My Boyfriend's Secret Lover/C9 Marc Vs. Charles
+ Add to Library
My Boyfriend's Secret Lover/C9 Marc Vs. Charles
+ Add to Library

C9 Marc Vs. Charles

Celine's POV

Pagpasok ko sa gym, narinig kong pinagagalitan si Marc. Dahil nga tahimik at medyo laging high blood ang coach ng basketball team namin, talagang maririnig mo dahil sumisigaw siya.

"Marc, what's happening? Isang foul na lang, fouled out ka na! Bakit ba ang init ng ulo mo? Ni hindi mo ma-handle nang maayos iyong bola!" sermon ng coach nila sa kanya.

Ha? Anong nangyare? Bakit galit na galit?

Pagtingin ko sa score board— 17-43? Hala? What happened? Grabe. OA ko ba mag-react? Practice game lang naman, nahati ang team namin sa two teams. Nakita ko si Charles sa kabilang team. Uh oh...

Ano iyon? Mahina ang team ni Marc? Or masyadong malakas ang team ni Charles. I know naman na team rin naman namin iyon pareho, pero—

"Pst! Celine!" May narinig akong tumatawag nang mahina sa akin.

Lumingon-lingon ako at nakita ko si Shaira na kumakaway. Sumenyas siya na may ni-reserve na siyang upuan sa tabi niya. Pumunta ko sa place niya at pag-upo ko—

"Bakit ngayon ka lang?" tanong nya na para bang ang laki ng kasalanan ko.

"May meeting pa kase kame eh. Ano bang nangyare?" tanong ko.

"Iyong boyfriend mo? Palpak na nga, foul trouble pa. Kanina pa pini-physical si Charles! Buti naman itong si Charles, ngumingiti lang," kwento nya.

"Seryoso?"

"Oo nga! Dumugo na nga iyong labi ni Charles eh. Tapos lagi niyang sinisiko at tinutulak!"

Ha? 'Di naman agresibong maglaro si Marc ah. I mean, mahaba ang pasensya niya at madiskarte siya. Anong nangyayare?

Pumito na ulit yung referee so it means tuloy na ang laro. Sa team ni Charles ang bola, so pagka-in bound pa lang ng bola pinasa na agad kay Charles. Alam kong balak mag-steal ni Marc at siya ang guard against Charles. Tinulak niya si Charles, si Charles naman ngumiti lang. Aist. Buti na lang hindi pumito 'yong referee!

Nakita kong napatingin si Marc sa coach nila at na kanina pa nagsa-sign na 'wag masyadong magbigay ng contact kay Charles kung gusto niya pang magtagal sa game. Nag-switch ng guard kaya naka-shoot si Charles. Nagpalakpakan 'yong mga cheerers.

Halatang iritado nga si Marc. No'ng sa kanila na iyong bola, pinasa kay Marc kaso parang wala siya sa focus kaya 'di niya na-handle nang maayos 'yong bola. Aish. Turn over tuloy. Nakapuntos ulit 'yong kabila, tapos no'ng sa team na ni Marc at hawak na niya iyong bola... Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Go babe! Go Captain Lim! Kaya mo 'yan!" sigaw ko habang nakatayo.

Pagkasigaw ko, parang huminto ang mundo. Lahat kase tumingin sa akin, as in LAHAT talaga. May nabigla, nagtaka, nagalit, nainis, natuwa, natawa. Nagulat pa si Charles, pero pagtingin ko kay Marc, nakita ko siyang nag-blush at napangiti. Nag-wink siya sa akin.

When he dribbled the ball, balik na sa tamang pag-ikot ang mundo lol. So back to normal, humigpit ang depensa kay Marc. Binantayan siya ni Tony, then he faked. Kunwari shinoot niya 'yong bola but he didn't, then nag-cross over siya papunta sa likod ni Tony at whoa! Three points!

Pagka-shoot niya ay tumalon-talon ako at sumigaw.

"Three points! Whoa! Go babe! Go captain!" Tinaas ko iyong kamay ko para makita niya na suot ko iyong shirt na binigay niya.

Hala ngayon ko lang napansin na pareho pala kami ng shirt na suot. Hays ano ba iyan namumula ako!

He smiled at me, at doon na ako nakampante kaya umupo na ako. Maayos na 'yong depensa niya, aggressive pero sports pa rin. At lagi na siyang nakaka-score. Lay-up, jump shot, crossover! OMO! Galing talaga ng boyfriend ko. Halos sa kanya na iyong mga sumunod na puntos!

Noong sa team na ni Charles ang bola, bantay niya ulit si Marc. Grabe ang dikit nila sa isa't isa kahit wala naman kay Charles ang bola. Biglang pinasa ang bola kay Charles. Mabilis din pala siyang kumilos. Nagtititigan sila habang dini-dribble ni Charles ang bola. Bigla na lang nag-drive si Charles sa kaliwa ni Marc dahilan upang makawala siya sa depensa. Agad siyang pumasok sa loob at ni-lay up ang bola.

Pagtingin ko sa scores, 46-48 na, in favor sa team nina Charles. Pagdating kina Marc, agad na pinasa kay Marc ang bola. Hindi siya nabantayan ni Charles dahil nakita kong naalis ang sintas niya. Nag-three points si Marc at 'yon na ang nagpalamang sa kanila sa sa first half. Halos magagaling na talaga lahat pagdating ng second half. Puntos dito, puntos sa kabila. Wow. Ganda ng laban at team namin niyan! Panigurado na overall champion naman ang basketball team namin!

Si Charles, Marc, Tony, at iba pa. Pati mga first year nagpapakitang gilas! Magaling talagang kumuha ng player si Marc. Hihi! So ayun... our final score 101-98. Dikit lang 'di ba? Panalo sina Marc at nakatutuwa kase before or after siyang magshoot, ngumingiti siya sa akin. Ayieee! Ang haba ng hair ko!

After ng game, nagsilabasan na 'yong mga teachers and students. Nakita kong ngumiti si Martha kay Marc pero 'di niya pinansin si Martha. Nag-sign si Marc sa amin ni Shaira na hintayin namin siya.

Saglit lang ay lumapit na si Marc sa amin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height