+ Add to Library
+ Add to Library

C9 Missed

Two weeks have passed. Hindi ko na nakikita si Tristan after no'ng incident. Pati na rin si Brey no'ng t-in-ext niya ako na 3 weeks walang kissing tutorial.

Nasha! Dala-dalawang lalaki 'yang inisip mo! Ano ba?

Nagbibihis ako ngayon dahil inaya ako ni Jannise na mamasyal sa Enchanted Queendom. Mabuti at natapos na raw niya lahat ng projects niya. Excited na nga kami eh. Ngayon lang ulit ako makakapasyal doon.

Habang inaayos ko ang sarili, may nag-doorbell kaya sumilip ako sa may bintana. Baka si Jannise na 'yon.

At tama nga ako, siya nga 'yon. Pinapasok siya ng maid. Maya maya pa'y narinig kong kumakatok na siya. Binuksan ko ang pinto at agad naman siyang pumasok.

"Nasha! Waahh! I miss you na!" Sinunggaban niya ako ng mahigpit na yakap.

Napaka-OA talaga nitong babaeng 'to. Ilang weeks lang kaming 'di nagkita eh.

"OA mo ah?" Tumawa ako.

"I just missed you. Puro papers na lang ang kaharap ko eh."

"Eh paano ba naman kasi, hindi mo agad ginawa 'yong mga projects mo. 'Yan tuloy, naipunan ka."

"'Wag na nga nating isipin 'yon. Ang importante, natapos ko na 'yon at makakapag-bonding na tayo!" Ang hyper niya ngayon ah?

"Ang hyper mo yata ngayon ah?"

"Excited lang ako eh. Gustung-gusto ko nang gumala."

"Sus! Sige sige, lumabas ka muna't mag-aayos pa ako."

"Okay!" Pagkasabi niya n'on ay lumabas na siya.

***

Excited na bumaba si Jannise ng bus. Muntik na nga niyang makalimutan 'yong bag niya, buti nakita ko.

"Yay! We're here! I missed this place! Nasha! Roller coaster tayo!" Agad niya akong hinatak palapit sa ticket booth ng roller coaster.

"Jannise! Roller coaster agad? Mamaya na riyan! Mahihilo ako riyan. Kararating lang kaya natin. Baka mamaya mag-vomit ako nang wala sa oras."

"Boo! Dami mong alibi. Ang sabihin mo, takot ka lang sumakay."

Tumawa siya.

Ang bruhang 'to talaga! Takot talaga ako sa roller coaster! Promise! 'Di pa nga ako nakakasakay ro'n eh. May mga nababalitaan kasi sa TV na marami nang nahulog sa rides na 'yan kaya nagka-phobia na ako sa mga mabibilis at matataas na rides.

Kinalabit ko siya. "Jannise! Ayo'ko talagang sumakay riyan! Sa iba na lang tayo, please?"

"Basta, d'yan tayo sasakay. Na-miss ko na nga sumakay riyan eh. Kaya pagbigyan mo na ako."

"Eh... ayo'ko!"

Lumayo ako pero hinila niya ako pabalik.

"Nash, one time lang naman eh."

"Ah basta. Sasakay tayo ng roller coaster."

Wala na akong nagawa kun'di ang magpahila dahil masyado siyang mapilit. Namumutla na ako at napa-sign of the cross na lang ako. Lord, kayo na po ang bahala sa 'kin.

Papasok na sana kami sa entrance nang may humarang sa daraanan namin.

"Uh, Miss short hair, mukhang takot sumakay 'yang kasama mo. Parang maiiyak na eh," sabi n'ong lalaking humarang.

Napatingin si Jannise do'n sa lalaki. Hindi siya kumikibo. Anong nangyari dito sa babaeng 'to?

"Ah, miss? Naririnig mo ba ako?" Winagayway no'ng lalaki ang kaniyang kamay sa harap ng mukha ni Jannise.

Natauhan din siya. "Ah... a-ano nga pala ang tinanong mo?"

Napakamot na lang 'yong lalaki sa ulo niya.

"Ang sabi ko, 'wag mo nang pilitin 'yong kasama mong sumakay ng roller coaster dahil mukhang natatakot talaga siya," ulit niya sabay sulyap sa 'kin.

"Ah. O-okay! Sige, 'di na kami tutuloy. Uhm, I'm Jannise Miller nga pala! And you are?" inilahad niya ang kaniyang kamay.

Ay! Kapal talaga ng feslak ng babaeng 'to. Basta makakita lang ng g'wapo eh.

Dahan-dahang inabot ng lalaki ang kamay ni Jannise at parang naiilang. S'yempre, sino ba naman ang hindi maiilang eh hindi niya kilala 'yong tao. Sinabihan lang eh nakipagkilala naman na. Loka-loka rin kasi 'to minsan.

"Uhm, I'm Gabriel."

"Nice to meet you, Gabriel!"

Hinila ko na kaagad si Jannise. Hindi niya talaga sinusunod 'yong sinasabi ng mga nanay na, 'Don't talk to strangers.' Hindi ko naman siya masisi dahil sadyang mahilig talaga siya sa mga g'wapo.

"O.M.G, Nash! He's so handsome! And he looks hot!"

"Ayan ka na naman sa pa-handsome-handsome mo. Nanlalandi ka na naman. Kung 'di lang kita bestfriend baka kanina pa kita sinako."

“I’m born to be like this.”

“Aysus! Tara na nga! Doon na lang tayo sa ibang rides.”

“Okay.” Sumunod na siya sa ‘kin.

***

Pagkatapos naming sakyan ‘yong mga gusto kong rides, kumain na kami dahil napagod kami kalalakad at kasasakay ng mga rides. Pumasok kami sa isang fast food chain na malapit lang dito.

“Nash, remember that Gabriel guy?” tanong niya nang makapag-order na kami.

“Oh? Eh ano naman? I know he’s handsome. No need to tell it again.”

“It’s not that. Parang nafe-feel ko kasi na… He likes you.”

“Huh? Sigurado ka ba riyan sa sinasabi mo? Gusto na niya ako agad, eh ngayon lang naman natin siya nakilala.”

Dumating na ‘yong order namin. Spaghetti at fried chicken ang in-order namin, at pineapple juice para sa drinks.

Ininom niya muna ‘yong juice bago siya magsalita. “Nakikita ko ‘yon sa mga tingin niya sa ‘yo. Parang crush at first sight.”

Binatukan ko siya kaya muntik na siyang mabulunan.

“Ano ba? I’m just telling a fact,” reklamo niya.

“Telling a fact? Kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo. Kumain ka na nga!”

“Whatever you say.”

***

After naming kumain, nilibot na lang namin ang buong lugar ng Enchanted Queendom. Masyado kasi namin itong na-miss. Noong grade 7 lang kasi kami huling nakapunta rito.

Habang naglalakad kami, may hinahanap si Jannise sa kaniyang bag. Nang hindi niya ito makita ay huminto siya.

“What’s the problem, Jannise?”

“Nawawala ‘yong wallet ko! Naiwan ko yata sa restaurant. Stay here, I’ll just find my wallet.” Agad siyang bumalik sa restaurant.

Naupo muna ako roon sa bench na walang nakaupo para hintayin si Jannise. Nilabas ko ‘yong cellphone ko. May message dito galing kay Brey.

And speaking of Brey, nakita ko siyang may kausap na bata at binilhan niya ito ng balloon. Aww~ He likes kids pala.

Ibinaling ko na ang tingin ko para basahin ‘yong message niya.

"We will continue the kissing tutorial tomorrow. Natapos ko na ‘yong mga gawain ko sa school," sabi sa message.

Hala! Itutuloy na bukas!

Sandali nga, bakit parang ang saya ko?

Napatingin ulit ako sa kinaroroonan niya. Wala na ‘yong batang kausap niya, tumatakbo na ito palayo at tuwang-tuwa. Nakangiti siyang nakatingin doon sa batang pinagbigyan niya ng balloon. Mas g'wapo pala siya kapag nakangiti. ‘Yong masiglang ngiti.

Nagulat na lang ako dahil napadako ang tingin niya sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam pero, bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko? Ah! Ano na naman ba ‘to, Nasha?

Kahit na nakita na niya ako, hindi niya ako nilapitan. Tinignan niya ‘yong cellphone niya at may tinatype.

Maya maya, tumunog ‘yong cellphone ko. Message galing na naman kay Brey.

"What are you doing here? Are you looking for me?"

Ang assuming naman nito. Nakita niya lang akong nandito, I’m looking for him na agad?

"Nope. Namasyal lang kami n’ong friend ko." I replied.

Hindi na siya nag-reply.

Maya maya pa, dumating na si Jannise.

“Nasha, uwi na tayo. Nag-text na kasi si mommy ko.”

Tumango lang ako at tumayo na.

***

Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kuwarto at agad na nahiga. Sobrang napagod talaga ako, pero nag-enjoy naman ako.

Tumunog ‘yong phone ko at agad na binasa ‘yong text message.

"Grace, pumunta ka sa bahay at exactly 10am. Okay? I missed teaching you the kissing lessons."

I felt something in my stomach. Nakakakiliti. Ewan ko pero parang… I missed his kisses. No, no, no! Hindi ko nami-miss ‘yon. I just missed the tutorials because medyo nakakalimutan ko na ‘yong steps kung paano humalik. Oo, ‘yon na ‘yon.

Ah! Ang gulo ko!

I don’t like Brey. Oo, inaamin kong crush ko siya pero hanggang d’on na lang ‘yon. ‘Wag ka na dapat mag-isip ng kung anu-ano! Basta ‘yon na ‘yon! Crush ko lang siya at nagagwapuhan lang ako sa kaniya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height