C13 SWEETNESS
BRYCE POV
"I just wanna say I l--ike you" kabadong sambit ko... Hindi ko kase alam kung anong isasagot niya, natatakot ako na baka hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin ngunit lalaki ako. Aaminin at aaminin ko ang nararamdaman ko para sa isang babae
"Ahh okay lang kung hindi ka makasagot sa sinabi ko, pasensiya na at nabigla kita" tumayo na ako at tumalikod, akmang aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita
"B--ryce! I like you too" Yan ang katagang lumabas sa kanyang bunganga at bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha... Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon basta ang alam ko napakasaya ko dahil nasabi ko na ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.
"What did you say? Hindi ko naintindihan. Pwedeng ulitin mo?" Sabi ko sa kanya na nagkunwaring walang narinig.. Kinurot niya muna ang tagiliran ko bago niya sinabi ulit...Ang cute niya talaga kahit kailan.
" Aray naman babe ansaket hah" usal ko, pansin ko naman sa kanya ang pamumula pero hindi ko na lang siya inasar baka toyoin na naman eh
" So Tayo na? " Pakindat-kindat na tanong ko pero binatukan niya ako
"Hoyy ikaw masyado kang abusado hah! Manligaw ka muna. Bahala ka nga diyan!" Sigaw niya sa'kin tsaka niya ako inirapan. Tinalikuran niya ako kaya nagmadali din akong naglakad.. hayyy nakooo! Parang may dalaw yun hah
"Oo na babe, hintay naman" sigaw ko pero mas lalo lang niyang binilisan ang paglalakad. Tskkk! Ansama ng ugali.
Napapangiti at natatawa na lamang ako sa mga nangyari kahapon. Hindi ito maalis sa aking isipan.
Ngayon ang unang araw ng panliligaw ko kay Azthrea at napagdesisyonan kong ipapakilala ko siya ngayon sa mga magulang ko dahil wala naman kaming pasok. So heto nagbibihis na ako, konting pabango tsaka pacute sa harap ng salamin then gooo na! Gwapo naman ako eh heheheh!
Pagkababa ko sa hagdan ay sakto ang pagsalubong ni mom sa'kin na napakalawak ang ngiti. Siya pa ang exited na makita si Azthrea, parang siya yung boyfriend ni Azthrea eh.
"Bilisan mo na anak para makilala ko na ang sinasabi mong nililigawan mo"sambit ni mom sa'kin tsaka niya ako pinagtutulak palabas na parang bata...Hayyy nakoo!
Sumakas na ako sa aking kotse saka na ito pinaandar at pinaharurot na papunta sa bahay nina Azthrea. For the first time na may ipapakilala ako kay mom na nililigawan.
Habang nasa daan ako ay may nakita akong flower shop kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na ihinto ang aking sasakyan tsaka nagmadaling bumaba.
"Ate how much the red roses?" Tanong ko sa tindera, satingin ko naman magugustohan niya ito kase mahilig din siya sa mga roses.
"300 po" she answered
"Akin na ate bibilhin ko na po" sambit ko sa kanya. Iniabot na niya ang bouquet of roses kaya nagtungo na ulit ako sa sasakyan ko at muling nagmaneho.
Habang nagmamaneho ako ay hindi maalis ang ngiti ko sa aking labi. Tuwing naiisip ko siya ay lagi akong napapangiti kahit hindi ko naman siya nakikita. Kung nakikita ko naman siya, mas lalo akong napapangiti.
___Sa wakas nakarating na din ako sa bahay nila...Pagkapasok ko sa bahay nila ay sinalubong agad ako ng mom niya at kuya niya. So as usual nakipagbeso beso ako kay mom niya.
"Ikaw Bryce, huwag mong sasaktan ang kapatid ko hah? Ngayon lang may nanligaw sa kanya at ikaw pa lamang yun. Kaya huwag na huwag mo siyang sasaktan kase kung sinaktan mo siya tatadyakan talaga kita"mataray na sambit ni kuya Zylix
" Tumigil na nga kayong dalawa, tara na dun at magmeryenda na muna tayo habang inaantay si Azthrea..."Saad ng mom ni Azthrea sa amin kaya naman inakbayan na ako ni kuya Zylix at nagtungo sa sofa nila.
_____Madami pa kaming pinag-usapan at natapos na din kaming magmeryenda saka bumaba si Azthrea...Napatayo ako at sinalubong siya sa pagbaba niya sa hagdan. She's so beautiful!
"So let's go? Are you ready?" Pabulong na tanong ko sa kanya, bahagya siyang ngumiti at tumango bilang sagot kaya naman nagpaalam na kami sa kanila.
"Oh ingatan mo kapatid ko, iuwi mo yan ng buong-buo"kuya Zylix
" Shaa sige na, mag-iingat kayong dalawa.. ikaw Bryce mag-iingat ka sa pagmamaneho mo"Sabi ng mom ni Azthrea sa akin. Ngumiti lang ako tsaka na kami lumabas ng bahay nila.
___Inihinto ko muna ang sasakyan na ipinagtaka ni Azthrea sa akin....Kumunot ang noo niya tsaka tumingin sa akin.
"What are we doing here? Ba't ka huminto?" She asked....Mataray alert hahahah! Ang ganda ganda niya kaso mabait pag tulog hehehehe
"Wala, gusto ko lang sabihin na I LOVE YOU" Banat ko sa kanya...Umiwas siya ng tingin sa akin at pansin ang pamumula sa kanyang mga pisngi....Alam kong kinikilig si sungit, makiliti nga hahahaha!
Dahan-dahan kong inilapit ang mga kamay ko sa magkabilang tagiliran niya tsaka ko siya pinagkikiliti....Halata sa kanya ang pagkagulat ngunit hindi ito nagtagal at malakas na tawa ang bumalot sa loob ng aking sasakyan.
"Sabi ko I LOVE YOU AZTHREA" Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina kase wala akong narinig na sagot niya
"Huh? Pake ko?" Natatawang saad niya sa akin kaya naman mas lalo ko pa siyang kiniliti hanggang sa magsalita ulit siya...
"H--oyyy ha---ha--ha! I LOVE YOU TOO BRYCE" Sigaw niya kaya napatigil na ako sa pagkiliti sa kanya...Sa wakas narinig ko din ang I love you too niyang matagal ko ng gustong marinig.
"Anong sabi mo? Hindi ko naintindihan pwedeng pakiulit?" Pagkukunwari ko, inirapan niya ako bago ulit nagsalita
" Sabi ko I love you too, so magmamaneho ka o uuwi ako pabalik?" Naghahamong tanong niya sa akin
" Uuwi ka pabalik" simpleng sagot ko, parang sasabog na ata siya sa pagkaasar...Akmang bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan pero bilis kong pinigilan ito.
"Joke lang naman babe eh. Lagot ako kay mom kapag hindi kita naipakilala ngayon sa kanya...Sorry na, pakiss"mahinahong sambit ko...umayos siya ng upo tsaka niya ako sinilayan muli.
"Kiss mo mukha mo! Tara na nga baka masuntok pa kita" aba mataray talaga 'tong mapapangasawa ko..baka tadyakan ako nito.
Napangiti na lamang ako sa mga kalokohan ko ngayon, tinignan ko pa muna si Azthrea bago nagmaneho ulit.