C29 Disappoint
Dumilat ang mga mata ko nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Bumangon ako kahit inaantok pa ako. Kinuha ko ito sa ibabaw ng bedside table ko at dumungaw sa screen. Tumatawag si Jannise.
Pinindot ko 'yong answer button at nilapat ko ito sa tainga ko.
"Jannise? Bakit ka napatawag?"
"Gusto ko lang sabihin na, bukas na ang pasukan. Dapat nga ay next week pa. Hindi pa tayo nakakapag-enrol