My Kissing Tutor/C3 The Kiss
+ Add to Library
My Kissing Tutor/C3 The Kiss
+ Add to Library

C3 The Kiss

Finally! Natapos ko na ang project ko! Isu-submit ko na lang ito.

Uminat ako at niligpit ko na ang mga ginamit ko. Pupunta na ako ng faculty room para i-submit ito sa adviser namin.

Tumayo na ako at lalabas na sana ng classroom nang tawagin ako ng mga kaklase ko.

"Nasha! Sino ang mga ka-group mo?" tanong ng kaklase kong gumagawa pa ng project kasama ang groupmates niya.

Aba! Himala! Pinansin ako ng classmate ko! I'm sure, may kailangan ito kaya ako tinawag.

"Wala. Mag-isa lang akong gumawa nito."

"Ka-groupmate ka namin 'di ba? 'Buti naman natapos mo na iyan para makapagpahinga na kami. Pakilista na sa papel ang mga pangalan namin," aniya.

Aba, aba, aba! Sinasabi ko na nga ba't may kailangan sa 'kin ito eh! Ang kapal naman ng mukha. Aba, magpakahirap sila! Pinaghirapan ko kayang gawin ito nang mag-isa! Ayan kasi, 'di ako sinasali sa grupo nila. Akala niya gagawin ko ang sinabi niya? No way. Dahil lang sa nerd ako, mauuto niya ako? Kaya nga nerd 'di ba, matalino?

"Who you?" sabi ko sabay walk out.

Akala niya ha? Bahala sila riyan.

Nagpunta na ako sa faculty room kung nasaan ang mga teachers.

"Good morning teachers!" bati ko pagpasok ko sa faculty room.

Nilapitan ko ang adviser namin para ibigay ang natapos kong project.

"Ma'am, ipa-pass ko na po 'yong project." Inilapag ko sa table ni ma'am 'yong project.

Tumingala siya para makita ako. "Anong group ka?"

"Wala po ma'am. Mag-isa lang po akong gumawa nito."

"Ikaw lang gumawa niyan? Bakit? Hindi ba't by group 'yan?"

Napakamot naman ako sa batok ko.

"Ayaw po kasi akong isali ng mga groupmates ko."

Mga maaarte kasi ang mga 'yon.

"Sino ba ang mga ka-grupo mo? Ilista mo rito." May binigay siyang 1/4 pad paper at ballpen.

Sinunod ko naman ang sinabi ni ma'am. Pagkatapos kong isulat ang mga pangalan nila ay lumabas na ako ng faculty.

"Nasha!"

Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Nakita kong lumabas ng faculty room si Tristan. Nasa loob pala siya? Hindi ko napansin ah.

"Tristan? Nando'n ka pala? Hindi kita napansin ah. Anong ginawa mo roon?"

Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang masabayan na niya ako.

"Nakita nga kitang pumasok kanina. May pinasa lang akong report sa English teacher namin."

Napatango lang ako. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong akbayan.

Ayan ka na naman Tristan e! Kinikilig ako!

"Babe, date tayo bukas. Saturday naman e," aniya.

Tumango lang ako. Walang makalabas na salita sa bibig ko sa sobrang kakiligan! Mababaw talaga akong kiligin. First time ba naman magka-dyowa? Tapos sa ultimate crush ko pa?

***

Napadilat ako nang tumugtog sa aking cellphone ang paborito kong kanta ng 7TS. In-off ko na ang alarm ko sa cellphone at bumangon. Tiningnan ko 'yong memorandum sa kalendaryo. Napangiti na lang ako.

Date namin ngayon ni Tristan. Dahil Sabado ngayon, buong araw kaming magda-date!

Ginawa ko na ang araw-araw kong routine. Breakfast first ako, tapos toothbrush, at huli ang ligo. Nang makapag-bihis na ako ay lumabas na ako ng kuwarto.

Pababa ako ng hagdan nang salubungin ako ng maid.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo. Nasa labas po siya. Papapasukin ko po ba?"

Tumango lang ako at bumaba na. Bumalik na ‘yong maid sa labas.

Pagbaba ko, pumasok 'yong maid kasama si Tristan.

Nginitian niya ako.

Ah! Ang gwapo niya talaga kapag ngumingiti siya!

"Let's go?"

Tumango ako.

Inilahad niya ang kaniyang kamay at tinanggap ko naman iyon.

Pumasok na kami sa loob ng kaniyang kotse.

***

Sa mall namin napiling mag-date. Magka-holding hands kami habang naglalakad. May mga nasasalubong nga kaming mga nag-aaral din sa Tesa High at sinasamaan ako ng tingin.

Naalala ko na naman tuloy 'yong sinabi nilang 'di kami bagay. Oo nga naman, hindi naman talaga kami bagay dahil tao kami. Wala namang bagay na kumakain, naliligo, nagsasalita, etc.

Hay, 'wag ko na ngang isipin 'yon. Ang importante ay magkasama kami ni Tristan ngayon.

Nagpunta kami sa mga arcades. Niyaya niya akong maglaro pero 'di ako pumayag kaya siya na lang ang naglaro. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganiyan.

Habang busy siya sa paglalaro, may narinig akong mga naghihiyawang mga babae sa 'di kalayuan. May artista yata.

Bumaling ako kay Tristan na naglalaro pa rin.

“Tristan, punta muna ako d’on," sabi ko at tinuro ‘yong mga taong nagkukumpulan.

Tiningnan naman niya ang tinuro ko.

“Okay. Go ahead,” aniya at bumaling ulit sa nilalaro.

Pinuntahan ko na 'yong pinagkakaguluhan nila.

Sabi na eh. May mga artista nga. Mall tour nila siguro.

“Ah! LEXO!” sigaw ng mga tao.

Ay, hindi pala. Korean idol boy group pala. May concert sila siguro mamaya.

Umalis na ako roon dahil nahihilo ako sa mga flash ng camera kahit na hindi ako 'yong kinukuhanan ng picture. Pero nagulat ako nang maglakad ako ay may naramdaman akong parang may kamay na dahan-dahang pumahid sa palad ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok!

Napalingon ako pero lahat sila ay nakatalikod at busy sa paghiyaw.

Umiling na lang ako at ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon pero kinilabutan ako nang maisip kong baka multo 'yon! Naku naman!

Binalikan ko na lang si Tristan.

“Anong meron d’on?” tanong niya nang makabalik ako.

Tapos na siya sa paglalaro.

"Pinagkakaguluhan nila 'yong LEXO. Nandito kasi sila. I think, may concert sila mamaya."

Tumango lang siya at inakbayan ako.

"Kain na tayo. Nagugutom na ako."

Nagpunta kami sa Jobeelli rito sa mall. Nag-order kami ng chicken joy with rice, pineapple juice, at sundae.

"Pagkatapos nito, punta naman tayo sa park."

Bago pa ako makasagot, iniangat niya ang kutsara at ambang susubuan ako.

Medyo nag-blush ako sa ginawa niya. Oo, medyo dahil hindi sobra. Kung sobra e 'di mukha na akong kamatis sa pula? Tristan naman! Nakakakilig ka na masiyado!

Ngumanga ako para isubo ang kutsarang may ice cream. Ngumiti siya kaya ngumiti na rin ako.

"Subuan mo rin ako, Babe."

Nag-scoop ako ng ice cream gamit ang kutsara. Itinapat ko 'yong kutsara sa bibig niya at sinubo naman niya iyon.

Napangiti na naman ako. Ang cute niya. Ngayon ko lang naranasan 'to sa tanang buhay ko. Lahat ng nangyayari sa akin ay first time. 'Yong magka-boyfriend, holding hands, akbay, date, at kung anu-ano pa ay first time. Suwerte ko sa kaniya pero hindi ko alam kung hanggang kailan ang suwerteng ito. Hiling ko nga na sana ay magtagal ito, na sana ay siya na talaga habang-buhay. Pero walang kasiguraduhan. Drama mode activated!

Dumiretso na kami sa park nang matapos kaming kumain. Tulad ng dati, naglakad-lakad kami habang nag-uusap.

Nagtataka nga ako kung bakit niya ako gustong maging girlfriend. Hindi man lang siya nanligaw. Nasabi ko na kanina na lahat ay first time, 'di ba? Well, 'yong panliligaw na lang ang hindi ko pa nararanasan.

"Akyat tayo sa tree house," aniya at tinuro 'yong tree house.

Pinanood namin ang magandang tanawin nang makaakyat kami sa tree house. Parang gusto ko tuloy magpagawa ng tree house sa garden namin. Maganda rin kasing matulog dito o kaya'y tumambay.

Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay kong nakakapit sa railings ng tree house. Napatingin ako sa kaniya. Seryoso ang tingin niya sa 'kin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa 'kin kaya bahagya akong napaatras.

"T-Tristan... a-anong gagawin mo?" Napalunok ako.

Hahalikan niya ako! Hahalikan niya ako! What to do?! OMG!

Hindi siya sumagot. Tuloy lang siya sa paghakbang habang ako naman ay patuloy sa pag-atras.

"Tristan, k-kung b-balak mo akong... h-halikan, p-please 'wag muna. H-hindi pa ako handa," nauutal kong sabi.

He smirked. "Bakit? Ayaw mo bang maging first kiss ako?" Hindi pa rin siya huminto sa paglapit sa 'kin.

Nasa mismong loob na kami ng tree house sa kakaatras ko. Kanina ay nasa parang maliit na balcony kami ng tree house.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon at lunok lang ako ng lunok ng laway kaya halos hindi na ako makapagsalita. 'Buti nga ay hindi pa ako nabibilaukan kakalunok.

"Hindi ba crush na crush mo ako kahit na mas bata ako sa 'yo? Bakit lumalayo ka? Hindi mo na ba ako crush? May iba ka na bang nagugustuhan?" he asked, still stepping forward with a smirk on his face.

"H-hindi naman sa gan'on. It's just that, hindi pa ako handang mahalikan," kinakabahan kong sagot habang patuloy sa pag-atras.

Mas lalo akong kinabahan nang maramdaman ko na ang pader ng tree house. Na-corner na ako!

He cupped my face.

Napalunok ako ng ilang beses.

Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha kaya napapikit na lang ako nang mariin.

Nararamdaman ko na ang maiinit niyang hininga kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

Parang sasabog na ako nang maramdaman kong dumampi ang kaniyang labi sa aking labi. Nanigas ako. Hindi ko alam ang gagawin. Parang naging blanko ang pag-iisip ko.

Gumalaw ang labi niya samantalang ako ay naninigas. Tuod lang, Nasha?

Matapos ang ilang segundo, inilayo na niya ang labi niya sa 'kin at binitawan na ang mukha ko.

Umiling-iling siya. "I can't believe it. Akala ko masarap kang humalik. Nerd nga naman, hindi marunong humalik. Nasayang lang ang effort kong maging sweet sa 'yo."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, iniwan na niya akong tulala sa tree house. What?!

Nasaktan ako d'on sa sinabi niya. Kaya niya ba ako gustong maging girlfriend ay dahil gusto lang niyang matikman ang labi ko? Gusto niyang malaman kung marunong ba akong humalik?

Nang dahil lang d'on, nawala ang first kiss ko!

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Parang may malaking bagay na bumara sa aking lalamunan at hindi ko ito magawang lunukin. Humikbi ako kaya napatakip na lang ako ng bibig para pigilan ang malakas kong paghikbi.

Hindi ko akalain na sasaktan niya lang ako nang ganito. Akala ko, gusto niya talaga ako. Napaka uto-uto ko talaga! Bakit ba naniwala ako sa kaniya? Bakit pa kasi pumayag akong maging girlfriend niya?

Tinanggal ko ang aking eyeglasses para punasan ang mga luha ko. Lumabas na ako ng tree house.

Hikbi lang ako nang hikbi habang naglalakad pauwi. Pinagtitinginan na nga ako ng mga taong nadadaanan ko. I looked so pathetic. Mukha akong tutang nawawala at hinahanap ang amo.

Binilisan ko na ang paglalakad para makauwi na sa bahay at magkulong sa kuwarto. Hindi na ako nag-commute. Naglakad na lang ako dahil hindi naman masiyadong kalayuan ang tirahan namin.

Nang nasa tapat na ako ng gate, huminto ako para tanggalin ulit ang eyeglasses ko at punasan ang mga luha ko. Huminga ako nang malalim bago ko ito isuot muli.

Binuksan ko na ang gate at papasok na sana ako nang may marinig akong mga yapak kaya napalingon ako. Pero wala naman akong nakita. Broken hearted na nga ako, mumultuhin pa ako? Siguro naaawa na sa akin ang muto. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at pumasok na sa loob.

Tulala lang ako sa loob ng aking kuwarto habang yakap-yakap ko ang aking mga tuhod.

Manloloko siya! Niloko niya ako! At ako namang tanga, nagpa-uto! Why am I so stupid? Matalino ako dahil nerd ako pero bakit hindi ko ginamit ang utak ko? Kung bakit ba kasi pumayag ako sa alok niya. Ito ang naging resulta sa pagpayag ko. Nasaktan ako. Dahil lang sa hindi ako marunong humalik, masasaktan ako ng ganito. Pero kahit nasaktan niya na ako, hindi pa rin mawala ang damdamin ko sa kaniya. I still like him and I don't know if it's love or just an infatuation. But, I really really like that bastard. But... but!

Ugh! I don't know!

Binaon ko ang aking mukha sa unan at umiyak nang umiyak. Sobrang sakit talaga ng ginawa niya! Hindi pa 'ata kami umaabot ng isang buwan ay ganito na ang ginawa niya sa akin. Bakit Tristan? Bakit?! Ano bang naging kasalanan ko sa 'yo?

Nakarinig naman ako ng katok mula sa labas ng kuwarto ko.

"Ma'am, dinner is ready," sabi ng maid.

Inangat ko ang aking mukha at pinunasan ko ang luha sa aking mga mata bago ako lumabas ng kuwarto.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height