C49 Red Lines
Panay ang patahan sa akin nina Ate Lianne at kuya sa kuwarto ko. Hindi na kasi ako halos tumigil sa pag-iyak kanina pa nang ihatid ako nina Nick at Jannise dito sa bahay. Hindi na ako pumasok kanina after lunchbreak. Para akong bata kung umiyak dahil maingay ako at parang namatayan.
Naikuwento ko na lahat kay kuya kung bakit hindi bumalik si Mr. Simpson noon