C14 Game
Sinundo ako ni Brey sa bahay. Pupunta kami ngayon sa reunion ng batch nila. Simpleng dress lang ang sinuot ko, siya naman ay blue polo blouse. Sabi kasi niya na semi-formal daw ang theme ng reunion. Hanep 'no? May theme pa talaga, eh reunion lang naman.
Binuksan ni Brey 'yong pinto ng car niya sa tabi ng driver's seat. Pumasok kaagad ako at sinara na niya 'yong pinto