

Para walang makakita na umiiyak ako, umuwi na ako sa bahay. At pagdating doon...

"Anak, ba't ngayon ka lang?" tanong sa akin ni Mama.

"May ginawa lang po," tugon ko habang nakayuko.

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi po," pagsisinungaling ko.

"Anak naman. Anong hindi?"

"Ma, ayos lang po ako," sabi ko at ngumiti sa kanya.

Napahinto siya.

"Oh sige. Magpahinga ka na," sabi na lang niya.

"Sige po, Ma." I nodded tapos pumasok na sa kwarto.

KINABUKASAN

"Hoy! Maga mata mo! Umiyak ka 'no? Bakit? Inaway ka na naman ni Martha?" bungad ni Shaira pag-upo ko.

"Hindi," matipid kong sagot.

"Ni Marc?"

"Hindi."

"Eh nino?"

"Wala. Ayos lang ako," pag-iwas ko.

"Okay..." sabi na lang niya.

Haaay. Kung kilala mo na ako, kapag sinabi kong "ayos lang ako" ibig sabihin ay ayaw kong pag-usapan kase hindi ako magiging okay kapag in-open pa iyon. Sanay na sila. Kilala na nila ako.

Haist. Si Charles kase eh nagtanong pa. Pero alam ko naman na bumabalik na si Marc. Sana...

RECESS

Tulad kahapon, pumunta ako sa court. Doom na iyong parang canteen namin ni Marc.

"Hey!" bati sa akin ni Charles.

"Oh Charles," sabi ko lang.

"Namamaga mata mo. Sorry talaga ha?" ani Charles.

"Ano ka ba? Ayos lang iyon. Nakabawi ka na roon sa ice cream," biro ko.

He chuckled.

"Sinong hinihintay mo? Si Marc?" tanong niya.

"Ahhh... oo."

"Bakit kase—" Hindi natuloy ni Charles ang kanyang sinasabi nang biglang may sumigaw.

"Marc! Where are you?! Talk to me!" sigaw ni Martha.

Nakita niya ako pagkatapos ay lumapit siya sa akin.

"Where's Marc?" tanong niya. Aba, 'di sila magsakama? Joke.

Medyo nakaramdam ako ng inis kaya sumagot ako.

"Why are you looking for my boyfriend?" tanong ko habang nakataas ang kilay.

She looked at me from head to toe.

"Oh... Your boyfriend?" She smirked.

"Yes!" sigaw ni Marc. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Her boyfriend," sabi niya kay Martha.

"C'mon. Kanina pa kita hinahanap Marc," emote ni Martha.

"You're not allowed here. And you don't have the right para sigawan ang girlfriend ko," sabi ni Marc.

"What?!" gulat na tanong ni Martha.

"You heard it right. But if you want me to say it again, I'm willing."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Tinignan kami ni Martha nang masama tapos parang bata na padabog na nag-walkout paalis ng gym.

Pag-alis ni Martha...

"Sorry babe, naghintay ka ba nang matagal?" tanong niya sa akin,

"No. Hindi naman," tugon ko.

"Sorry talaga. Hinintay ko pa kase 'yong pinadeliver kong ice cream. Favorite mo iyon, 'di ba?" He smiled then showed me 'yong nakacontainer na ice cream.

"Yeah. Ako pa? HAHAHA salamat babe!" sabi ko tapos ngumiti siya sa akin.

"Ah Charles gus— Nasan na iyon?" Paglingon ko kase wala na si Charles.

"Ayon na si Charles oh." Turo niya.

"Ahhh..." I just nodded.

Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Hoy!" sabi niya sa akin.

"Po?" tanong ko.

"Bakit parang palagi kayong magkasama no'n?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Ni Charles?" Tukoy ko.

He nodded.

"Wala 'yon. Nagkakataon lang."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Oo nga, nagkataon lang talaga. Promise!" sabi ko.

"Good," sabi niya habang nakangiti.

Napangiti ako bigla. He's jealous, so it means mahal niya pa ako. I hugged him. Nagulat siya pero niyakap din niya ako pabalik.

"Kain na tayo?" Pag-anyaya niya.

"Okay!" Tango ko.

Kumain kaming magkasama. Ang sweet naman ng flavor. Parang si Marc bumabalik na rin iyong pagiging sweet. Ewan ko ba, basta ang saya ko lang talaga.

"Babe, oo nga pala. 'Di kita ulit mahahatid mamaya, may practice game kase eh."

"Ayos lang. Ingat ka!"

"Sa Saturday, tuloy ha? Hihintayin ka ni Mama. Pati ni Papa."

Papa? Naalala ko tuloy. Noong una kong na-meet iyong Papa niya, ayaw niya sa akin. Low class daw kase tapos mahirap kame. Then, Marc fought for us. Ilang months ding nag-rent ng apartment si Marc noon dahil pinalayas siya sa kanila because he chose me over his father and their company.

Wala siyang allowance no'n so he worked as construction worker dahil inutos ng papa niya na huwag siyang tanggapin sa ilang kompanya dahil sa koneksyon nila. He worked hard. Pinahirapan siya at nahirapan siya dahil sa pagpili niya sa akin.

I told him not to fight for us pero nagalit siya sa sinabi ko. Sinabi ko rin na ayos lang if ever kung maging secret relationship pero ayaw niya. Determinado siyang makita ng papa niya kung anong nakita niya sa akin.

Syempre hindi naman matitiis ng magulang ang anak, at nakita niya na nagsisikap si Marc kaya pinabalik na niya kasabay ng pagtanggap sa akin ng Papa niya. Nakita niya raw kase 'yong pagbabago ng anak niya. He became better. Nagkakasundo rin kame sa ilang bagay kaya ayun. Happy na.

"Babe?" He waved.

"Sorry. Oo naman. Pupunta ako."

"Susunduin kita?"

"Sure!"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height