C17 AZTHREA'S BIRTHDAY
BRYCE POV.
This day is Azthrea's birthday! The girl i love! Sa awa ng diyos nailigtas din namin siya sa kamay ng mga lasinggerong mababaho ang hininga.
So ngayong araw na ito, i decided to prank her para mas masaya. Kunwari hindi ako makakapunta sa kaarawan niya. Sasabihin kong may importante akong pupuntahan, dapat kapani-paniwala para naman maging successful ang plano hahahah.
So i texted her na hindi ako dadalo sa kanyang party.
"Good morning Azthea, I'm so sorry dahil hindi ako makakapunta sa party mo. May biglaan kase akong pupuntahan eh importante naman yun,hindi ako pwedeng tumanggi"sent. Mga ilang minuto pa ang inantay ko bago siya nakapagreply sa text ko sa kanya.
"Huh? Eh pano yan? Ikaw pa naman dapat yung escort ko diba?"she asked, oo nga pala hmmm pero hayaan mo na. Andiyan naman si Kuya Zylix
"Sorry talaga Azthrea, promise babawi ako next time"reply ko uli sa kanya pero hindi na muli ako ako nakatanggap ng reply mula kay Azthrea.
Kahapon napag-usapan na namin ang mga gagawin and syempre kasama sa plano ang mom and dad ni Azthrea even kuya Zylix eh alam na ang plano.
Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon. Bibili na muna ako ng cake, chocolates and flowers para sa kanya. Gusto ko siyang ma-surprise sa mismong Birthday niya.
Honestly siya na ang gusto kong maging wife in the future hehehe! I like-- hmmm no, I love her so damn much! I'll treat her not just like my girlfriend. I will treat her like a queen so that i'm her king.
Nag-iba ang takbo ng buhay ko noong nakilala ko siya. Parang naging palangiti at masiyahin na ako, aaminin ko na hindi naging maganda ang unang pagkikita namin ni Azthrea but she's nice. Masungit siya sa una kaso habang timatagal mabait naman pala siya. Unti-unti kong nakikilala ang tunay niyang ugali at pagkatao.
Andito na ako ngayon sa bahay nina Azthrea at agad akong sinalubong ng mga kaibigan namin. Kanina pa nagsimula ang party niya at guess what? Nakasimangot siya hahahaha kala niya siguro hindi na ako darating.. Well, nagkakamali siya.
Nagtago na muna ako sa likod para hindi na muna niya ako makita.
"Broo kelan natin sisimulan?" Kuya Zylix asked, haysttt yung future bayaw ko excited hahahah... Ang saya sa pakiramdam na ganito. Tanggap ako ng family niya at tinutulungan pa nila ako para kay Azthrea.
"Bilisan na natin, gutom na ako" Krystan said habang himas-himas ang kanyang tiyan.
Tsk panira talaga 'toh, parang patay-gutom ampp!
"Ngayon na natin simulan" Sabi ko sa kanila na sinang-ayunan naman ng lahat