My Kissing Tutor/C10 Single-Lip Kiss
+ Add to Library
My Kissing Tutor/C10 Single-Lip Kiss
+ Add to Library

C10 Single-Lip Kiss

Pababa na ako ng hagdan nang mag-ring 'yong telepono namin. Agad naman itong natugunan ng maid. Tiningnan niya ako at tinawag.

"Ma'am Nasha, si Ma'am Jannise po."

Bumaba ako ng hagdan para lumapit sa maid at kinuha ang telepono mula sa kaniya.

"Hello?"

"Nasha!" Iyak niya mula sa kabilang linya.

"Oh? Bakit?"

"Aalis kami this vacation. Pupunta kami ng Thailand for one month. Gusto ko sanang isama ka kaso ayaw ng parents ko."

"It's okay Jannise. One month lang naman eh. At saka magkikita pa naman tayo sa pasukan. Kaya 'wag ka nang mag-iyak-iyakan diyan."

"Grabe ka naman. Iyak-iyakan talaga? FYI, true 'yon. Kasi mamimiss kita." Muli siyang umiyak.

"Oo na, true na kung true. Sige na, bye. May pupuntahan pa ako."

"Wait! 'Wag mo munang ibaba, please. Usap muna tayo, mamaya na kasi kami aalis."

Tiningnan ko 'yong oras sa wall clock namin at sinasabinh 8:30 AM na. May 1 and a half hour pa ako.

"Sige. Sandali lang ah, may pupuntahan pa ako mamaya eh."

"Oo."

A few moments later...

"Nash, I'll miss you! Huhuhu! Bye."

"Ang OA mo talaga Jannise. One month nga lang eh. Sige, bye na."

Natapos na rin sa wakas ang tawagan namin. Medyo mahaba-haba rin 'yon ah? Si Jannise kasi, ang daldal masyado, ang daming ikinu-kuwento.

Tiningnan ko ulit 'yong wall clock. Nanlaki ang mga mata ko. Naku! It's already quarter to ten! I can't be late!

Nagmadali akong pumunta sa kuwarto ko para maligo at magbihis. Hindi na ako mag-aalmusal kasi masasayang lang ang oras. Napahaba kasi masyado ang usapan namin ni Jannise. Siya naman kasi, ang daming kinukuwento!

Nang matapos na akong maligo't magbihis agad na akong lumabas ng bahay.

Saktong paglabas ko ng gate namin, dumaan 'yong bus at agad naman akong pumara. Pagsakay ko, tiningnan ko 'yong oras sa wrist watch ko. Naku! 10:05am na! Late na talaga ako!

***

Pagtapak ko pa lang sa harap ng gate ng mansion niya, kinakabahan na ako. Ano kaya ang punishment ko?

Teka nga Nasha, may sinabi ba siyang punishment 'pag na-late ka? Wala naman 'di ba? Eh paano kung mayro'ng punishment?

Ah! Masyado na akong nagiging kabado. Relax, Nasha, relax. Breathe. Inhale. Exhale.

Lumapit ako sa gate at pipindutin ko na sana 'yong doorbell nang marinig kong tinatawag ako ni Brey mula sa loob ng mansion niya.

"Come inside, Grace."

Paano niya nalaman na nakarating na ako eh nasa loob lang siya? He's kinda mysterious.

Binuksan ko 'yong gate para pumasok at dumiretso sa pinto ng mansion. Binuksan ko ito at sumilip pero wala naman siya. Pumasok na lang ako sa loob. Nagulat ako nang pagpasok ko ay may biglang bumuhat sa'kin, 'yong bridal style.

"You're late," bulong niya.

Nakiliti 'yong tenga ko sa bulong niya at parang may mga nagwawala na naman sa loob ng tiyan ko.

Hindi niya pa rin ako binababa at naglakad siya paakyat sa 2nd floor. Kinabahan ako. Saan niya ako dadalhin?

"B-Brey, where are you taking me?" Kinakabahan na talaga ako.

"I'll just show your punishment for being tardy."

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! May punishment 'to.

"A-ano 'yong punishment ko? Lalatiguhin mo ba ako? I-to-torture? Lulunurin sa balde?"

Tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo. "You're over reacting. I can't do that to you." Binuksan niya 'yong pinto, and it looks like his bedroom.

W-Wait! Bedroom?! Hala! Ma-ra-rape ako! Tulong!

Inihagis niya ako sa kama at pumatong siya sa'kin. Napalunok ako. Kinakabahan na talaga ako.

Hindi siya gumagalaw, tinitigan lang niya ako.

Okay... this is getting awkward.

"W-What are d-doing, Brey?" nauutal kong tanong.

"Giving you your punishment."

"So, is this it?"

"No. You're punishment is, do the kissing tutorials I taught you. The shy, butterfly, cheek, and angel kiss."

Nanlaki ang mga mata ko. Hala! Nakalimutan ko na kung paano ang mga 'yon!

"Eh, Brey, nakalimutan ko na."

Umalis siya sa pagkakapatong niya sa'kin at naupo sa kama. Bumangon agad ako.

"You disappointed me. Akala ko natututunan mo ang tinuturo ko. Kahit isa d'on wala kang natutunan? Kahit 'yong cheek kiss hindi mo alam? You're really disappointing. I can't teach you the other kissing tutorials kung gan'yan din lang." Tumayo siya. "You may leave." Lumabas siya ng kuwarto.

Nasha naman kasi! Nagtampo tuloy 'yong napakagwapo mong tutor!

Sinundan ko siya. Nagpunta siya sa living room at naupo sa sofa. Binuksan niya 'yong TV para manood. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tinabihan siya. Inayos ko 'yong eyeglass ko at lumunok.

Kaya mo 'yan Nasha!

Nilapit ko ang labi ko sa pisngi niya at dinampi ito roon. Napatingin siya sa'kin.

"Is that it? How about the others?"

Teka, akala ko ba kahit cheek kiss lang?

"Eh, akala ko ba kahit 'yong cheek kiss lang?"

"Madali lang kasi 'yon. Kahit isa lang sa tatlo ko pang tinuro."

May natatandaan akong isa, 'yong first niyang tinuro, 'yong shy kiss.

Err... paano ba 'to? Paano ko ba sisimulan? Nakaharap siya sa TV. Eh 'yong shy kiss, tititigan pa 'yong mga mata at labi. Aish! Nakakainis naman!

Kinapalan ko na ang mukha ko. Hinawakan ko 'yong magkabilang pisngi niya sabay pinaharap sa 'kin. Tinitigan ko siya sa mga mata niya at sa kaniyang labi, palipat-lipat ang tingin ko rito habang unti-unting inilalapit ang mukha ko sa kaniya hanggang sa magdampian ang mga labi namin. Pagkatapos ng dalawang segundo ay kumalas na ako pero nagulat ako nang hinawakan niya 'yong batok ko at hinila para halikan. Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang napakalambot niyang labi. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Gumalaw ang labi niya, pero ako ay steady lang. Parang nangyayari lang ngayon 'yong halikan namin ni Tristan noon sa tree house.

Kumalas na siya.

"Gan'on ba ang paghalik sa' yo ni Tristan?"

Nagulat ako sa sinabi niya. How did he know na gano'n ako hinalikan ni Tristan? Nand'on ba siya? Nakita niya ba kami?

"Paano mo nalaman?"

"Just answer it."

Tumango na lang ako.

"Kapag gano'n, you should response to that person's kiss. Wala pa kasi tayo sa french kiss." Binaling niya ang kaniyang tingin sa TV.

"Eh 'di, ituro mo na 'yon ngayon, para matapos na. Gusto ko nang gumanti!"

Aba, dapat lang na 'yon na ang ituro niya ngayon para hindi na ako pabalik-balik dito. Ang gusto ko lang naman ay ang gumanti kay Tristan eh.

"Not so fast. I'm gonna teach you all the kissing techniques," sabi niya nang nakatingin pa rin sa TV.

"Eh bakit kailangan pang ituro mo lahat? P'wede namang 'yong french kiss na lang. Gaganti lang naman ako kay Tristan."

"'Di pwede. Ituturo ko sa 'yo lahat. I'm a kissing tutor and you're my client. Pasalamat ka nga libre lang."

Bumuntong-hininga ako at umayos ng upo. Humarap ako sa TV para makinood na lang. Wala naman akong magagawa. Hinanap ko siya para turuan ako sa paghalik. Pero, gusto ko na talagang gumanti as soon as possible kasi baka 'pag nagtagal pa 'to baka... baka mawala na ang galit ko kay Tristan at hindi na ako makapag-higanti. I want to keep my pride. I don't want to be a loser. I want to have revenge and no one could stop me.

"Kailan ba matatapos 'tong tutorial na 'to?" tanong ko habang nakatutok sa TV.

Kitang-kita ng peripheral vision ko na tumingin siya sa 'kin.

"'Wag kang atat. Just wait."

Bumuntong-hininga ulit ako at tumango.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palapit at pinaharap sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"B-Brey? W-what are you d-doing?"

He raised his left eyebrow na parang nagtataka sa tanong ko. Bakit? Anong problema d'on? Ako nga dapat ang magtaka dahil bigla-bigla na lang niya akong hinihila. Pero, I have this very weird feeling na parang gusto ko lahat ng mga ginagawa niya sa 'kin.

Ano ba 'yang mga pinag-iisip mo Nasha?! Ako talaga ang weird e.

"Why? Ayaw mo na bang ituloy 'yong tutorial? Ituturo ko na sa'yo 'yong next kissing lesson."

"A-ah! Oo nga pala!" Awkward akong tumawa.

Ano ba 'yan?! Why am I acting like this? I am being so over reacting. Hindi naman ako dati ganito noong una pa lang.

"Take a deep breath," utos niya.

Sinunod ko iyon.

Pagkatapos ay unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa'kin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa lower lip ko. He gently suck and bit my lower lip. It sent me tingles up and down my spine. After a few minute, he pulled away. He stared at me for a minute before he speak.

"How does it feel?" biglaan niyang tanong.

Akala ko ang sasabihin niya ay gawin ko rin iyon pero, bakit naman 'yon ang tinanong niya? Ano naman kaya isasagot ko? Nahihiya akong sabihin!

"B-bakit naman kailangan mo pang tanungin 'yan?" ilang kong tanong.

"I just wanna know if I done it right. Did I send tingles up and down your spine?"

"H-huh?"

"Just answer it."

Nahihiya akong tumango at yumuko. Nakakahiya talaga, promise!

Tumingala ako nang kaunti para makita ang reaksiyon niya. Nakangiti siya. Naramdaman kong nag-blush ako kaya napayuko ulit ako. Ang guwapo niya talaga lalo na 'pag ngumingiti! Ah! Nasha! Stop it, please!

"That's what you call, the 'Single-lip kiss'."

I looked at him at tumango.

"The kissing lesson will continue tomorrow. I'm going to teach you two kinds of kiss."

Tumango ako. "So, p'wede na ba akong umuwi?"

He looked at his wrist watch. "It's still early." Then he looked at me.

"Can I ask you out for lunch?"

Wala sa sarili akong tumango.

Sandali, ano 'to? Date?!

"Teka, date ba 'to?" diretsahan kong tanong.

"If that's what you think, then fine. I'll consider it as a date," he smirked.

Napayuko ako sa kahihiyan. Ang assumera ko naman! Niyayaya lang pala niya akong kumain sa labas ng lunch. At ako namang assumera na akala ay niyayaya akong mag date, ayan he considered it as a date!

Nasha talaga oh!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height