+ Add to Library
+ Add to Library

C16 DANGER

AZTHREA'S POV

Kasalukuyan akong nandito sa mall ngayon dahil bibili ako ng mga gagamitin ko bukas..Anong ganap bukas? Heheheh secret!

Actually nag-iisa ako ngayon kase ayokong abalahin mga kaibigan ko, I know naman kase na may mga date sila like duhhhh sana all...Si Bryce naman may kailangan daw siyang asikasuhin para sa business nila kaya heto mag-isa lang ako...Hayst! Miss ko na sila mom and dad...Busy busy kase sila sa mga business namin. Umuwi sila noong umamin si kuya kay azethea, then naging sila... Ang sweet nga ni kuya nag-effort pa, well effective naman yung plano niya

Masaya ako para kina Kuya and Azethea dahil sila ang nagkatuluyan... Alam ko naman kase noon pa na may something na sa kanilang dalawa, alam kong gusto nila ang isa't-isa noon paman.

Pumipili ako ngayon ng mga dress dahil ito ang natitipuan ko sa ngayon...Hindi naman ako masyadong mahilig sa mga dress pero kase nag-iba mood ko ngayon hahahaha! Kanina pa ako ikot ng ikot para pumili ngunit wala pa akong nakikitang maganda o wala pa akong nagugustohan so syempre pinagpatuloy ko lamang ang paglilibot hanggang sa naagaw ng atensiyon ko ang isang dress na kulay pitch. May isang design na puso sa gitna nito at may mga kumikinang na desenyo..Nilapitan ko ito at bigla na lamang akong namangha sa ganda nito,simpleng dress lamang ito ngunit para sa akin maganda siya. Hindi ako nagdalawang isip na bilhin ito dahil natipuan ko.

Pagkatapos kong magbayad ng pinamili kong dress ay sunod naman akong nagtungo sa bilihan ng mga sandals..Ganon din ang nangyari kanina dun sa dress shop...Ikot lang ako ng ikot dito hanggang sa may nakita na naman akong natipuan ko. Hindi na ako nagtagal pa at nagbayad na ako.

"Hayst" mahinang sambit ko sa aking sarili dahil sa pagod kakalibot dito sa mall. Hmmm siguro kakain na lang muna ako bago ako uuwi sa aming bahay...So napagdesisyonan kong pumunta sa isang restaurant na paborito kong puntahan.

__Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong umuwi na dahil baka hanapin na ako ni kuya, 4:30 na din kase ng hapon so siguro andun na yun sa bahay... Baka mag-alala pa ehh hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Wala din akong load kaya hindi ako makapagmessage sa kanya.

Dahil wala akong mahintay na taxi ay napagpasyahan kong maglakad na muna,hindi ko din kase dala ang sasakyan ko kaya hindi pa ako makauwi.

Habang naglalakad ako ay ramdam kong may sumusunod sa akin. Unti-unti akong lumingon sa likuran ko at hindi nga ako nagkamali, may dalawang lalaking lasing na nakasunod sa akin habang may hawak-hawak na patalim.

Natatakot na ako ngunit linakasan ko ang loob ko at pinanatiling kalmado ang aking sarili.

"Hello miss, Wala ka bang kasama? Gusto mo hatid kana namin?"tanong nung isang payat sa akin...Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga tsaka ako nagsalita

" As you can see, mag-isa lang ako,and ikaw mamang kalansay! Paano mo ako maihahatid eh wala ka namang sasakyan! Tsaka kahit may sasakyan ka pa hindi ako sasama sayo"napalakas na sagot ko sa kanya...Lumapit pa sila ng bahagya sa akin kaya napapaatras na ako...Aaminin kong natatakot ako sa kanila ngunit hindi ko ito ipinapahalata.

"Hey stop! Huwag nga kayong lumapit sa akin ambabaho ng mga hininga niyo"sigaw ko sa kanila...Bahagya pa nilang inamoy ang kanilang mga hininga nila tsaka tumingin muli sa akin.

"Huwag mo nga kaming maenglish english miss kase naiintindihan ka namin. Kung gusto mo pagalingan na lang tayo sa English" the one guy said... Aba nagyayabang pa tskk!

" Are you serious? The two of you are challenging me? "I asked them

" Yes miss am i serious and is challenging you" sambit nung payat na lalaki... Parang gusto kong tumawa ng tumawa dahil sa naging sagot niya ngunit mas nanatili ang pangamba sa akin dahil sa mga patalim na hawak nilang dalawa.

Lumapit muli sila sa akin ngunit sa pagkakataong ito ay nahawakan na nung isang lalaki ang braso ko... Nagpupumiglas ako ngunit sadyang mas malakas ang humahawak sa akin.

"Let go off me or else i'll gonna kill you" pagbabanta ko sa kanila kahit takot na takot na ako ngunit hindi nila ako binitawan kundi mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin.... Iniangat ko ng bahagya ang aking kanang paa at pabagsak na iniapak sa paa ng isa sa kanila, sapat lang para mapabitaw siya sa pagkakahawak sa aking braso...Napatalon talon siya habang hawak hawak ang isang paa niyang bahagyang nakataas

"Miss hindi ko nagustohan ang ginawa mo sa akin hah" pagewang-gewang na saad nung lalaking tinapakan ko ang paa

"Sino bang nagsabi na magugustohan mo ang ginawa ko sayo?" nakangising tanong ko sa kanya... Kung kanina ay naitatago ko ang takot na nararamdaman, ngayon ay hindi na dahil biglang itinutok nung isang lalaking medyo mahaba ang baba ang patalim sa akin. Pumikit na lamang ako dahil alam kong isang maling galaw lang ay maisasaksak na ang kutsilyong hawak niya sa'kin.

"Bitawan mo ang patalim na nakatutok sa kanya" cold na sambit ng isang familiar na boses kaya naman unti-unti kong inimulat ang mga mata ko, hindi ako nagkamali si Bryce nga.

"At sino ka naman para makialam?"

Hindi na nag-aksaya ng oras si Bryce na sagutin pa ang tanong nung isang lalaking lasing dahil may dinukot siyang isang bagay na hindi ko maaninag sa kanyang likuran at dali-dali itong ibinato sa paa ng lalaki.

Hinila na ako ni kuya paalis sa kinaroroonan ko kanina at ngayon ko lang napansin na andito din pala ang kapatid ko.. Dinala niya ako sa kotse ni Bryce at sinabing dito na lang daw muna ako.

Makalipas ang ilang mga minuto ay biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at bumungad sa akin ang mga mukha nina kuya and Bryce.

"Ba't ka ba kase umaalis ng hindi nagpapaalam sa akin? Muntikan ka ng mapahamak, paano kung hindi kami dumating? Kung hindi ka namin hinanap ano na kaya ang nangyari sayo?"galit na saad ni kuya sa akin...Napayuko na lamang ako dahil ngayon ko lang nakita si kuya na nagalit ng ganito.

"I'm so sorry kuya, Hindi ko naman po alam na ganon ang mangyayari eh. Promise po hindi na ako aalis ng hindi nagpapaalam"sagot ko sa kanya

"Sorry Azthrea dahil hindi kita nasamahan, pero sana man lang nagpasama ka sa mga kaibigan mo"galit na sabi ni Bryce sa'kin.

" Hm----"

"Kuya Zylix pasensiya na din po kase hindi ko nabantayan ang kapatid mo"Bryce said... tumango lamang si kuya sa kanya

"Huwag mo ng uulitin 'yun pinag-alala mo kami" Bryce

"I'm so sorry, Hindi na mauulit 'yun" I answered, he just smiled at me then suddenly he hug me

Kahit na galit siya, sweet pa din... Naiintindihan ko naman kung ba't sila galit sa akin, nag-alala lang sila..

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height