My Boyfriend's Secret Lover/C8 Supportive Girlfriend
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C8 Supportive Girlfriend
+ Add to Library

C8 Supportive Girlfriend

Celine's POV

"Okay, I'll pick you up."

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Celine?" Biglang tawag niya sa pangalan ko.

Humarap lang ako sa kanya at naghintay.

"I miss you so much," sabi niya sabay hawak sa pisngi ko.

"Ha? Eh magkasama lang tayo kanina," tugon ko.

"Bakit? Bawal ba? Eh matagal ko ng hindi natititigan iyang maganda mong mukha eh."

"Sus!" sabi ko sabay hampas sa kanya.

Bigla siyang naging kunot-noo.

"What's wrong?" tanong ko.

"Namamaga mata mo babe, why? Is there a problem?" tanong ni Marc.

"Wala ito..." Again, I lied.

He sighed. Like what I've said, kilala na nila ako. So kumain na lang kami.

"Basta mamaya ha? Dapat nandoon girlfriend ko para ganahan ako maglaro," sabi niya habang nakanguso.

Nakakapanlambot talaga kapag nagpapa-cute 'to.

"Oo naman! Ako pa ba?"

"Supportive girlfriend." Kinurot niya ang pisngi ko sabay halik sa akin.

"Marc naman!" sabi ko sabay lingon sa paligid.

Katapos no'n, kumain na lang kami. Basta sobrang saya ko talaga. Hindi ko ma-explain.

After we ate, hinatid na niya ako sa room. Nag-aalala raw siya sa akin kaya niya ako hinatid. Baka raw awayin na naman ako ni Martha.

"Best, mukhang okay naman kayo ni Marc. Bakit ka umiyak?" 'Di natiis ni Shaira na hindi magtanong.

"Hmmm, wala. Medyo flashback lang kase kahapon," pagtugon ko.

"'Yon lang?"

"Opo."

"Okay!" sabi niya. "Manonood ka ba ng practice game mamaya?"

"Yep."

"Okay. She smirked. HAHAHA. Halatang bored siya. Kapag kase dinaldalan ko siya, 'di na kame matatapos kaya nagpapaka-dry muna ako.

Anyway, si Shaira ay four years ko ng best friend. Siya lang ang kaisa-isang taong tumanggap sa akin dito kahit alam niyang mahirap lang ako. Maganda siya, mabait, medyo maliit lang at chubby. Simple lang siya manamit, disente pero sosyal.

Unlike Martha. 'Yong uniform namin, ginagawa niyang above the knee minus five inches. Lol. Although bagay naman niya kase maganda at maputi siya. Mayaman pa at famous kaso iyong ugali at tsaka parang walang interest sa pag-aaral.

Magkaibang magkaiba kami ni Martha. Maganda rin naman ako sabi ng nanay ko HAHAHA! Morena, matangkad. Sabi nga ng mga teachers namin, perfect daw ako bilang Bb. Pilipinas dahil Pilipinang Pilipina raw ako tapos matalino at talented.

Sagot ni Martha about that? 'Di ko raw afford 'ypng mga expenses doon kase mahirap lang ako. Oh 'di ba? Panira! Mahilig akong magsuot ng blouse at pantalon pero kapag sa bahay lang, kahit T-shirt at short shorts lang. Minsan lang ako mag-dress at ayaw ko sa makeup.

Si Marc naman, bukod sa gwapo at mayaman, ma-appeal talaga siya! Siguro dahil basketball player siya at dancer. Mahilig siyang magsuot ng jacket mainit man o malamig. Parang disposable mga gamit niya kase kapag sinuot na niya nang minsan 'yong jacket, 'di na niya isusuot ulit 'yon. Ganoon siya kayaman!

Pero iniingatan naman niya iyong mga may sentimental value na gamit sa kanya. Hindi rin siya mahilig mag-aral... Well, noon at medyo ngayon. Matalino siya pero hindi niya focus dahil nga sa pagsasayaw at basketball, tapos may kumpanya pa sila. Pero tulad nga ng sabi ko, nagbago siya simula noong maging kami.

Halos parehas sila ni Charles, sa porma, parehong mayaman, pareho ng hilig, parehong gwapo, parehong matangkad, parehong ideal, ang pagkakaiba lang... Mahilig mag-aral si Charles at hindi siya babaero.

Ayon lang iyan sa pagkakaalam ko ngayon, kailan ko pa lang naman nakilala si Charles. Malay mo namang hindi lang siya mahilig sa babae kase may girlfriend na pala siya. Or wala dito sa school 'yong mga babae niya, 'di ba?

Ayyy! Oo nga pala, naglalakad ako papuntang gym ngayon, sa basketball court para manood ng practice game. Remember? Kasama na rin pala si Charles sa team, hmmm. Pero syempre si babe pa rin talaga 'yong papanoorin ko!

No'ng malapit na ako sa gym— Wait! Bakit parang walang nanonood? Ang tahimik... 'Wag na nga lang akong tumuloy! Joke HAHAHA! Dahil private school ito, disiplinado. Lahat mayaman kaya raw dapat disente, kaya kapag may laban ang school may naka-assign lang na cheerers at sila lang dapat ang maingay. Allowed lang is pumalakpak, bawal sumigaw.

Kung 'di ka cheer leader, bawal sumigaw lalo na kung nandyan 'yong mga teachers. Tsss! Sa court tahimik? Pero sa room, library or canteen kapag nakikita nila si Marc, pati na rin si Charles, nagsisigawan!

Malapit na ako sa gym nang mapansin ko na may hawak akong paper bag. Oo nga pala! Pinabigay 'to ni Marc kay Tony kanina. Ano ba 'to?

Tiningnan ko iyong note na nakalagay.

"I want you to wear this later. See you, babe! I'll wait for you."

Tiningnan ko iyong laman. T-shirt? Niladlad ko para makita nang buo.

"Baliw talaga iyong si Marc," nasabi ko na lang habang natatawa.

May print sa harap iyong shirt, picture naming dalawa. Tapos sa likod, nakalagay ay "Mrs. Lim". Hindi ko maiwasang mapangiti.

Pumunta muna ako ng banyo para magpalit. Buti na lang at P.E. day ngayon kaya ayos lang na magpalit ng shirt.

Grabe, bumabalik na talaga iyong dating Marc na kilala ko. Teka ang daldal ko na ata sobra! Pasok na nga ako.

Pagpasok ko sa gym...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height