My Kissing Tutor/C6 Shy Kiss
+ Add to Library
My Kissing Tutor/C6 Shy Kiss
+ Add to Library

C6 Shy Kiss

Brey Simpson? Saan ko kaya siya puwedeng hanapin? Hindi man lang kasi naglagay ng contact number o kaya ay e-mail. Nag-aaral pa kaya ito? Baka naman matanda na 'to. Hindi naman siguro.

Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ang aking laptop sa ibabaw ng study table na katabi ng kama ko. S-in-earch ko ang pangalang Brey Simpson para makakuha ako ng impormasyon kung saan ko siya makikita. Pero walang resultang ipinakita.

Baka nag-aaral din ito sa Tesa High. Nag-browse ako sa school website namin at s-in-earch ang pangalang Brey Simpson sa search box and then clicked enter. Pagkatapos ng ilang segundo, ipinakita na ang resulta.

Ayon! Nakita ko rin! Sa Tesa High nga siya nag-aaral.

Brey Simpson, grade 12 student, 19 years old.

Iyon ang nakalagay na impormasyon at may kasamang picture. Sandali, parang familiar itong lalaking ito pero hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Nilapit ko ang mukha ko sa screen ng laptop ko para titigang mabuti ang larawan. G'wapo siya, infairness. May estudyante pala sa Tesa na nagtu-tutor kung paano humalik? May iba pa kayang nakakaalam ng kissing tutorial na 'yon?

***

Late na akong pumasok. Wala naman na kasi kaming ginagawa dahil patapos na ang school year at saka kompleto na ako sa clearance.

Hindi na ako pumasok sa classroom namin. Pinuntahan ko na lang ang building ng mga grade 12 students. Nang makapasok ako sa building, walang masiyadong pumapansin sa akin 'di tulad sa building namin; magkasama do'n sa building na 'yon ang grade 10 at grade 11. Masyadong busy ang mga grade 12 students ngayon dahil last year na nila rito sa Tesa High.

Nilapitan ko 'yong dalawang babaeng nagdidikit ng kung ano sa isang bulletin board para magtanong.

"Excuse me po."

Tumigil sila sa kanilang ginagawa para lingunin ako.

"Ano 'yon?" tanong no'ng matangkad na babae.

"May kilala ba kayong Brey Simpson?"

"Brey Simpson? Nasa room 19 siya."

"Ah, sige salamat."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad para umakyat sa 2nd floor kung nasaan ang room 19. Nang makaakyat na ako at nakita ko na ang room 19, nakaramdam ako bigla ng kaba. Ano ba ang sasabihin ko kapag nakita ko na siya? Natatakot ako na baka hindi siya pumayag dahil hindi ako maganda. Baka nga choosy 'yong Brey na 'yon.

Huminga ako nang malalim nang papalapit na ako. Dahan-dahan akong sumilip sa loob ng classroom. Kaunti lang ang estudyante sa loob. Limang lalaki at tatlong babae lang ang naroon.

Napansin ako no'ng lalaking kulay orange ang buhok at nilapitan ako.

"Sinong hinahanap mo, Miss?"

Bawal sa school ang may kulay ang buhok ah? Kunsabagay, malapit na ang graduation nila.

"Uhm, nandiyan ba si Brey Simpson?"

"Si Brey? Nandito siya kanina pero umalis, pumuntang cafeteria. Bakit? Anong kailangan mo sa kaniya?"

"Ah, wala naman. May tatanungin lang. Sige, alis na ako. Salamat."

Aalis na sana ako pero tinawag niya ako.

"Miss, sandali lang. Ako nga pala si Loyd. Ikaw?" Ngumiti siya at in-offer ang kaniyang kamay sa harap ko.

Awkward akong ngumiti at tinanggap ang kamay niya. "Nasha. Uhm, sige, alis na ako." Binitawan ko na ang kamay niya.

Tumalikod na ako para umalis na roon. Pero narinig ko na namang tinawag niya ako kaya nilingon ko na.

"Nasha, sabay na lang ako sa 'yo. Pupuntahan ko rin siya e. Hinihintay ko lang siya riyan sa loob ng classroom nila, iniwan lang ako."

"Okay... anong grade ka na ba?"

"Grade 10," sagot niya sabay ngiti.

Tumango lang ako at nagsimula nang maglakad kasabay siya.

***

Salita lang siya nang salita habang patungo kami sa cafeteria. Ang daldal nitong lalaking 'to, kalalaking tao.

Hanggang sa makarating na kami sa cafeteria. Lumapit siya do'n sa lalaking nakapila at may sinabi. Lumingon sa kinaroroonan ko 'yong lalaking kinausap ni Loyd.

Pamilyar talaga siya.

Lumapit na silang dalawa sa akin.

Ano ba ang sasabihin ko? Paano ko sasabihin 'yon kung may kasama naman siya? Nakakahiya kaya.

"P'wedeng tayong dalawa lang ang mag-usap?"

Tumango siya bilang pagpayag at hinarap 'yong si Loyd.

"Private talk, bro," aniya kay Loyd.

"Okay. Puntahan mo na lang ako sa classroom namin kung sakaling hanapin mo ako."

Hinarap ako ni Brey. "Tara. Sumunod ka sa akin."

Nauna na siyang lumabas ng cafeteria. Sumunod na lang ako.

He's really familiar. Pati boses niya pamilyar din sa 'kin.

Sa likod ng school building kami nagpunta. Umupo siya sa isang mahabang bench, umupo na rin ako.

"Anong sasabihin mo?" tanong niya.

"Uhm... 'yong ano... 'yong..."

Argh! Paano ko ba sasabihin? Baka hindi siya pumayag na i-tutor ako dahil sa itsura ko.

Kinuha ko na lang sa bag ko 'yong napulot kong karton ng sigarlyo na may nakasulat. Ipinakita ko ito sa kaniya. Nang abutin niya ito, yumuko ako. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Paano kung hindi siya pumayag? Eh 'di pahiya ako, hindi na ako makakaganti niyan kay Tristan.

Pasimple akong sumulyap sa kaniya. Agad kong inilayo ang tingin ko nang bigla niya akong lingunin.

"May klase ka pa ba mamaya?" tanong niya.

Nilingon ko siya. "Wala. Actually, hindi na dapat ako papasok ngayon dahil kompleto ko na ang clearance. Pumasok lang ako ngayon dahil hinahanap kita."

"Magsisimula ang tutoral after 1 hour. May aasikasuhin pa kasi ako. Hintayin mo na lang ako sa 24/7," aniya at tumayo na. Tumayo na rin ako.

"Sige," sagot ko.

Umalis na siya. Pumayag siya nang wala man lang pag-aalinlangan? Basta-basta na lang siyang pumayag? Hindi man lang niya ako kinilatis from head to foot? Kunsabagay, tutor naman siya. Hindi naman siya mamimili ng tuturuan niya.

***

Nasa 24/7 ako, hinihintay si Brey. Mahigit isang oras na akong naghihintay rito. In-indian na niya yata ako. Baka ayaw niya talaga akong i-tutor dahil hindi ako maganda.

After 15 minutes, wala pa rin siya. Hindi na yata talaga siya pupunta.

Tatayo na sana ako nang marinig ko ang boses ni Tristan. Napalingon ako. Agad kong binalik ang tingin ko sa harap. May kasama na namang babae si Tristan. Si Cindy iyon.

Nag-uusap sila at naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila.

"So, how's your day?" tanong ni Cindy.

"Very fun," sagot ni Tristan.

"Having fun breaking girls' hearts? Especially that nerd?"

Narinig kong humalakhak ng mahina si Tristan. "Yeah. Ang sarap niyang paglaruan."

Automatic na naging kamao ang mga kamay ko. Bumilis ang paghinga ko. Gusto ko siyang suntukin pero pinipigilan ko. Ayaw kong gumawa ng eskandalo dito.

May araw ka rin sa akin Tristan! Makakaganti rin ako sa 'yo, makikita mo!

"She's so pathetic," sabi ni Cindy sabay halakhak.

Isa ka pa Cindy! Nakakainis ka na! Ano bang ginawa ko sa 'yo at nagagalit ka sa 'kin? Alam kaya ito ni Jannise? 'Di ba magkasama sila minsan?

"Hey. Sorry, I'm late. Marami akong inasikaso."

Napapitlag ako nang may magsalita at umupo sa harap ko.

"Ah, okay lang."

"Do you want to eat before we go? Ako na ang o-order."

"Hindi na. We should go na."

Mas mabuti nang makaalis na kami rito bago pa ako makita ni Tristan. Baka pahiyain lang niya ako sa harap ng tutor ko at sa maraming tao. Mahirap na.

Tumayo na ako at ganoon din siya. Mabilis akong lumabas ng 24/7 kasunod si Brey. Buti na lang hindi ako napansin ni Tristan.

Nang makalabas na kami, dumiretso siya sa parking area kaya sumunod na lang ako. May pinindot siya at tumunog ang isang sasakyang Chevrolet Corvette na kulay light blue. Iba ito sa sasakyan ni Tristan na Nissan.

Argh! Bakit ba iniisip ko pa 'yang Tristan na 'yan?!

"Sakay na."

Nasa loob na siya ng sasakyan at hinihintay akong pumasok. Hindi ko siya napansing pumasok dahil sa iniisip ko kanina. Sumakay na ako.

***

Biglang kumabog ang dibdib ko nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng garahe ng isang mansion.

Kinakabahan ako. Parang ayaw ko na. Parang gusto ko nang mag-backout.

"Bumaba ka na. Ipapasok ko pa itong kotse sa garage."

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka ako lumabas. Pinanood ko lang ang sasakyan habang iginagarahe. Ilang sandali lang, lumabas na siya. Pinasunod niya ako sa loob.

Nilibot ng paningin ko ang buong living room. Mas malaki pa ito kaysa sa living room namin.

"So, where do you want to do our kissing lesson?"

Napahinto ako sa paglilibot ng paningin sa living room nang tanungin niya iyon.

"Uh, ikaw ang bahala." Ninerbyos pa ako nang sabihin ko iyon.

"Let's go upstairs. Sa music room na lang natin gawin ang kissing tutorials," aniya at umakyat na sa first floor.

Sumunod na lang ako. Bakit parang ang tahimik naman dito? Wala ba ang mga magulang niya o katulong man lang?

"Uhm... Brey, ikaw lang ba ang... nakatira dito?"

"Yeah. Nasa abroad ang parents ko, inaasikaso ang business nila doon."

"Bakit walang mga maids o guard rito?"

"Mayro'ng dalawang guard rito. Day off lang nila ngayon. Pero walang mga maids. Kaya ko naman ang mamuhay nang mag-isa kahit na walang katulong. Hindi na ako bata para bigyan ng Yaya."

Huminto siya sa paglalakad para buksan ang pinto ng isang room. Iyan na yata ang music room na tinutukoy niya.

Pumasok na kami sa loob at napanganga ako. Wow! Ang lawak ng music room na ito! May dance studio rin pala rito. Magkasama na. Ano ba siya? Isang idol star?

"Maupo ka riyan," sabay turo niya sa isang sofa.

Sinunod ko naman siya. Nang makaupo na ako, naupo na rin siya. Heto na! Magsisimula na ang kissing lesson! Kinakabahan ako.

"Let's start lesson number one. Do you know what kind of kiss is it?"

Umiling ako. Tatanungin niya ako e hindi ko naman alam 'yang mga kiss kiss na 'yan.

"I'll teach you how to do the 'Shy Kiss'. That's our first lesson. Marami pa tayong iba pang lessons kaya dapat ay alam mo na ito ngayon."

Tumango lang ako.

"But before we start, may I know what's the reason why you want to learn how to kiss?"

Kailangan pa ba talaga ng dahilan? Baka pagtawanan lang ako nito 'pag nalaman niya.

"Uh... kasi... uh... gusto ko lang gumanti."

"Kanino?"

"Kay uh... kay... Tristan."

"Ano bang ginawa sa 'yo ni Tristan at bakit gusto mong gumanti sa kanya?"

Ang dami namang tanong nito. Daig pa niya ang detective e.

"Kasi... sabi niya... I'm a lousy kisser daw."

Napayuko na ako sa kahihiyan. Kasi naman! Bakit kasi kailangan pang tanungin 'yon?

"That kid is really a jerk," bulong niya sa sarili pero narinig ko.

"Magsimula na tayo," humarap siya sa 'kin. "Ano bang pangalan mo? Your full name."

"Nasha Grace Pineda," sagot ko.

"Okay, Grace. Look at me."

Humarap ako sa kaniya. "Uhm, you can call me Nasha instead."

"Just let me call you what I want, okay?"

"O-Okay."

"Look into my eyes."

Sinunod ko ang sinabi niya. Kumabog ang dibdib ko nang unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa 'kin. He's looking straightly into my eyes and then in my lips. Pabalik-balik lang ang tingin niya sa mga mata ko at sa labi ko. Papalapit siya nang papalapit kaya napapikit na ako.

"Don't close your eyes."

Napadilat ako nang magsalita siya. Kumabog nang mas malakas ang dibdib ko dahil sobrang lapit na ang mukha niya sa 'kin. Sobrang kinakabahan na ako. Parang ayaw ko na itong ituloy. Gusto ko nang mag-backout.

"I don't think I can do it." Bumagsak ang tingin ko sa sahig.

Inilayo niya ang kaniyang mukha sa 'kin.

"Why?" tanong niya na parang dissapointed siya.

"Masyado kasi akong kinakabahan. Baka bigla na lang akong magcolla—"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ilapit ang kaniyang mukha sa 'kin at hinalikan ako. Mabilis lang iyon at light lang 'di tulad ng ginawa ni Tristan.

"That's what you call the 'Shy Kiss'." Ngumiti siya.

"Hindi ka p'wedeng mag-backout lalo na't nakapunta ka na rito sa bahay ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" dagdag niya.

Tumango-tango ako.

"Now, you do what I done."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano?"

"Gawin mo ang ginawa ko kanina."

Gagawin ko 'yon? Paano? Hindi ko alam 'yong ginawa niya.

"Paano?"

Bumuntong hininga siya. "'Yong ginawa ko kanina. Basta gawin mo. Kaya mong gawin 'yon. Kapag hindi mo iyon nagawa, hindi ka makakauwi."

"I really don't know how."

"Bahala ka. Hindi ka makakauwi," aniya at tumayo na.

Agad ko siyang hinatak paupo. "Okay. I'll try to do it."

"Don't try. Just do."

Huminga ako nang malalim. Kinakabahan talaga ako.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya nang dahan-dahan at bigla na lang akong napapikit.

"Don't close your eyes. Just look straight into my eyes and to my lips, then kiss me lightly," aniya.

Dumilat ako. Huminga ulit ako ng malalim. I can do it, Nasha. Para makauwi na ako.

Diretso akong tumingin sa kaniyang mga mata pati sa kaniyang labi. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko nang mapansin ko ang mapula niyang labi. Kissable lips siya. Napalunok ako and I bit my lower lip. Papalit-palit lang ang tingin ko sa mga mata niya at sa labi hanggang sa maglapat na ang mga labi namin. Agad kong inilayo ang mukha ko sa kaniya matapos ang dalawang segundo. Feeling ko sasabog na talaga ako nito. Ang lambot ng lips niya! Ewan ko nga ba kung bakit ngayon ko lang naramdaman ang malambot niyang labi.

"Very good. Mabilis ka palang matuto. Now, you know how to do the 'Shy Kiss'. Tomorrow, our lesson will be another kinds of kiss. Tatlo ang ituturo ko sa 'yo bukas. Kapag natapos na natin ang mga kinds of kiss, I'll teach you the techniques. Got it?"

Tumango lang ako.

"Good. P'wede ka nang umuwi."

Tumayo na ako at nagmadaling lumabas ng mansion nila. Ewan ko nga ba. Sobra na kasing kumakabog ang dibdib ko kanina pa. Ang lambot talaga ng labi niya, promise! Parang... gusto ko pa.

Nasha! Ano ba 'yang pinag-iisip mo?! Are you out of your mind? Or dahil lumalandi ka na?

Bumuntong hininga ako at pumara na ng taxi pauwi. Habang iniisip ko ang kissing lesson namin bukas, nakakaramdam ako ng excitement. Ewan ko ba. Nababaliw na yata ako. O baka ay baliw na talaga ako noon pa?

Napangiti na lang ako nang makasakay na ako ng taxi. Makakaganti na ako sa 'yo Tristan! May kaunting natutunan na ako sa paghalik.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height