C24 Makeover
Nakabihis na ako nang kumatok si Brey sa pinto ng aking kuwarto.
"Are you done?"
"Yes, palabas na ako " sagot ko pabalik.
Kanina pa kasi ako rito sa kuwarto ko. Ang hirap naman kasing mamili ng susuotin. Hindi ko nga alam kung bakit mapili na ako sa mga susuotin ko. Plain shirt at pants lang ang lagi kong sinusuot. At suot ko naman ngayon 'yong dress na bigay sa akin dati ni Jannise