C37 Long Time No See
"Sigurado kang kaya mong tiising tumira dito? Masikip dito at isa pa, maraming lamok." 'Yan agad ang sinabi ni kuya nang sabihin kong dito na ako tutuloy.
"Okay lang kuya. Kahit matagal na ako sa malaking bahay ni tita Cynthia, hindi ko pa rin naman nakalimutan ang buhay natin noon. Hindi naman ako naging spoiled kahit nagka-amnesia ako