My Kissing Tutor/C1 Girlfriend
+ Add to Library
My Kissing Tutor/C1 Girlfriend
+ Add to Library

C1 Girlfriend

Busy ako ngayon sa paggawa ng mga projects ko dahil malapit na ang bakasyon. Wala ang teacher namin dito sa room dahil busy rin sila pagche-check ng mga grades, clearance, at kung anu-ano pang mga kailangan namin para makatuntong na kami sa sa next grade. Malapit na ang summer. Two months na lang ay bakasyon na.

Ako nga pala si Nasha Grace Pineda, 18 years old. Grade 11 na ako at incoming grade 12 sa Tesa High School. Ang Tesa High ay ang pinaka-sikat na paaralan dito sa aming lugar. At ito rin ang pinakamayamang eskwelahan. Maraming mga mayayaman at sikat na mga estudyante rito. Mayaman at sikat silang lahat, maliban sa akin. At hindi ko alam kung bakit ako narito.

Bakit nga ba? Dahil medyo payat ako. Pero naniniwala akong 'payat is the new sexy'. Katamtaman lang naman ang aking height, hindi pandak at hindi rin katangkaran. Singkit ang aking mga mata. Para sa akin ay precious ang mga ito dahil without my eyes, I can't see my value. Mahaba ang aking wavy brown hair, madalas ko itong tinatalian. Why not? Sa init ba naman ng panahon maglulugay pa ako ng buhok? May suot akong eyeglass, 'yong eyeglass na sinusuot ng mga teacher. 'Di ko kasi type 'yong may malaking frame na eyeglass.

Ayo'kong magmukhang nerd kahit mukha na talaga akong nerd. I love reading books because I'm a bookworm. Para sa iba, masarap ang magbasa ng stories lalo na kapag rated SPG. Para sa akin, masarap basahin ang story kapag horror lalo na kung may gore content. Charot lang, sweet romance is the best pa rin rather than erotic. Marunong din akong magluto dahil mahilig akong kumain. Hindi halata dahil payat ako, at aywan ko kung saan napupunta ang mga kinakain ko.

Hindi ko alam kung maganda ba ako. Sinasabi kasi ng mga classmates at schoolmates ko na nerd raw ako—na totoo naman dahil inamin ko. Pero sabi naman ng nag-iisa kong bestfriend na pretty ako. Ang supportive niya, 'no? Jannise ang pangalan ng aking bestfriend. Mabait ako, maalalahanin, masayahin, at happy-go-lucky girl. May crush ako rito sa school namin. Mas bata nga lang siya sa'kin nang two years lang naman. Pero wala akong pakialam dahil age doesn't matter naman e. Grade 9 na siya at incoming grade 10 na.

At 'yon na 'yon. Na-idescribe ko na ang buong sarili ko. Ang buong ako. Ngayon, saan na tayo?

So yeah, busy ako sa paggawa ng project. Actually, group project ito. Ayaw kasi nila akong isali sa group nila. Kawawa naman ako. How sad. Ayaw nila sa 'kin kasi, alam niyo na, hindi ako maganda. Sa tingin ko, ako na ang pinaka-pangit na babae sa buong Tesa High.

Gusto ko na ngang lumipat sa ordinaryong school pero ayaw ng mga magulang ko. Pero, hindi ko na iniisip ‘yon. Nasanay na ako sa turing ng mga kapwa ko estudyante sa 'kin simula grade 7.

"Knock! Knock!" Isang malakas na boses na nagmumula sa may pinto.

Alam ko kung kaninong boses 'yon.

Lahat ng mga classmate ko ay tumingin sa kaniya, maliban sa akin.

Nilapitan niya ako at ipinatong ang mga kamay niya sa ibabaw ng ginagawa kong project na parang tinatakpan niya ito. Sinamaan ko siya ng tingin. Siya naman ay nginitian lang ako.

"Ano na naman ba ang kailangan mo, Jannise? You see, busy ako rito. Kaya p'wede ba, shoo!"

Nawala ang kaniyang ngiti at nag-cross arm. "Hoy! Hindi ako hayop or something, 'no?! Don't just shoo me!" Pabiro siyang umismid.

"I'm busy nga. Natapos mo na ba ang mga projects mo?" tanong ko habang ginagawa ang aking project.

"Hindi pa. Gagawin ko na lang sa bahay."

"Dapat mo nang gawin 'yon ngayon."

"Tinatamad ako. Ayo'kong gawin 'yon sa classroom."

"Napakatamad talaga nito. Oh sige, saan mo ba gustong pumunta?"

"Sa auditorium! Maraming hot and handsome guys doon!" aniya habang kilig na kilig.

I rolled my eyes and shook my head in disbelief. "Alam mo, dapat sa all boys school ka nalang mag-aral. Masyado kang mahilig sa mga boys. Ayo'kong sumama sa'yo, mag-isa kang pumunta."

Napakahilig sa mga guwapong lalaki ang babaeng ito. Pero wala namang naging boyfriend. Ayaw raw niya ng commitment e.

"Oh, come on! Alam ko namang gusto mong makita ang crush mo, 'di ba?" She smiled at me teasingly.

Dahil sa sinabi niya ay huminto ako sa ginagawa. Napatingin ako sa kaniya at agad na tumayo.

"Okay. Let's go!" I cheerfully said at agad na hinila si Jannise palabas ng classroom namin.

She chuckled at my actions. "So, 'yon pala ang password mo para makasama ka sa akin, huh?"

"Yeah, yeah. Whatever. Dalian mo na lang."

Niligpit ko ang mga gamit ko bago kami lumabas ng classroom para pumunta sa auditorium.

***

Umupo kami sa mga bleachers nang makarating kami sa auditorium. Maraming mga babaeng nanonood sa mga basket players. 'Yong mga naglalaro lang naman ang pinapanood nila, hindi 'yong laro.

"Nasaan siya?" tanong ko habang tinitingnan ang mga manlalaro.

"Ewan ko. Hanapin mo na lang diyan," sagot niya habang nagdo-drool dahil sa mga guwapong players.

"They are so handsome!" she squealed.

Sinubukan kong hanapin siya by looking at the players one by one pero 'di ko siya nakita. And then, a guy captured my attention. Nakaupo siya sa kabilang side na kaharap ng inuupuan kong bleacher. Nagkasalubong ang aming paningin pero umiwas siya ng tingin. Hindi ko na lang siya pinansin at hinarap si Jannise.

"Jannise, hindi ko siya mahanap. Sigurado ka bang varsity siya?" Tiningnan ko siya.

"Aywan ko," sagot niya habang nakatingin pa rin sa mga manlalaro.

Napakamot na lang ako sa aking ulo. Kahit kailan talaga itong babaeng ito. Nagsinungaling pa para lang maisama ako rito. Puwede namang siya na lang ang pumunta rito nang mag-isa.

Tumingin ako sa babaeng katabi ko sa left side at saka siya tinanong. "Excuse me. Pwede bang magtanong?"

Humarap siya sa akin. "Yeah. Sure."

"Basketball player ba si Tristan Ignacio?" tanong ko.

Nangunot ang noo niya at umiling. "No."

"Oh... okay. Salamat," I politely said at humarap kay Jannise.

Niloloko lang pala ang ako ng babaeng 'to! Kaya pala hindi niya alam kung nasaan si Tristan. Tanga ko naman kasi at naniwala ako sa kaniya.

"Hoy babae! Hindi naman pala siya basketball player kaya hindi ko siya makita rito!" sabi ko at tumayo na.

Tumawa siya at nag-peace sign. "Nasha, saan ka pupunta?"

"Babalik na ako sa classroom." Umalis na ako roon.

"Okay. Pupuntahan na lang ulit kita sa classroom niyo 'pag lunchtime na!" sigaw niya dahil medyo malayo na ako.

I'm on my way back to my classroom. Naririnig ko ang mga naghihiyawang babae. Walang paliguy-ligoy na sinundan ko ang ingay.

Lagi kong naririnig ang mga babaeng nagtitilian pero hindi ko pinapansin kapag nasa classroom ako. Pero ngayong nasa labas na ako, gusto kong malaman kung bakit lagi silang naghihiyawan. Ano kayang mayro'n?

Umakyat ako sa hagdan. 'Yong ingay ay palakas nang palakas, ibig sabihin ay malapit na ako. Pagkatapos ng ilang mga hakbang, huminto ako sa tabi ng railings.

I saw a group of girls sa harap ng pinto ng classroom. Puro mga grade 7 to 8.

"OMG! Ang g'wapo niya!!!" tili ng maliit na babaeng mukhang nasa elementary pa.

"Kyaaah! Oppa, saranghae!"

tili naman no'ng babaeng feeling Korean.

Hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi nila. Para silang mga manok na siksikan sa chicken barn.

Ilang sandali ay bigla naman silang natahimik.

Anyare? Bakit bigla yata silang natahimik?

Narinig ko namang may kumakanta sa loob ng classroom na iyon. Napaka romantic ng boses na iyon. A voice that could make girls' heart melt. Lumapit ako para silipin kung sino ang kumakanta.

"Excuse me! Excuse me!" I gently push the crowd aside hanggang sa makita ko ang loob ng classroom.

I froze as I saw the guy singing in front of the class. Nag-blush ako nang very light lang naman at ngumiti. Mala-anime ang peg ko e.

Siya 'yong crush ko! Si Tristan Ignacio! Hindi ko alam na he has a very romantic voice pala!

Ipinikit ko ang mga mata ko para ma-feel ang kinakanta niya. At nagsimula na akong mag-daydream. Ini-imagine kong nagdu-duet kami.

Ang guwapo niya talaga! Crush na crush ko siya kahit mas bata siya sa 'kin. Na-love at first sight ako sa kaniya noon.

Huminto ako sa pagde-daydream nang makarinig ako ng malalakas na tawanan. Binuksan ko ang mga mata ko. Tinatawanan ako ng mga estudyante sa loob, pati si crush. Tumingin ako sa paligid ko. Wala na ang mga babae, nag-iisa na lang akong nakatayo rito. Bakit hindi ko napansing umalis na pala sila? Gaano ba ako katagal na nag-daydream?

Napayuko ako sa kahihiyan. Agad akong tumakbo. Nakikihiya ang nangyari. Parang gusto ko na lang tumalon mula sa rooftop.

"Ano bang ginagawa niya? Para siyang tangang nakatayong mag-isa!" Narinig kong sabi ng lalaki kahit na medyo malayo na ako roon. Ang lakas ng boses e.

Sobrang nakakahiya talaga 'yon! At nasaktan ako ah. Nakita ko siyang tumawa. Tinawanan ako ng crush ko! At napakasakit no'n! I should hate him now!

Pero... aywan ko kung kaya ko kasi, gusto ko talaga siya!

Anong gagawin ko?!

***

Nag-ring na ang bell, hudyat na lunchtime na. Isinilid ko na ang mga notebooks ko sa loob ng bag. Narinig kong tinatawag ako ni Jannise. Hinihintay niya ako sa labas.

Isinabit ko na ang bag ko sa aking balikat at lumabas.

"Nasha, bakit parang ang lungkot mo? May nangyari bang masama?" Nilapitan niya ako at tiningnan ako nang mabuti.

Yumuko lang ako para hindi niya makita ang malungkot kong mukha.

"Wala 'to. Pagod lang ako dahil sa pagtapos ko sa mga project ko." Nag-umpisa na akong maglakad.

Naglakad na rin si Jannise para sumunod sa akin. "Sigurado ka? Parang ang lungkot mo eh."

"Okay lang talaga ako. Don't worry about me," sabi ko sabay tingin sa kanya and faked a smile.

Ayo'kong malaman niyang napahiya ako. Siguradong akong reresbak siya. Warfreak pa naman siya.

"Oh, okay. Akala ko may problema ka."

Sumabay na siya sa 'kin. And then, narinig naming may tumawag.

"Jannise!"

Pareho kaming napalingon. Isang babaeng may wavy at brown-orange na buhok ang lumalapit sa amin. Sobrang ganda niya. Nakakasilaw ang kaniyang kagandahan.

Hindi ko siya kilala. Siguro classmate ay siya ni Jannise.

"Oh? Cindy!" Kumaway si Jannise.

"Pupunta ka ba sa cafeteria? P'wedeng sumama?" tanong no'ng Cindy.

"Sure!" Pagpayag niya

Tiningnan ako no'ng Cindy. "Who's she?"

Ewan ko ha, pero I feel uncomfortable around her. Parang may invisible dark aura na pumapalibot sa kaniya.

"Ito si Nasha, kaibigan ko." Ngumiti si Jannise.

"Ah, oo," sabi ko at iniabot ang kamay ko pero hindi niya tinanggap.

"Jannise, let's go! Gutom na ako!" she beamed at hinila na si Jannise.

Naiwan akong nakataas pa rin ang kamay. Ang lamig naman niya sa akin? Ano bang ginawa kong masama sa kaniya Bumuntong-hininga ako at ibinaba ang kamay ko.

"Sandali! Naiwan natin si Nasha!" Narinig kong sigaw ni Jannise.

"Nasha! Ano pang hinihintay mo? Tara na." Hinila na niya ako.

Nakita kong nag-cross arm si Cindy at nag-poker face. Sinundan na lang niya kami sa likuran.

Sa tingin ko ay hindi ako gusto ni Cindy. Baka si Wendy kasi ang gusto.

***

Hindi ako nagsasalita habang kumakain, except kay Jannise na salita lang nang salita. I could feel the bad aura around Cindy.

"...And then, 'yong guy iniwan 'yong girl!" Tiningnan kami ni Jannise. "Huy, nakikinig ba kayo sa k'wento ko?"

Tumingin ako sa kaniya at awkward na ngumiti. Gano'n din ang ginawa ni Cindy.

"Jannise, manood tayo ng soccer pagkatapos ng klase! I heard na marami raw mga g'wapong players!" sabi ni Cindy.

"Talaga?! Sige!" Tuwang-tuwa naman ang gaga. Hindi talaga makatanggi basta makarinig ng guwapo.

Humarap sa 'kin si Jannise. "Gusto mong sumama?"

Bago pa ako makasagot, nagsalita na si Cindy para sa akin.

"Hindi siya makakasama. Marami siyang projects na gagawin."

Sige, ikaw na ang spokesperson ko. Hindi man lang ako na-inform na may spokeswoman na ako.

Tiningnan ako ni Jannise na parang nagtatanong.

"Ah... O-oo, may tatapusin pa akong projects. Next time na lang."

Tumayo si Cindy. "Jannise, balik na tayo sa classroom. Marami akong iku-kuwento sa 'yo!"

"Hintayin muna nating matapos kumain si Nasha bago tayo umalis."

"Okay lang, Jannise. Go ahead," sabi ko.

"Sigurado ka?"

Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Okay."

Lumabas na sila sa cafeteria. Hindi man lang ako ipinaglaban ng bestfriend ko. May bago na siyang bestfriend. Sige lang. Hindi naman masakit.

Napabuntong-hininga ako.

Heto na naman tayo, Ms. Lonely. Bakit ba lagi na lang akong nag-iisa? Dahil ba sa nerd ako? Hindi maganda? Anong gusto nilang gawin ko? Magpa-plastic surgery ako, gano'n?

Masaya nga ako at nagkaroon ako ng isang kaibigan, pero inagaw na siya ni Cindy. Bakit hindi na lang siya maghanap ng Wendy?

"Hey."

Napahinto ako sa pagkain ng pasta nang mapansin kong may umupo sa inupuan ni Jannise kanina. Napatingala ako upang makita kung sino ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya.

Totoo ba ito?!

Ang taong gusto ko ay nasa harapan ko ngayon?!

"T-T-T-Tristan? A-anong g-ginagawa mo nito?" nauutal kong tanong.

I really can't believe it! Siya ba talaga 'yan? Ang heartthrob prince ng school ay kinakausap ako?

Tumingin ako sa paligid. Lahat ng mga tao sa cafeteria ay nakatingin sa amin! The girls were glaring at me!

Please, Tristan Ignacio, lumayo ka sa 'kin! Papatayin ako ng mga fan girls mo!

He leaned his elbows and body on the table. Ngumiti siya. I could feel the butterflies in my stomach! At ang bilis ng tibok ng puso ko!

"I want you to be my girlfriend."

Oh, 'yon lang naman pala. Mas nanlaki pa ang singkit kong mga mata nang ma-realize ang sinabi niya.

Girlfriend?!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height