My Kissing Tutor/C8 Worst Day
+ Add to Library
My Kissing Tutor/C8 Worst Day
+ Add to Library

C8 Worst Day

Nakahiga ako habang nakatitig sa kisame at hawak ang pisngi kong hinalikan ni Brey. Parang ramdam ko pa rin 'yon hanggang ngayon.

"Ma'am, breakfast na po!" tawag sa'kin ng maid mula sa baba.

Agad akong bumangon at inayos ang sarili saka ako lumabas ng kuwarto pababa sa kusina. Pagkaupo ko, lumapit sa'kin si Ate Melanie—ang pinakabatang maid na close ko. Three years lang ang tanda niya sa'kin.

"Ma'am Nasha, nagtataka lang ako. Bakit pumapasok pa kayo kung p'wede naman na kayong hindi pumasok?"

"Ate Mel naman, 'di ba ang sabi ko ay Nash na lang ang itawag mo sa'kin kapag wala sina mommy at daddy? Close naman tayo eh," sabi ko sabay subo sa pancake na nakahain sa mesa.

Napakamot na lang sa ulo si Ate Mel. "Okay, Nash. Bakit ba gusto mong tinatawag kang Nash kaysa ma'am Nasha?"

"Kung ma'am kasi ang itatawag n'yo sa'kin, feeling ko teacher ako or boss ako sa isang kompanya. Close naman tayo Ate Mel kaya no need to call me ma'am. Saka mo lang ako tawaging ma'am kapag nandito na ang parents ko," sagot ko at nginitian siya.

Nginitian niya rin ako. "Ang bait-bait mo talaga Nasha! Nagtataka lang ako kung bakit walang mga lalaking lumalapit o nanliligaw sa'yo? Oo nga pala, kumusta na kayo ni Tristan? 'Di ba nanliligaw 'ata sa'yo 'yon? Bakit 'di na siya nagpupunta rito?"

Napaubo ako nang tanungin niya 'yon at agad niya akong binigyan ng tubig. Bakit kailangan niya pang itanong 'yon?

"Okay ka lang Nasha?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"So, kumusta na kayo ni Tristan? K'wento ka naman d'yan."

Ate Mel naman! P'wedeng change topic? Naman oh! Bakit niya ba ulit tinatanong 'yan? Akala ko pa naman mababago na 'yong topic dahil nabulunan ako.

"Si Tristan? Hindi naman n-nanliligaw 'yon eh. Uhm... friend ko lang 'yon." Which is my jerk ex-boyfriend!

"Talaga lang ha. Infairness ha, ang g'wapo niya. Magk'wento ka nga about sa inyo."

"Naku, 'wag na Ate Mel!"

"At bakit? Siguro may something sa inyo 'no? Umamin ka!"

"Ate Mel naman!" Nag-pout ako.

"'Di uubra 'yang paawa effect mong 'yan sa'kin. Sabihin mo na. Siguro kayo na 'no? Umamin ka."

"Hindi nga Ate Mel. Hindi ko siya manliligaw at mas lalong 'di ko siya boyfriend."

"Eh ano siya sa'yo?"

Bumuntong-hininga ako at tumingin sa sahig.

"He's my... ex-boyfriend, who fooled me. I thought he loves me, but I'm wrong. He never loved me and he never will. Akala ko siya na ang taong makakasama ko habang-buhay pero akala ko lang pala 'yon. Gusto niya lang palang matikman ang labi ko, gusto niya lang kunin ang first kiss ko." Napaluha na lang ako pagkatapos kong masabi ang mga 'yon.

'Di pa rin talaga ako nakaka-move on. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko 'yon.

"Ay, sorry Nasha. 'Di ko alam na gan'on pala. Pero g*go 'yong Tristan na 'yon ah?! Ang bait mo kaya para lokohin."

"Ate Mel, pasok na ako sa kuwarto ko. Maliligo pa ako," sabi ko sabay tayo.

"Ah, sige ililigpit ko na 'to," aniya.

Nagtungo na ako sa kuwarto kung nasan ang shower room. May shower room kasi sa kuwarto ko. Bumuntong-hininga ako. I hate him but at the same time I love him. Argh! Ayo'ko nito! Bakit ba ang bilis kong magka-crush at ma-inlove?! Bakit sa maling tao pa? At bakit ako pa ang napili niyang lokohin?

Papasok na sana ako ng shower room nang tumunog ang cellphone kong nasa ibabaw ng bedside table. Agad ko itong dinampot at tiningnan ang caller ID.

'Brey calling...'

Bakit naman kaya napatawag 'to? Sinagot ko ito.

"Hello, Brey? Napatawag ka?" bungad ko sa kaniya.

"Grace, cancelled muna ang kissing tutoral natin for 3 weeks. Masyado pa akong busy ngayon sa school. I'll call you when I'm done with this."

"Okay po. Makakahintay naman po ako. Bye."

Tatapusin ko na sana ang tawag nang magsalita pa si Brey.

"'Di pa ako nagsasabi ng bye, tatapusin mo na ang tawag? And don't say 'po', we're at the same age. Got that?"

"O...kay."

"Bye. Take care. I'll miss kissing your lips in 3 weeks." And the call ended.

Okay? What did he just say? Feeling ko nagbu-blush ako. Tama ba ang narinig ko? Kalilinis ko lang naman ng tainga ko kahapon ah? Baka naman may kung anong insektong pumasok sa tainga ko?

Pero 'di nga? Mami-miss niya raw halikan a-ang lips ko?

Hala! Ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon? Bakit parang ang lilikot ng mga bulate ko sa tiyan? Nakikiliti tuloy ako. Kailangan ko na 'atang magpa-purga!

***

Three weeks na walang kissing tutoral. Three weeks akong maghihintay at nakatunganga. Ano kaya ang p'wede kong gawin sa loob ng tatlong linggo?

Napadako ang tingin ko sa mirror na nakapatong lamesang nasa harapan ko. Salamin siguro 'to ni ate Mel.

Kinuha ko ito at tiningnan ang sariling reflection sa salamin. Ang nerd ko talagang tingnan. Naalala ko 'yong sinabi ni Jannise na maganda raw ako kung nag-aayos lang ako. Sinubukan kong tanggalin ang eyeglasses ko. Nang matanggal ko na ang salamin ko, hindi ko makita ang mukha ko sa salamin. Malabo kasi ang paningin ko kaya sinuot ko na ulit ang eyeglasses ko. Binalik ko na ang salamin sa table saka sumandal sa sofa at bumuntong-hininga. Nerd always be nerd. Kahit na tanggalin ko pa ang eyeglasses ko, nerd pa rin ang turing ng iba sa'kin. Sure ako riyan, 99% legit.

Dahil wala naman akong magawa rito sa bahay, lumabas na lang ako para mamasyal. Bihira lang akong lumabas pero dahil sa bored ako, heto at naisipan kong maglakwatsa. Gusto ko sanang mag-self study na lang tungkol sa kissing tutorials kaya lang tinatamaan ako ng katamaran.

Nagpaalam na ako sa maid bago lumabas.

"Ingat po kayo, ma'am," aniya.

"Opo." Lumabas na ako.

***

Nag-commute ako papuntang mall. Gusto ko mang pumunta sa Enchanted Queendom, wala naman akong kasama. Paano ko ma-e-enjoy ang pagpasyal kung ako lang ang mag-isa, 'di ba? Kung kasama ko lang sana si Jannise, eh may klase naman kasi sila.

Nakarating na ako sa mall. Pero bago pa man ako makapasok, may lalaking nag-snatch sa bag ko!

"Snatcher!" sigaw ko.

Ah! 'Yong bag ko! Nando'n 'yong cellphone at pera ko eh!

Dahil wala namang gustong tumulong sa'kin, ako na lang ang humabol sa snatcher.

"Hoy! Snatcher! Ibalik mo 'yang bag ko!" sigaw ko habang hinahabol siya.

Kanina pa kami takbo nang takbo. Pagod na pagod na ako! 'Di ba napapagod 'yon?

Lumiko siya sa isang eskinita. Ah! Pagod na ako! Huminto na muna ako para magpahinga saglit. Pagkatapos kong magpahinga ay hinabol ko ulit siya. Pinasok ko 'yong eskinitang pinaglikuan ng snatcher. Pero, pagliko ko nasalubong ko siya. Nanlaki ang singkit kong mga mata.

Anong ginagawa niya rito?

"T-Tristan?"

He smirked. "Hey nerdy girl."

Wala akong panahong makipag-away sa'yo! Kailangan ko pang habulin 'yong snatcher!

Inirapan ko siya. "Tumabi ka nga riyan! Wala akong panahong makipag-lokohan sa'yo! May dapat pa akong habulin!" inis kong sabi at tinulak siya sa tabi para makadaan ako.

Pero hinila niya ang kamay ko kaya napasubsob ako sa kaniya. Naramdaman kong uminit bigla 'yong pisngi ko. Naiilang na ako kaya tinulak ko siya agad palayo.

"Ano ba?!"

"You blushed." then he smirked again.

"Ano naman ngayon?! Tumabi ka nga!"

Dadaan na sana ako pero humarang siya.

"Ano bang kailangan mo?! May dapat pa akong habulin!"

"Sino naman 'yong hahabulin mo? Boyfriend mo ba? Ang bilis mo naman akong ipagpalit."

Nang-aasar ba 'tong lalaking 'to?! Argh! Wala na 'yong snatcher! 'Di ko na siya mahahabol. Kasalanan 'to ng Tristan na 'to eh!

Sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran na siya. Wala na! Wala na 'yong mahahalagang gamit ko na nasa bag ko! Tapos nakasalubong ko pa ang lalaking nanakit sa damdamin ko! Kung bakit pa kasi naisipan ko pang mamasyal. Nag-stay na lang sana ako sa bahay!

This is my worst day!

Pero bago pa ako makalayo hinila niya 'yong braso ko at hinarap ako sa kaniya. Magsasalita na sana ako nang hilahin niya ulit ako palapit sa kaniya. Yakap ng isang kamay niya ang baywang ko at ang isa naman ay hawak ang batok ko. Nilapit niya 'yong mukha niya sa'kin na parang hahalikan niya ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang lapit na ng mukha namin. Nararamdaman kong umiinit ko 'yong mukha ko. Nilalapit niya 'yong mukha niya sa'kin pero inilalayo ko ang mukha ko sa kaniya. Tinutulak ko siya pero ayaw niya akong bitawan.

"T-Tristan! Let me go! Don't kiss me! I hate you!"

Huminto siya sa paglapit ng mukha niya sa'kin. Binitawan na niya ako at tumawa.

Huh? Anong nakakatawa? Bakit siya tumatawa?

"Oh? Really? I know you don't hate me. I can feel it, you still like me."

"Ano naman ngayon? Yeah, I still like you, but you can't ever fool me again!" pag-amin ko.

Tumalikod na ako para lumayo. Pero tinawag niya ako.

"Nasha, catch!"

Napaharap ako at sinalo kaagad 'yong hinagis niya. Natulala ako nang nasa kamay ko na ang bag ko na kinuha ng snatcher. Tiningnan ko siya na may halong pagtataka. Paano napunta sa kaniya 'to?

"Nabunggo ako n'ong lalaking tumatakbo kanina kaya nabitawan niya 'yan. I guess that is yours," sabi niya bago pa ako makapagtanong.

Ibinulsa niya ang dalawa niyang kamay sa kaniyang pantalon at iniwan na ako.

Napatingin ulit ako sa bag ko. Binuksan ko ito para siguraduhing may laman pa ito. Pagbukas ko, nandito pa 'yong mga gamit ko at ang cellphone. Nakahinga naman ako nang maluwag. Thank God, walang nawala.

Tatawagin ko sana siya para magpasalamat pero nakalayo na siya. He wasn't that bad after all. May tinatago rin palang kabutihan ang lalaking 'yon kahit na heartbreaker siya. And because of that, I think mahihirapan akong maka-move on sa kaniya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height