C18 Chapter 18
Ang bigat sa pakiramdam na makita mo ang minamahal mo na umiiyak, kanina pa kami nandito at kanina pa rin iyak nang iyak si mama. Hindi nito matanggap ang nangyari kay Sasah pero masaya sila dahil nasa kanila na ang kapatid. Ilang taon nilang hinintay na mangyari 'to ang kaso ay sa masamang paraan naman, pasalamat na lang sila at hindi malala ang natamo nitong sugat.
"Mama, tama napo
