My Kissing Tutor/C11 Punished Again
+ Add to Library
My Kissing Tutor/C11 Punished Again
+ Add to Library

C11 Punished Again

"What do you want to eat?" tanong ni Brey habang nakatingin sa menu.

Napili niyang sa restaurant kami kumain. Nakatingin din ako sa hawak kong menu para pumili ng kakainin.

"Hmm... I want spaghetti meat ball and iced tea."

Favorite ko talaga ang spaghetti lalo na 'pag may meat ball.

Nilingon niya 'yong waiter na hinihintay ang order namin. "Two plates of spaghetti meat ball and two glasses of iced tea."

"Okay, Sir. Wait for your order after few minutes." Umalis na 'yong waiter pagkatapos niyang ilista 'yong order namin.

Tumingin si Brey sa'kin nang nakahalumbaba. Nakatitig lang siya sa 'kin. Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako. Nakaka-conscious tuloy.

"Bakit 'yong mga naka-eyeglasses tinatawag nilang nerd?" bigla niyang tanong.

Napatingin ako agad sa kaniya.

"Huh? Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Don't answer me with another question."

"Ang alam ko 'yong mga naka-eyeglass at braces na matatalino ay tinatawag nilang nerd."

"Then, why are they calling you nerd? Wala ka namang braces."

"Hindi ko alam. Pero nasa hitsura ko naman ang pagiging nerd."

Maya maya pa'y dumating na 'yong order namin. Nang maamoy ko ito, lalo akong ginugutom. Excited kong kinuha ang tinidor. Tinuhog ko 'yong meatball at isinubo ito. Ang sarap! Favorite ko talaga itong spaghetti lalo na 'yong meatball nito.

"I don't agree with that. Yes, you're a nerd, outside. But inside, you're not. That's why—"

Tumigil ako sa pagkain at tiningnan siya. Nakatingin pa rin siya sa 'kin with his serious face.

"That's why, ano?" Gusto kong ituloy niya ang sasabihin niya.

"Wala. Never mind that." Kumain na siya.

Nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain sa favorite food ko.

Nang paubos na namin ang aming kinakain ay napasulyap ako sa lalaking pumasok. Napatigil ako nang ma-realize kong si Tristan 'yon. Nataranta ako nang mahagip ng paningin niya ang tingin ko.

"Grace, are you okay?" tanong ni Brey nang mapansin niya parang natataranta ako.

"Uhm, yeah. Umalis na tayo, busog na ako."

Nagmadali akong tumayo.

Palabas na kami ni Brey ng restaurant at masasalubong namin si Tristan. Nilagpasan ko siya. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng restaurant ay hinablot niya ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya.

"Nasha, we need to talk," aniya at akmang hihilahin ako palabas.

"Not so fast," Brey said and grabbed my other free arm. "She's not going anywhere with you," he added.

Nagtitigan lang ang dalawa. Parang nagbubugbugan na ang dalawa sa titig pa lang nila sa isa't-isa.

"Fine!" Bumaling si Tristan sa 'kin. "Still, I'll wait for you at the park. We really need to talk. Hope you come." Binitawan na niya ako at tumuloy sa restaurant.

Hinila na ako palabas ni Brey.

"Don't come," aniya habang hila-hila ako papunta sa car niya.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko. May part kasi sa'kin na ayo'kong makipag-usap kay Tristan at mayro'n din 'yong gusto ko.

Ang gulo naman! Makikipag-usap ba ako o hindi?

Pagsakay namin ng kotse niya, agad niya itong pinaandar.

"By the way, the next kissing lesson will start tomorrow around 5 PM."

"Bakit 5 PM?" tanong ko na lang nang hindi pinag-iisipan.

"Tomorrow is our graduation day," sagot niyang nakatingin sa driveway.

Oo nga pala, graduating student siya dahil grade 12 nga pala siya. College na siya sa susunod na pasukan, at ako naman ay grade 12 na! Ay, oo nga pala, may balak ba siyang mag-college? Kabilang kaya kami sa K-12. P'wede siyang mag-abroad pagka-graduate niya.

"Brey, may balak ka bang magkolehiyo?"

"Of course."

"Anong kurso ang kukunin mo?"

"Dalawa ang pinagpipilian ko. Architecture or Engineering."

"Ah." Tumango-tango ako.

"How about you? Gusto mo rin bang makaapak ng college?"

"Oo. Gusto kong ma-experience ang buhay kolehiyo. At ang kursong kukunin ko ay Education. Gusto ko kasing maging teacher sa pre-school or kinder," nakangiti kong sagot.

Huminto ang kotse sa tapat ng bahay namin. Humarap siya sa'kin at tumitig. Unti-unting nawala ang ngiti ko.

Why is he staring at me like that? Naiilang tuloy ako.

"'Wag mong pupuntahan si Tristan. Sundin mo itong sinabi ko sa 'yo, okay?"

Tumango ako. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at binuksan ang pinto ng kotse niya para lumabas. Bago pa ako makalabas ay nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya. Sobrang lapit na ng mukha namin at pakiramdam ko sobrang pula ko na! Lagi na lang akong namumula.

Nilapit niya ang mukha sa may tainga ko.

"Hindi mo alam ang magagawa ko 'pag hindi mo ako sinunod," bulong niya na nakapagtayo ng mga balahibo ko sa batok.

Lumayo ako sa kaniya.

"Ah, s-sige papasok na ako sa bahay." Lumabas na ako ng kotse niya.

Mabilis akong pumasok sa loob at nagtungo sa kuwarto ko. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa binulong niya. Anong ibig niyang sabihin?

Tiningnan ko 'yong wall clock. Two o'clock pa lang. Tumayo ako at nagpalit ng damit. Pupuntahan ko si Tristan. Aywan ko kung bakit? Pero gusto ko siyang makausap. Hindi naman siguro malalaman ni Brey na pupuntahan ko siya, 'di ba?

***

Nakarating ako sa park after 10 minutes.

Nilibot ko ang buong park para hanapin siya, hanggang sa matagpuan ko siyang nakaupo sa tabi ng isang puno. Nakasandal siya sa punong iyon. Nilapitan ko siya. Nang makita niya ako ay tumayo siya at lumapit sa akin. Nagulat ako nang hawak niya ang kanang pisngi ko kaya bahagya akong napaatras.

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?" tanong ko.

Ibinaba niya ang nakaangat niyang kamay. "Do you still like me?"

"Ano namang klaseng tanong 'yan?"

Lumapit siya sa 'kin at hinawakang muli ang pisngi ko. "Nasha, I want you back." Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya.

Kumabog ang dibdib ko. Palapit nang palapit ang labi niya sa labi ko hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi nito, pero agad ko siyang tinulak.

Hindi puwede! Hindi pa ako nakakaganti sa kaniya kaya hindi niya ako puwedeng halikan! Alam kong sasaktan niya ulit ako kaya niya ako gustong halikan.

"Nice one, Nasha. Looks like you got smarter this time. I'll give you two claps for that. Clap, clap!"

Napalingon ako sa nagsalita.

Si Cindy? Anong ginagawa niya rito?

Nilapitan niya si Tristan at kumapit siya sa kaliwang braso nito. "Too bad for you, Tristan. But, you made a good job though. Let's go, Hon," ani Cindy at hinila siya palayo.

Walang expression ang mukha ni Tristan na nagpahila na lang sa kaniya.

Ano bang ibig sabihin nito? Sila na ba ni Cindy?

Nakaramdam ako ng kaunting selos. Sila na nga 'ata dahil sa pagtawag ni Cindy sa kaniya, 'yong endearment nila.

Umalis na ako ng park nang nawala na sila sa paningin ko. Hindi na nga dapat ako pumunta rito. Pero buti na lang at hindi ako bumigay nang halikan ako ni Tristan. Buti na lang at tinulak ko siya, kun'di baka para na naman akong estatwang hinahalikan niya. Sigurado akong plano niyang pagtawanan ako ni Cindy dahil hindi pa rin ako marunong humalik. Siguro ay pinapunta niya si Cindy para masaksihan ang katangahan ko.

Naglalakad ako sa daan nang harangan ako ng isang kotse.

Teka, parang pamilyar itong Chevrolet na ito.

Nagbukas ang pinto ng kotse at iniluwa nito ang napakaguwapong nilalang. Walang iba kun'di si Brey.

"Brey? Anong ginagawa mo rito? Bakit mo iniharang 'yang kotse mo sa daraanan ko? Akala ko ba umuwi ka na?" sunud-sunod kong tanong.

Nilapitan niya ako at hinigit papasok sa kotse niya.

"'Di ba sabi ko huwag mo siyang pupuntahan? Pasaway ka talaga." Pinaandar niya ang kotse.

"Paano mo nalaman na pinuntahan ko siya? Wait, are you stalking me?"

"I always got an eye on you, Nasha," sabi niya.

Wait, tinawag niya akong Nasha? Himala.

"Did you just call me Nasha?"

Napansin kong namumula nang kaunti 'yong mukha niya. Is he blushing?

"Brey, bakit parang namumula 'yang mukha mo?"

"No, it's not. It's just that, mainit kasi."

"Hindi naman ah?"

"Para sa 'yo, hindi. Stop talking already, Grace."

Bumalik ulit sa Grace? Ayo'ko kasi 'yong tinatawag ako sa pangalan kong hindi ko nakasanayan. Karamihan kasi Nasha ang tawag sa 'kin kaya nasanay na ako sa pangalang iyon.

"Sandali nga, saan ba tayo pupunta?"

"'Di ba sabi ko stop talking? Napakapasaway mo talagang babae ka," medyo irita niyang sabi.

Tinikom ko na lang ang bibig ko dahil ayaw kong magalit si Brey. He looks so hot kasi kapag sobrang seryoso siya at baka... ah! Nevermind.

Huminto ang kotse niya sa tapat ng isang two storey na bahay na sa tantiya ko ay bagong gawa pa lang ito.

"Kaninong bahay 'yan?" Tinuro ko 'yong bahay.

"Mine," tipid niyang sagot.

"Ha? Bahay mo? Eh 'di ba may mansion ka na?"

"Pinagawa lang 'yan ng parents ko para sa akin kapag nag-asawa na ako," walang gana niyang sagot at lumabas ng kotse.

"Weh? Talaga? Yaman niyo ah? Mas'werte ang babaeng mapapangasawa mo," sabi ko habang binubuksan ko ang pinto ng kotse.

Paglabas ko ay hinila niya ako papasok. Sinarado niya ang gate pagkapasok namin.

"Teka nga, ano bang gagawin natin dito?" tanong ko habang hinihila niya ako patungo sa loob.

Binuksan niya ang main door at nagulat ako nang pagkapasok namin ay ni-lock niya ang pinto. Isinandal niya ako sa nakasarang pinto at ikinulong ako sa kanyang bisig.

"I'm going to punish you again for being stubborn. Napakapasaway mo."

Inangat niya ang baba ko at inilapit mukha niya sa 'kin. Sobrang bilis na ng pagtibok ng puso ko at parang lalong nagwawala ang mga bulate ko sa tiyan.

Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko at automatic na napapikit ang mga mata ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Pakiramdam ko nag-iinit na ako. Hindi ko maipaliwanag kung ano ito nararamdaman ko ngayon.

"B-Brey..."

Ibinalik niya ang halik niya sa labi ko. Gumagalaw ang labi niya at hindi ko alam kung paano ang mag-response.

Kumalas siya sa paghalik. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at tinitigan ang mga mata ko.

Napakabilis pa rin ng tibok ng puso ko. Ilang minuto kaming nagtitigan.

Napapitlag ako nang tanggalin niya ang suot kong eyeglasses.

"Those eyes, they're beautiful."

Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niya pang kamay na nakahawak sa braso ko.

Muli ay hinagkan niya ang labi ko.

Brey Simpson, gusto na ata kita.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height