+ Add to Library
+ Add to Library

C18 OFFICIALLY

AZTHREA'S POV.

Nagising ako ng maaga ngayon dahil sa araw ding ito ay ang aking kaarawan...I'm so very excited kase si Bryce ang escort ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong excitement dahil alam kong makakasama ko ang lalaking gusto ko. Hmm oo gusto ko si Bryce..Hindi nga lang gusto eh, mahal ko na ata siya.... Gosshhh he's my first crush huhuhuhu!

So lalabas na sana ako para makababa na at makakain na ng breakfast pero biglang tumunog ang phone ko, someone's texted me.

Dali-dali kong kinuha ito, at hindi nga ako nagkamali. Si Bryce ang nagmessage sa akin. Excited akong inopen ang message niya sa akin ngunit pagkabasa ko sa mensahe niya sa'kin ay parang nawala lahat yung excitement na nararamdaman ko kanina.

"Good morning Azthea, I'm so sorry dahil hindi ako makakapunta sa party mo. May biglaan kase akong pupuntahan eh importante naman yun,hindi ako pwedeng tumanggi"ilang mga minuto pa ako napatitig sa message niya, nagbabakasakaling mali lang ang aking nababasa ngunit tama naman ito, so i texted him back.

"Huh? Eh pano yan? Ikaw pa naman dapat yung escort ko diba?" I asked, siya dapat ang escort ko eh. Kaya dapat makapunta siya sa party ko. Isa siya sa mga importante sa buhay ko na gusto kong kasama ngayong kaarawan ko.

"Sorry talaga Azthrea, promise babawi ako next time"reply niya uli sa akin pero hindi na muli ako nagreply sa kanya dahil sa disappointed na naramdaman ko. Akala ko magiging masaya ako sa araw na ito ngunit nagkamali pala ako.

Bumaba na ako para makakain na ng breakfast, hindi ko na lamang iyon inisip para hindi na mahalata nina mom na parang lutang ako. Hindi ko maipagkakaila na nagtatampo ako sa kanya pero ano nga bang magagawa ko? Importante daw yung pupuntahan niya eh, mas importane kaysa sa akin. Hayssttt!

"Are you ready baby girl?" Mom asked with a wonderful smile. Sapilitan din akong ngumiti sa kanya bago siya sinagot pabalik

" Yes mom" cold na sagot ko

"Okay baby, be ready...pagkatapos mong kumain maligo kana para maayusan kana din ng makeup artist mo...I'll ready na din yung dress na gagamitin mo"Saad pa ni mom..tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya

____"We're done beautiful lady" make up artist said... Bakla 'tong kasama ko ngayon kaya napakaingay niya haysttt nakakabingi kaso masaya din siyang kasama.

So natapos na kami sa pagmamake up ngayon, pumunta na din ako sa dressing room para makita yung napili ni mom na isusuot ko ngayon.

"Wow gorgeous" my mom said. Pinaikot pa niya ako para daw makita niya ang ayos ng aking buhok.

"Siguradong mas masusurp----" putol na saad ni mom sa akin kaya napakunot ang aking noo... Nagtatakang tumingin ako sa kanya

"Ah sabi ko siguradong mas magmumukha kang dalaga" dagdag pa niya pero halata sa kanya na may inililihim siya sa akin. Hmmmm!

Pagkatapos kong makapagbihis ay inalalayan na ako ni kuya sa pagbaba sa aming hagdanan papunta sa likod ng aming bahay...So kuya na ang magiging escort ko ngayon dahil wala naman si Bryce. Habang papalapit na kami sa garden na dun isasagawa ang party ko ay samut-saring pagbati at pagpuri ang natatanggap ko.

"Are you happy?" Kuya asked. Nginitian ko lang siya bilang sagot. Inalalayan niya akong makaupo sa harap ng maraming tao tsaka na siya umalis.

___nasa kalagitnaan na kami ng party pero hindi ko pa nakikita si Bryce. Nagbabakasakali kase ako na makakapunta pa siya pero parang nabibigo na ako. Umaasa lang siguro ako sa wal-----

Bigla na lamang ako napatakip ng bibig ng biglang may kumanta sa likod at alam kong boses ni Bryce iyon. Sina kuya at mga kaibigan namin ay may hawak hawak na malaking cake at may nakalagay pa na picture ko.

Papalapit si Bryce sa aking gawi. Parang may namuong luha na sa aking mga mata, dahil siguro ito sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko. Akala ko hindi na siya darating. Akala ko ay aasa na lamang ako pero nagkamali ako.. bryce surprised me! Sobrang saya ko dahil nakita ko siya ngayon.

Hindi ko namamalayang andito na pala siya sa aking harapan. Iniaabot niya ang isang bouquet of flowers habang kumakanta. He's really sweet....Hindi ako nag-alangang tinanggap ang iniaabot niyang flowers sa akin. Dahil sa sobrang saya ay bigla na lamang akong napayakap sa kanya... Wala na akong ibang mahihiling pa.

Pagkatapos niyang kumanta ay dahan-dahan siyang lumuhod sa aking harapan na dahilan para mas lalong mamuo ang mga luha ko. Nagtataka ako sa kanyang inaasta ngayon ngunit mas pinili kong nakinig sa mga sinasabi niya. Tumingin ako sa side ko at nakita doon ang mga kaibigan namin na kinikilig na... Sa right side ko naman ay nandoon ang family ko na nakatango at nakangiti.

"Ms. Azthrea Princess Mae Kylthe, akala mo hindi na ako darating? Nagkakamali ka, i just want to surprise you! Sana napasaya kita sa araw na ito. Ginawa ko ito dahil may iba pang dahilan, may gusto akong ipagtapat sa iyo. At yun ang nararamdaman ko para sayo. Alam mo bang matagal na kitang gusto? At ngayon hindi lang gusto kundi Mahal na kita. Mahal na Mahal na kita. Sayo ko lang naramdaman ang ganito Azthrea, natatakot ako noon na ipagtapat ang nararamdaman ko, pero ngayon nagkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin ang totoo. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.... AZTHREA PRINCESS MAE KYLTHE WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"Mahabang saad niya sa akin na lalong nagpabagsak sa mga luha ko. Tinignan ko si dad at tinangunan lang niya ako

"Akala ko hindi kana darating, sobrang saya ko ngayon dahil nakita kita ngayon. Sobrang napasaya mo ako ngayon Bryce....Hindi na din ako magpapakipot pa, you're my first love Bryce and Yes I can be your girl"sagot ko. Tinulungan ko siyang tumayo at biglang yinakap siya.

Binalot ng sigawan at palakpakan ang buong paligid dahil sa nangyari. Ito na ang pinakamasayang araw ngayon.

A special day for me! My birthday and the day i answered yes to Bryce.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height