+ Add to Library
+ Add to Library

C4 SECOND DAY OF SCHOOL

AZTHREA'S POV

Tukk* Tukk* Tuk*

Napabalingkwas ako dahil sa kumakatok mula sa labas ng aking kwarto.

"Heyyyy baby wakeup you're gonna be late kung hindi ka pa babangon"si mom pala.

" Yes mom gising na ako, magbibihis na po" tugon ko sa kanya, ramdam ko naman ang kalabog ng mga paa niya pababa sa hagdan

Tinignan ko ang orasan ko at 6:30 pa lamang ng umaga pero sabi ni mommy malelate na ako tsk!

Waittt!!! Nakaisip ako ng kalokohan para sa kuya kong tulog mantika bwahahahaha!

Pumunta ako sa kanyang silid para tignan kung tulog pa ba siya at hindi ako nabigong makapasok dahil hindi ito nakalock, siguro nakalimutan ulit niyang ilock ang pinto niya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kinaroroonan niya.

1...2...3.....May suuuuunoooggggg! Sunoggggg! Sunooggg!

Biglang nagising si kuya pero mas lalo akong natawa dahil nataranta siya at nahulog sa kanyang kama..Bwahahahah perfect! Nagtagumpay na naman ako sa isinagawa kong kalokohan pero.....

"AZTHREA PRINCESS MAE KYLTHE!!!!" Dahil sa sigaw ni kuya ay bigla akong napatakbo patungo sa aking silid tsaka dali-daling inilock ang aking pintuan. Hingal na hingal na ako dahil sa bilis ng pagtakbo ko pero lagot ako ngayon sa kanya..pikon na naman kase ang mokong hahahahaha makapagbihis na nga lang.

Kinuha ko na ang towel ko tsaka na ako nagtungo sa aking banyo para makaligo na

_____"Oh kayong dalawa, bakit sumisigaw ka kanina Zylix? Inaano ka ba ng kapatid mo hah?"tanong ni mom kay kuya kaya bahagya akong napahinto sa pagsubo

" Eh kase mom itong batang 'toh pumasok sa room ko tsaka nagsisisigaw na may sunog daw kaya ayun nataranta ako tsaka ako nahulog sa aking kama! Ansaket kaya ng balakang ko. Pasalamat nga siya at Mahal ko siya kung hindi baka nasakal ko na 'yan"sagot niya kaya humagikhik si mommy.

Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi ni kuya,totoo naman kase yung sinabi niya eh na kahit lagi ko siyang inaasar hindi niya ako pinapatulan kundi kinikiliti niya nga lang ako.

"Ohh Shaa kumain na kayo para makapasok na din kayo sa school then susunod na din ako sa inyo"mom said.

" Tsaka ikaw Zylix pagbutihin mo ang pag-aaral mo hah? At huwag mong papabayaan ang kapatid mo sa school"dagdag ni mom. Eh hindi naman ako pinapabayaan ni kuya eh, napakaprotective kaya niya kahit minsan masungit pero may tama na ata siya kay Azethea hahahaha.

"Syempre mom bubugbugin ko siya mamaya ay este bubugbugin ko ang aaway sa kanya pero sa pagkakaalam ko palaban naman siya eh"aniya sabay kindat kay mom.

" Oh sige na baka malate pa kayo, sasakyan mo na lang ang gamitin niyo Zylix"dagdag pa ni mom, Aystt perfect timing mom tinatamad ako sa pagdadrive ngayon HAHAHAHAHA.

"Bye mom" me and my brother pero bago kami tuluyang umalis ay nakipagbeso beso pa kami kay mom

____Andito na kami ngayon sa school.

As usual andami na namang babaeng nagtitilian dahil sa kuya ko! Hindi kaya sila nagsasawa sa mukha ng mokong kong kapatid? Tsk! Nakakairita

"Shems John akin kana lang" sambit ng isang babae na napaka kapal ang make up hmm as if naman na magugustohan siya ng kuya ko eh si Azethea gusto neto eh hahah lakas ng tama niya sa kaibigan ko.

"Hindi sila bagay ng kasama niya mas bagay kami" Saad ng katabi niya na halatang pinipigilan siya ng isa sa mga kasama niya I think isa siyang transferee, mapapaaway atah ako. Bahagya akong lumapit sa kinaroroonan nila, akmang pipigilan ako ni kuya pero hindi ako nagpatinag

"You!" Saad ko sabay turo sa babaeng nagsabi na hindi kami bagay ng kapatid ko

"Me? And who you are? Anong karapatan mong ituro-turo ako?" Aba matapang din pala ang isang 'toh.

" So hindi mo pala ako or let's say hindi mo kami kilala? Now! Let me introduce myself and please listen to me! I'm Azthrea Princess Mae Kylthe the one and only daughter of the owner of this school and he is Zylix Trizon John Kylthe my brother!Now you already now who i am! Huwag kang magtapang tapangan dito tsaka isa pa hindi ka gusto ng kapatid ko!"Sabi ko sa kanya tsaka na ko tumalikod sa kanila at nagsimulang maglakad papunta sa room. Naiwan naman ang babae na tulala, gulat pa siguro sa mga nalaman niya.

Hindi naman talaga ako gaano kamaldita pero ewan bigla nalang siguro akong sinapian ng kasungitan ngayon.

Nasira na tuloy araw ko ngayon nakakainis! Sira na ang beauty ko goshhg! Char hahahaha

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height