My Kissing Tutor/C5 Brey Simpson
+ Add to Library
My Kissing Tutor/C5 Brey Simpson
+ Add to Library

C5 Brey Simpson

Kinabukasan, hindi ako pumasok. Ayaw ko munang pumasok ngayong araw na ito dahil sa mga 'di magandang nangyari sa akin kahapon. Kung papasok ako ngayon, baka maulit lang 'yong kahapon.

Katatapos ko lang mananghalian ay nagpunta ako agad sa kuwarto ko. Isang oras akong nagmukmok hanggang sa maisipan kong mag-browse sa internet. Wala akong account sa Headbook, Dwitter, o sa kahit anong social networking site. Tanging sa Sagot.com lang ako may account para sumagot ng mga katanungan.

Pag-open ko pa lang ng Goodzilla Waterfox browser, napansin ko kaagad ang Coogle. Oo nga pala, may kailangan nga pala akong i-search.

Sinimulan ko nang i-type sa search box ang 'kissing tutorals'. Agad namang lumabas ang mga resulta.

Woah! Ang dami. Alin ba rito ang ici-click ko? I clicked all the link and copy-paste it all. I printed the documents. Nang ma-print ko na, sinimulan ko na itong basahin.

Okay! Passionate kiss.

Binasa ko ang ibig sabihin nito.

Next, French kiss.

Tuloy lang ako sa pagbabasa hanggang sa matapos lahat.

Huminga ako ng malalim sabay pikit ng mga mata at saka dumilat.

'Di ko gets! Dumudugo na ang ilong ko!

Naiintindihan ko naman ang meaning pero 'di ko talaga makuha. Hindi ko alam kung paano gawin.

Binasa ko ulit 'yong sa passionate kiss at sinubukang gawin. Kinuha ko 'yong unan sa tabi ko para sana halikan pero naisip ko, parang baliw naman akong tingnan kahit walang nakatingin. Ibinaba ko ang unan at nagbasa na lang.

Hindi ako susuko hangga't hindi ko natututunang humalik. Kailangan kong makaganti.

***

Sa sumunod na araw ay pumasok na ako. Hindi ko na pinapansin ang mga tingin nila sa 'kin habang dumadaan ako. Abala kasi ako sa pagbabasa ng mga na-print kong kissing tutorials. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-gets!

Siguro, dapat ay manood ako ng mga sweet flicks na maraming kissing scenes para may makuha akong ideya.

Napahinto ako sa paglalakad dahil lumakas ang ihip ng hangin kaya nailipad ang isa sa hawak kong coupon bonds. Hinabol ko ito.

Ang malas naman! Baka may makapulot pa n'on!

Pinagtatawanan na ako ng mga nakakakita sa akin.

Hoy! Bumalik ka rito, coupon bond!

Maya-maya ay humina na ang hangin at napadpad ito sa garden. Buti na lang walang masiyadong tao. Lalapitan ko na sana 'yon para pulutin pero napahinto ako at nanlaki ang mga mata.

May lalaki kasing lumapit do'n at pinulot ang printed coupon bond! Binasa niya pa!

Agad ko siyang nilapitan at hinablot sa kaniya ang 'yong papel.

"Hindi akin 'to ha! Sa kamag-anak ko 'to," sabi ko nang hindi tumitingin at tinakbuhan ko na siya.

Wala na akong oras para tingnan siya 'no! Kung titingnan ko pa siya, makikilala ko ang mukha niya at baka mahiya lang ako kapag nagkita kami ulit.

***

Nasa garden ako ngayon. Pinalabas na kasi sa classroom 'ying mga kompleto na sa mga projects at iba pang requirements.

Nakaupo ako sa isang bench sa tabi ng isang puno. Binabasa ko na naman 'yong mga kissing tutorials na naka-print sa mga coupon.

Hindi talaga ako titigil hangga't hindi ko natututunan ang mga ito.

"Nash, ano 'yan?"

Agad ko namang itinago sa aking bag 'yong hawak ko at humarap nang nakangiti sa nagsalitang si Jannise. Umupo siya sa tabi ko.

Parang medyo nag-iba 'yong mukha niya ngayon. At tsaka, nagpagupit siya. Maikli na ang mahaba niyang buhok na above shoulder na.

"Jannise, bakit ka nagpagupit?" tanong ko.

Ngumiti siya. "Wala lang. Trip ko lang. Nakakasawa na kasi 'yong cute and pretty look ko. Gusto kong mag-mukhang mature ngayon. Ang hot ng looks ko ngayon 'no?" aniya at tumawa.

"Oo nga eh. Infairness, bagay sa 'yo," compliment ko at tumango-tango.

"Buti naman at naka-recover ka na sa ginawa ni... Tristan," dagdag ko at nginitian siya.

Sumimangot siya nang banggitin ko iyon. Okay, wrong timing. Hindi ko dapat iyon tinanong.

"Oh, sorry. I thought naka-move on ka na sa ginawa niya."

"That guy is really an a*shole!" galit niyang sabi habang nakatingin sa malayo.

Napalingon ako. Lalong lumaki ang galit ko. Naiinis ako at nagseselos at the same. Hanggang ngayon talaga, gusto ko pa rin ang walang hiyang Tristan na 'yan!

Nakita kasi namin na may hinalikan siyang babae. May sinabi siyang kung ano sa babae na nakapagpagalit sa kaniya. Iyon ang dahilan ng pagkakasampal ng babae sa kay Tristan.

"I really hate that kid!" galit na sabi ni Jannise at sinugod si Tristan.

Agad akong napatayo para sana pigilan siya pero mabilis siyang nakalapit kay Tristan at bigla niya itong sinampal.

Tumakbo ako palapit sa kanila at hinila palayo si Jannise.

"Jannise, why so war freak?" sabi ko habang umiiling-iling at hila-hila siya.

"Nakakainis na kasi ang lalaking 'yon! Gusto ko siyang tirisin, apakan, tadyakan, sipain, bugbugin, saksakin, lunurin, i-salvage, at ilibing!"

Sobrang harsh naman nitong babaeng 'to! Parang gusto nang patayin 'yong tao eh, masama pa naman 'yon.

"Sobra ka naman, Jannise. Sa akin lang naman siya may kasalanan."

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako.

Nagpamaywang siya. "Anong sa 'yo lang? Pati rin sa 'kin 'no! Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa 'kin no'ng pinuntahan natin siya sa classroom niya?"

"I know. Pero, you're acting like a girlfriend who was cheated by her boyfriend." Wow, medyo rhymed.

"Hindi gan'on 'yon, Nasha. S'yempre, bestfriend ko ang niloko. At isa pa, I hate seeing when a guy hurting a girl! Babae rin ako at alam ko ang nararamdaman nila. Ikaw, may gusto ka pa rin ba sa kaniya? Parang hindi ka kasi masyadong nagagalit sa kaniya e."

"Galit ako sa kaniya dahil sa panlolokong ginawa niya sa 'kin. Pero..." Ibinaba ko ang tingin ko sa sahig. "I still like him. May nararamdaman pa ako sa kaniya."

Hindi ko alam, pero bigla na lang pumatak ang luha ko sa aking kanang mata. I want to move on. Gusto ko nang mawala itong nararamdaman ko sa kaniya para hindi na ako nasasaktan.

Lumapit sa 'kin si Jannise at niyakap ako. "Hey, Nash. Don't worry, mawawala rin 'yang nararamdaman mo sa kaniya. Keep yourself busy para makalimutan mo siya."

Kumalas ako sa yakap niya at tiningnan siya.

"No. I don't want to be busy. I want to revenge. Gagantihan ko siya."

"Gagantihan? How? Ililibing mo ba siya ng buhay?" nakangiti niyang tanong.

"Hindi ah. Ayo'ko ng gan'on. Ang harsh mo talaga."

"Eh paano nga?"

"Ipapahiya ko rin siya sa harap ng maraming tao tulad ng pagpapahiya niya sa akin."

"How?"

"Jannise naman. 'Wag nang maraming tanong. Ako nang bahala."

Tumango na lang siya bilang sagot.

Tumunog naman ang bell.

"Sige, Nash. Pupunta na ako sa classroom namin. Gagawin ko pa 'yong mga projects ko," sabi niya at nagmadaling pumunta sa classroom nila.

Napailing-iling na lang ako nang nakangiti. Hanggang ngayon hindi niya pa natatapos ang mga projects niya. Lazy brat.

Tumalikod na ako at maglalakad na sana nang may humarang na lalaki kaya bumangga ang mukha ko sa dibdib niya. Inaayos ko ang salamin ko dahil nawala ito sa ayos. Tumingala ako para makilala kung sino ito.

It's Tristan Ignacio. Naka-poker face siya habang nakatingin sa akin.

Bahagya akong kinabahan sa aura niya ngayon. Parang anytime mapapatay ako nito gamit ang masama niyang tingin sa akin.

Inilayo ko ang tingin sa kaniya at lalagpasan na sana siya nang hablutin niya ang braso ko. Hinila niya ako paharap sa kaniya.

"A-ano bang kailangan mo?!" nakakunot-noo kong tanong.

"Pagsabihan mo nga 'yong kaibigan mo! Nabu-buwisit na ako sa kaniya! Ang hilig manampal!"

Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at sinamaan siya ng tingin.

"Kasalanan mo naman eh! Kung hindi mo siya hinalikan, eh 'di sana hindi ka laging nasasampal!"

"Aba! Ako pa ngayon ang may kasalanan?! Sino ba ang tangang nagpa-uto sa 'kin na naging dahilan ng pagkagalit sa akin ng bestfriend niya? 'Di ba ikaw? Kung hindi ka lang nagpauto sa akin, eh 'di sana hindi ito nangyayari ngayon."

Napayuko ako sa sinabi niya at pumatak na naman ang mga luha ko.

Ang hina ko talaga. Ang hina ko. Lagi na lang akong nasasaktan sa mga sinasabi at pinaggagawa niya. At ito namang pasaway kong puso ay gusto pa rin siya kahit na galit ako sa kaniya. Sa tingin ko ay hindi ito infatuation kundi love. I think mahal ko itong lalaking nasa harap ko na ngayon ay sinasaktan ako, ang damdamin ko.

"It's b-because..." nagsalita ako kasabay ng paghikbi. "I l-love you... Tristan. Nagpaloko ako sa 'yo d-dahil hindi lang k-kita crush, m-mahal kasi kita." Tuluy-tuloy pa rin sa pag-agos ng mga luha ko.

Hindi ko alam kung bakit umamin ako sa kaniya kahit hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko.

"Really?"

Tumango ako. Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabila kong balikat at isinandal sa pader na malapit sa amin. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang inilalapit niya ang mukha niya sa 'kin. Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang labi sa labi ko. His lips moved and tulad ng dati, hindi na naman ako nag-respond dahil masiyado akong na-shock sa ginawa niya. Nakalimutan ko na 'yong mga nabasa kong kissing tutorials. Parang naging blanko ang isip ko.

Pagkatapos ng ilang segundo, inilayo na niya ang labi niya sa 'kin. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang mga estudyanteng nanonood sa amin.

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong humalik. Akala ko pa naman marunong ka na dahil sa mga binabasa mong kissing tutorials na naka-print sa coupon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. How did he know that?!

"H-How did y-you know?"

Nag-smirk siya. "I just found it at the garden. Napaka-careless mo kasi. Ayan tuloy, kung saan-saan nakarating at sa kamalas-malasang pagkakataon ay ako ang nakapulot," sagot niya at naglakad palayo.

"Bye lousy kisser!" sigaw niya kaya narinig ito ng lahat.

Pinagtatawanan ako ng mga estudyanteng nasa harapan ko. Ang iba ay nagngi-ngitngit sa galit, at ang iba ay pinagbabato ako ng mga crumpled paper.

Napayuko ako sa kahihiyan. Nagulat ako nang may nambato ng plastic na may lamang yellow na pintura sa ulo ko. Lalo akong napaiyak dahil doon at mabilis na tumakbo palayo sa kanila palabas ng school campus.

Mga walang hiya kayo! Sumusobra na kayo! Ano bang nagawa ko sa inyo at bakit niyo ako ginaganito?! Lalo ka na Tristan! Sumusobra ka na!

Huminto ako sa pagtakbo dahil napapagod na ako. Pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan dito. Kinuha ko ang aking panyo sa bulsa at pinunasan ang pintura sa buhok ko. Umiiyak pa rin ako habang pinupunasan ang buhok ko. Sobra na talaga ito. Sobra na sila. Gaganti ako sa 'yo Tristan, makikita mo.

Maglalakad na sana ako nang may mapansin akong isang box ng sigarilyo sa paanan ko at may mga nakasulat dito. Na-curious ako kaya pinulot ko ito.

Handwritten ang pagkakasulat dito gamit ang blue sign pen. May nakasulat sa taad na 'KISSING TUTORIAL' gamit ang red sign pen.

Sinimulan ko nang basahin ang nakasulat dito.

'Are you a terrible kisser? If yes, narito ang suwerte. He can teach you on how to be a good kisser. He knows a lot of techniques about kissing. No payment required. It's all free. All you have to do is just find the guy named Brey Simpson, who suppose to be your kissing tutor.'

I should find that guy. Gustung-gusto ko nang gumanti sa hayop na Tristan na 'yon!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height