C23 Air Kiss
Parang nanigas ako sa kinauupuan ko pagkatapos niyang sabihing gusto niya ako. Tama ba talaga ang narinig ko? Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Kung matutuwa ba, maiilang, o malulungkot.
Saka lang ako gumalaw nang tabihan niya ako sa sofa na inuupuan ko.
"Uh... paano ka nakapasok dito? Wala naman 'yong mga maid," tanong ko nang lingunin ko siya.
"Hindi naka-lock ang pinto