+ Add to Library
+ Add to Library

C12 FEELINGS

AZTHREA'S POV

Kriinnngggg!

Tumunog na ang bell na nagpapahiwatig na lunch time na namin. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at akmang lilisanin ko na dapat ang room pero pinigilan ako ng nasa likod ko at paglingon ko si Bryce lang pala

Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko na abot hanggang tenga ang ngiti tskk! Anong meron?

"Ahh Azthrea sabay na tayo kumain" Sabi niya, ang weird naman niya eh lagi naman kaming sabay-sabay kumakain eh... Nababaliw na ba siya o naiwan niya yung utak niya sa upuan? Grrr! Hayst kairita

"Huh? Eh lagi naman tayong magkakasabay kumakain eh ano bang ibig mong sabihin? Natangay na ba ng hangin yug isip mo? Hallahh tara hanapin natin baka nasa kotse mo"pagbaling ko sa mga kaibigan ko ay inirapan lang nila ako tsaka si Bryce naman nakatulalang nakatingin sa'kin... Ahh? Parang baliw ako dito dada ng dada pero halatang lutang sila

"Ang sama mo naman sa akin Azthrea, Yung utak ko tinangay ng hangin? Maiisip pa ba kita kung natangay na ng hangin 'tong utak ko? Nakuu ikaw talaga pilosopo" Tama ba narinig ko? Ako ang iniisip niya? OMGGGG! Bahala siya diyan basta ako cute

"Narinig mo 'yun Azthrea?ikaw daw iniisip ni Bryce ayiehhh" sabay-sabay na saad ng mga kaibigan ko tsaka lumapit si Azethea sa akin saka niya ako pinagsusundot.

"Huh? Sabay-sabay pa talaga kayo? Planado ba?" Nakangising tanong ko sa kanila

"Eh ano ba kaseng ibig mong sabihin? Linawin mo nga nagugulohan ako sayo eh" Saad ko. Nagpakawala pa siya ng malalim na hininga tsaka tinignan ang mga kaibigan ko.

"Nga pala Azthrea una na kami sa cafeteria hah? Sunod na lang kayo" Yan ang sabi ni Azethea sa'kin na may halong nakakalokong ngiti sa mga labi niya pero bago siya tuluyang umalis ay bumulong pa siya sa akin.. "Take your time" aba nang-asar pa ang gaga. Ano bang meron at nawiwirdohan na ako sa kanila? Tsk!

"So ano nga ang sasabihin mo?" Tanong ko uli kase hindi niya pinansin ang una kong tanong sa kanya

" Ah mamaya na, Kain na lang muna tayo" ayyy nakooo!

"Hindi ako gutom eh, sunod kana lang sa mga kaibigan natin at ako pupunta na lang sa garden para magpahangin saglit" Saad ko. Akmang tatalikod na sana ako pero pinawi niya ang aking kamay tsaka..." Sabay na ako sayo, hindi din kase ako nagugutom eh hehehe pwede ba?" Bakit naman hindi? Eh crush kaya kita enebe ehehehe! Aystttt kadiri ka self pabebe ka gurl?

"Why not! Tara?" Tumango lang siya kaya nauna na akong naglakad

"Hoyy Azthrea hintayin mo naman ako ambilis mo namang maglakad parang pusa na naghahabol ng daga eh" reklamo niya. Nakaisip naman ako ng kalokohan kaya binagalan ko ang paglalakad.

"Oh ba't bigla mong binagalan paglalakad mo? Para ka namang pagong niyan eh, bilisan mo na" hmm! Bahala nga siya diyan. Tumakbo na ako at nilagpasan na si Bryce na halatang gulat sa ginawa ko, rinig ko pang tinatawag niya ako pero mas nagmadali ako sa pagtakbo hahahaha

Nakaupo na ako dito sa ilalim ng puno ng hingal na hingal na dumating si Bryce. Hahahaha aba hindi pala niya ako kayang habulin eh duhhh!

"Ambilis mo namang tumakbo hindi tuloy kita naabutan hmm!"nakapout na saad niya... Omgg! Ang cute niya kapag nakapout pero mas cute siya kapag nakasmile... Huhuhuhu I think I'm in love with him! Kase sa tuwing siya ang kasama ko iba ang nararamdaman ko. Ang saya-saya ko kapag nakikita ko siya. Ngayon ko lang naramdaman ito sa isang lalaki... Sa mga nakalipas na araw ay mas nagiging malapit kami sa isa't-isa, he always makes me smile! Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya pero paano kung hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin? Paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman? I think I like hi-- nooo! I love him na... Oo mahal ko na siya!

"Azthrea Naman eh kanina pa kita kinakausap pero parang lutang ka, ano bang iniisip mo? Ba't parang anlalim naman"nagtatakang sabi niya ... Dahil sa pag-iisip ko ng kung ano-ano hindi ko naintindihan mga sinabi niya

"Ahh hehehe sorry, ano ba yung sasabihin mo? Bakit ba hindi mo pa sabihin eh kanina pa kita tinatanong eh" kunwari nagpout ako para mas magmukha akong cute sa harap ng taong gusto ko eheheh joke

"Hmm Azthrea kasee" bakit parang kinakabahan ako? Ano ba kase ang sasabihin niya sa akin? Bakit ganito ang epekto sa akin parang hindi ako mapakali kakaisip sa sasabihin niya

What if sabihin ko na din sa kanya na gusto ko siya? Arrghhh Hindi pwede! Takot akong malaman yung totoo na hindi niya ako gusto

"I just wanna say I l--ike you" what?! Tama ba ang narinig ko o nananaginip lang ako? He said that he likes me? Gusto din ako ng taong gusto ko? Parang hindi ko na alam kung anong isasagot ko dahil sa pagkagulat ko... Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

"Ahh okay lang kung hindi ka makasagot sa sinabi ko, pasensiya na at nabigla kita"tumayo na siya at akmang aalis na ngunit nakuha ko ang pagkakataong makapagsalita ng maayos.

"B--ryce! I like you too" Yan ang katagang lumabas sa aking bunganga at bigla na lamang tumulo ang aking mga luha... Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak

"What did you say? Hindi ko naintindihan. Pwedeng ulitin mo?" Sabi niya.. Kinurot ko muna ang tagiliran niya bago ko sinabi ulit

" Aray naman babe ansaket hah" babe daw hmmm! Shemsss

" So Tayo na? "Apaka gago neto

"Hoyy ikaw masyado kang abusado hah! Manligaw ka muna. Bahala ka nga diyan!" Sigaw ko sa kanya tsaka siya inirapan. Tinalikuran ko siya pero hindi mapawi ang ngiti sa aking mga labi.

"Oo na babe, hintay naman" sigaw niya na mas lalong nagpangiti sa akin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad, alam ko naman na nakasunod lang siya sa akin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height