+ Add to Library
+ Add to Library

C19 FAMILY BONDING

AZTHREA'S POV.

"Babe matulog kana kase hindi ka pwedeng magpuyat, maaga ang biyahe natin bukas kaya mas mabuting matulog kana para makapagpahinga." Sabi ng sana kabilang linya na walang iba kundi si Bryce.

Ang saya ko kahapon. Akala ko hindi ako importante sa kanya pero nagkamali lang pala ako, pinaghandaan pala niya ang mga yun and nalaman ko pa na kasabwat niya ang buong pamilya ko.

Mom and dad said that they'll support our relationship na mas lalong nagpasaya sa akin.

"Heyy babe, andiyan ka pa ba? Tulog kana ba?" Aystttt nakalimutan kong may kausap pa pala ako

"Hmm sorry babe. Sige matutulog na ako, matulog kana din"Saad ko sa kanya.

" Okay! Goodnight babe and have a sweet dreams! I love you"Bryce said. Bigla akong nakaramdam ng kilig dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi.

"Goodnight din babe. I love you too!" Sagot ko sa kanya habang nagpipigil ng kilig..Hanggang ngayon ay nakangiti pa lamang ako.

____Ngayon na ang araw ng pagpunta namin sa Venderez Beach Resort upang mamasyal...Hindi ko alam kung bakit ito ang napili ng mga parents namin na puntahan. Sabi kase nila masaya at maganda daw doon kaya wala na kaming ibang nagawa kundi sumang-ayon na lamang.

Inaantok pa ako pero kanina pa kinakatok ni kuya ang door ng room ko haysttt! Sabi kase nila dapat daw 5:00 gising na kami, ehhh 5:20 na heheheh... Pake niyo ba eh sa inaantok pa ako hmppp! Bahala sila diyan. Hindi naman sila aalis ng hindi ako kasama duhh.

"Heyy babe wake up, kanina pa kinakatok ni Kuya Zylix ang room mo kaso hindi ka sumasagot. Alam kong gising kana kaya bumaba kana para makakain na tayo."huh? Si Bryce andito? Bakit ang aga niya naman atang pumunta dito? Nagmadali akong bumangon at inayos ang aking sarili bago binuksan ang pintuan ng aking silid.

"Ah hehehe sorry babe inaantok pa kase ako kanina" nahihiyang saad ko sabay kusot ng kusot sa aking mga mata.

"Baba na diyan para makapaghanda na tayo at maaga din tayong makakaalis dito."he said

Pagkababa namin ay nadatnan din namin ang parents ko na nasa hapag kainan na, kase yung mga friends and parents ni Bryce nauna na daw sa Venderez. So nagmadali na akong kumain, pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na muna ako sa kanila para makapagbihis at nagsuot na lamang ng oversized t-shirt and isang maong na short... Alam kong magagalit sa akin si Bryce dahil sa suot ko pero naiinitan ako ehh.

"Heyy bakit ganyan ang suot mo? Alam mo naman na madaming tao sa pupuntahan natin, gusto ko ako lang ang nakakakita sa makikinis mong hita tskk!"Inis na singhal niya sa'kin kaya napasapo na lamang ako sa aking noo.

" Naiinitan ako eeh"naka pout na sagot ko sa kanya pero mas lalo siyang ngumisi....sabi ko na nga ba magagalit 'toh

"Magpapalit ka o ako ang magbubuhat sayo paakyat at ako na din magpapalit sa suot mo?" dahil sa sinabi niya ay hindi na ako muling sumagot, tumakbo na ako paakyat at para makapagpalit na ng suot...

"Grrrr! Kakainis ka Bryce!" malakas na sambit ko tsaka ko padabog na isinara ang pintuan ko.

Pagkatapos kong makapagpalit ay nakasimangot akong bumaba sa aking silid at muling hinarap ang boyfriend kong mokong.

"Ayan mas bagay pa sayo kesa sa suot mo kanina na short tsk! Napakaikli" sabi niya sa'kin pagkababa ko

"Eh sa tingin mo may short bang mahaba? Tsk! Sige kung meron bilhan mo'ko" pabalang na sagot ko sa kanya....Totoo naman kase eh, mas short bang mahaba? Hah? Meganon?

"Kahit kelan talaga napakasungit mo! Pilosopo" sagot niya uli

"Totoo naman kase yung sinasabi ko eh" pagmamaktol koo

"Hoy kayong dalawa tumigil na kayo sa pagbabangayan. Aalis na tayo" suway ni mom sa'min ni Bryce...So ayun hindi ko na siya pinansin, naglakad na ako palabas

Pagkalabas ko ay nakahanda na ang aming masasakyan...Isang van lang ang sasakyan namin kase nauna na ang mga kaibigan namin and also bryce fam....Alam kong nakasunod lang si Bryce sa akin pero hindi ko padin siya pinapansin....So ngayon papasok na ako sa van namin, kami na lang pala ni Bryce ang hinihintay nila. Nagtungo ako sa pinakalikod na upuan para dito umupo, at alam niyo ba kung anong nakakairita? Tskk! Si bryce sumunod sa akin kaya ngayon nasa tabi ko na siya

"Heyy babe bakit ba hindi mo ako pinapansin?" biglang tanong niya sa akin ngunit hindi ko parin siya sinagot...Nagsimula nang umandar ang sasakyan namin, hudyat para umayos ako sa pagkakaupo.

"Babe, ano ba bingi ka ba? Bakit hindi ka nagsasita diyan?" tanong uli niya. Aba makulit ang mokong hahh!

Isinuot ko ang aking headset tsaka ko sinabayan sa pagkanta ang tugtog upang hindi ko marinig ang mga sinasabi nitong katabi ko ngunit sadyang makulit siya.. Alam niyo kung bakit? Tinanggal lang naman niya ang headset na nakakabit sa aking tenga tskk!

"Ano ba?Nakikinig ako ng musics ehh" pagrereklamo ko sa kanya.

"Bakit ba kase hindi mo ako pinapansin? Tita oh si Azthrea ayaw akong pansinin" parang batang sumbong niya kay mom kaya naman nagtawanan silang tatlo dito maliban sa amin ni Bryce.

"Itanong mo sa mahabang short baka alam niya kung bakit hindi kita pinapansin" pamimilosopo ko sa kanya...Eh sa nakakapikon kase siya tapos napakakulit pa hmmmm!

"Buti na lang mahal kita kundi binatukan na sana kita kanina pa" sagot niya sa akin kasabay nun ang pagsandal niya sa aking balikat...Kinikilig ako pero dapat chill lang, dapat mukhang nagtatampo parin ako sa kanya. Iniwasan ko muna ang mga ngiting gustong kumawala.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height