C5 Pursue
Buong araw ang nagdaan ngunit parang hindi naman niya sineseryoso ang sinasabi ko na ayaw ko na. Na layuan na lang siguro namin ang isa't-isa.
"Mas maganda kung lagi mong itatali ang mga buhok mo," aniya.
Kanina ko pa pilit na inilalayo sa kaniya ang aking mga buhok ngunit sadyang parang wala lang iyon sa kaniya at lapit pa rin nang lapit.
"Ano ba?!" inis na sambit ko. Hindi na talaga natutuwa sa pinaggagawa niya.
Naiinis ako sa part na ginagawa niya kung ano ang gusto niya kahit na ayaw mo. Kahit na tutol ka ay parang wala kang magawa kasi hindi ka niya pakikinggan at tanging kagustuhan lamang niya ang gusto niya na mangyari.
"May tali ako nakita sa banyo. Wait lang," sabi niya at nagmamadali na umalis.
Salubong na salubong na ang mga kilay ko habang nakatingin sa papalayo niyang likod.
Tumayo na lamang ako sa inuupuan ko at pinatay ang tv saka naman ako pumasok sa silid ko. Tamang-tama at wala na rin naman ako gagawin. Sadyang hindi lang ako dinadalaw pa lang ng antok kaya naman ay napagpasiyahan ko na lang muna manood kaso at sobrang panggulo naman ni Roy.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa aking higaan at marahan na ipinikit ang aking mga mata.
Naroon na naman at nag-uunahan sa paglabas ng mga isipin ang aking utak patungkol sa kahihinatnan ko sa bahay na ito kung hindi pa siya titigil sa kahibangan niya.
Ipinagdasal ko na nga na sana ay hindi na magtagal pa ang mag-iina sa bakasyon dahil bukod pa sa may pasok ang mga bata ay ayaw ko na rin maiwan dito kasama si Roy. Mas nanaisin ko pa na magbantay na lamang sa dalawang magkapatid kaysa makasama siya rito.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. Tahimik na lang ako na napabuntong-hininga habang nakatingin doon. Kalaunan ay patalikod na lang ako na humiga. Patalikod sa pinto upang hindi na mainis pa.
Hindi ako 'yung tao na sisira ng pamilya. Hindi ako 'yung babae na iniisip niya na kayang sirain ang pamilya nila nang dahil lang sa mga kagustuhan niya.
"Ina," tawag niya pa.
Oo at amo ko rin siya ngunit hindi siya si Ate Anne na siyang kumupkop sa akin. Hindi lang siya ang amo ko na magdedesisyon kung ano ang dapat na gawin ko. Isa pa ay may sarili rin ako na desisyon kahit pareho silang paladesisyon sa buhay ng tao.
Niyakap ko na lang ang unan ko at saka pumikit na. Mas gugustuhin ko na matulog na lang kahit hindi pa inaantok kaysa makasama ko ang lalaki na iyon.
"Ano'ng ginagawa mo?" salubong na agad ang mga kilay ko nang makapasok sa kusina at natagpuan ang akala mo'y binagyo dahil sa sobrang kalat.
Nagkalat ang mga stainless na lagayan at mga kutsara sa lababo. Mga blender at kung ano-ano pa na mga gamit sa lamesa. Bukod pa roon ay napakaraming harina na natapon sa ibaba!
Agad ako na lumapit doon nang makita ang asukal na umaagos sa plastic dahil bukas iyon at nakatumba.
"Ano bang ginagawa mo?!" hindi ko na talaga mapigilan na hindi maagalit.
Panigurado rin kasi na ako ang mapagagalitan nito ni Ate Anne.
Pinulot ko sa sahig ang plastic na pinaglagyan ng apat na kilong harina. Plastic na lamang iyon at wala ng laman!
Itinaas ko iyon at hinarap sa kaniya. "Inubos mo?" pigil na pigil sa inis na tanong ko.
"What?" masungit pa na tanong niya.
Pati ang iilan na harina sa mukha niya ay hindi nakalagpas sa akin. Ang apron niya na suot na sobrang dumi at higit sa lahat ang katawan niya na pawis na pawis na animo'y sobrang init dito sa loob kahit hindi naman!
"Roy nama-"
"Kung inaalala mo na pagagalitan ka ni Anne ay 'wag ka mag-alala. Sasabihin ko na ako ang gumamit sa mga iyan," simpleng sagot niya at tinalikuran ako. Humarap sa oven.
Napapamaang na tumingin ako sa kaniya. "Ano ba kasi ginagawa mo?" tanong ko muli.
Napapikit na lang ako nang makita ang mag sunog na cookies sa plastic at mukhang itatapon na iyon. Halos mapuno ang malaking supot na iyon ng puro sunog na cookies!
"Look, sabi mo ay walang pakialaman then bakit pinapakialaman mo ako rito? Umalis ka na nga," masungit na aniya.
Halos maghabol ako ng hininga dahil sa sobrang inis sa nangyayari. Akala mo naman siya ang maglilinis dito! Ako pa rin siyempre!
"Ang dami mong sinayang oh!" Tinuro ko ang isang supot na puro cookies. "Lahat sunog!"
"I said, leave!" sigaw niya.
Nagulantang ako dahil doon ngunit pinanatili ko ang sarili ko na maging maayos.
"Ano'ng leave?! Hindi mo ba alam na marami ka ng mapapakain sa mga nasayang mo na 'yan? Alam mo ba na maraming tao ang siyang nagugutom at halos makipagpatayan sa trabaho para lang makabili ng mga ganiyan?!" pagpapatuloy ko.
Matapang ko na sinalubong ang kaniyang mga mata nang humarap siyang muli sa akin. Binalingan niya ang mga cookies at bahagya pa ako na napaatras nang lumakad siya palapit.
Napagilid na lang ako nang itulak niya ako pagilid bago kinuha ang supot na iyon.
Walang gana na inabot niya sa akin kaya naman ang kaninang salubong na mga kilay ko ay mas lalo lamang magsalubong.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Cookies," pabalang na sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kainin mo kung ayaw mo na itapon na lang ang mga ito. Dalhin mo na at doon ka na sa labas kumain dahil marami pa akong ginagawa."
Hinawakan ko na lang iyon nang itulak niya sa akin bago tumalikod.
"Ano na naman ba ang problema mo?" tanong ko nang makabawi.
"Ikaw? Ano ba ang problema mo sa akin? Ginagawa ko na 'yung gusto mo 'di ba? Ano pa ba ang gusto mo? Ito na 'yon. 'Wag na tayong magpansinan. Hayaan na natin kung ano ang gagawin ng isa't-isa 'di ba? Tapos ngayon heto ka nagtatanong at ano ang problema ko. Ikaw? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung ano nga ba ang problema mo at pinagkikialaman mo pa ako where in the first place ikaw na ang may gusto nito," masama ang tingin na tanong niya sa akin.
"Oo nga. Pero, Roy... hindi naman sa ganitong paraan. Nagsasayang ka ng pagkain. Pagkain n-"
"Then, hell I care! I don't fucking care who are they. Wala akong pakialam kung halos mamatay sila sa katatrabaho para lang makabili ng pagkain. Wala... akong... pake. Naiintindihan mo ba 'yon?"
Napangiti na lang ako sa inis. "Akala mo kung sino ka na, ah. Saan ka nga ulit galing? Parang noong isang araw lang ay sinabi mo pa na magre-resign ka na sa trabaho mo dahil hindi sapat ang pera na kinikita mo at siyempre special thank you para sa asawa mo na kumupkop sa 'yo kasi ngayon ay walang kahirap-hirap ka na kumakain ng masasarap na mga pagkain. Tingin ka rin sa pinanggalingan mo, ah. Magka-stiff neck ka niyan," asar ko na sambit bago binalik sa kaniya ang supot ng mga cookies at lumabas na roon.
Hindi ko yata kakayanin na makasama pa siya roon ng matagal.
"Dianna!" dinig ko na sigaw niya ngunit hindi na ako tumingin pabalik doon.
"Akala mo kung sino eh galing lang din naman siya sa hirap," inis na bulong ko.
Isasarado ko na sana ang pinto sa silid ko nang malakas niya na itinulak ang pinto dahilan upang hindi ko rin iyon maisarado nang tuluyan.
"Ano na naman?" inis na baling ko sa kaniya.
"Look, I'm sorry," aniya gamit ang kaniyang malamlam na mga mata na para bang kanina ay hindi iyon galit. "Hindi lang ako dalawin ng antok mula kagabi kaya naisipan ko na mag-bake. Sinubukan ko lang kaso hindi naman maayos kaya ang daming nasayang. Trust me, hindi ko naman sinasadya na magsayang nf ganoon karami."
"At ang sinabi mo na kahit mamatay pa ang nga tao ay sinasadya mo? Ano'ng klaseng puso 'yan?"
"I didn't mean that one too. Galit lang ako sa 'yo."
"Ah... so kasalanan ko pa?"
"No. That's not what I meant, Ina. Nasabi ko lang naman iyon kasi galit ako. I'm sorry. Hindi mo na kasi ako talaga pinapansin simula pa kanina," pahina nang pahina na sambit niya.
"Para kasing wala lang talaga sa iyo kahit hindi mo ako pansinin buong buhay mo samantalang ako rito ay hindi man lang matagalan na hindi ka pansinin," nakatungong aniya.
"Noong kumain tayo hindi ka na rin nagsasalita. Tinanong mo lang ako kung tapos na ako kumain tapos naghugas ka lang ng mga plato bago ako iniwan doon."
"Ano pa ba ang dapat ko na gawin? Paamuhin ka? Paliguan ka?" sarkastikong tanong ko.
Bumaba sa kaniyang mga labi na ngayon ay humahaba dahil sa pagnguso na ginawa niya.
"Hindi ko naman kasi kaya 'yung pinapagawa mo. Mahirap ka layuan, Ina... napakahirap. Hindi siya kasindali ng pinagagawa mo. Siguro sa 'yo ay madali lang pero paano naman sa akin?"
"Pati ba 'yan ay poproblemahin ko pa?" tanong ko.
Nanatili lang siya na nakatungo at nilalaro-laro ang mga kamay na puro harina rin. Animo'y pinagagalitan ng kaniyang magulang.
"Tapos mo na ba ang ginagawa mo roon?" tanong ko muli. Napapabuntong-hininga pa.
Maliit lang siya na tumango. Pinanatili ang sarili na nakatungo pa rin.
Pairap lang ako na tumingin sa kaniya bago siya nailampasan doon upag asikasuhin naman ang mga kinalat niya.
Pagpasok pa lang na pagpasok ko sa kusina ay sinimulan ko na iyon ayusin. Ramdam ko rin ang siyang pagsunod-sunod niya mula sa likuran ko.
Isinalansan ko nang mabuti sa isang malaking basket ang mga pinaggagagamit niya. Maya-maya lang din ay nakita ko na siya na magpulot-pulot na rin doon.
Inabot man kami ng halos dalawang oras ay mas mabilis pa rin iyon kaysa kung ako lang ang kumilos mag-isa.
"A-ako na," sabi niya at kinuha sa akin ang pangalawang basket na puno rin ng mga gamit. Hindi kasi iyon nagkasya sa isa lang.
Tiningnan ko ang mga hugasin na iyon. Titingnan pa lang ay sumasakit na ang ulo ko sa isipin na hindi ko iyon agad-agad matatapos.
Ni hindi ko nga sigurado kung nagamit niya ba talaga ang ibang mga gamit dito o binaba lang niya nang binaba.
Sa halip na magsayang tuloy ng oras ay sinimulan ko na iyon. Kulang na lang ay magdabog na ako sa sobrang inis.
"Maligo ka na roon," sabi ko nang maghawak siya ng isa pang-foam.
"Tulungan na kita," halos pabulong na lang iyon.
Mabuti naman. Nagsayang na nga lang ng pagkain ay namerwisyo pa ng tao.
Muntik pa siya na makabasag habang naghuhugas kaya ako naman na natatakot na ay pinaalis ko na siya. Pinilit ko na siya na papasukin sa loob kaso nagmatigas siya na tutulungan ako at mga stainless na lang na lagayan ang huhugasan niya.
"Sa kabila," sabi ko nang ilagay niya sa gitna ang kaserola na kaaabot ko lang.
Katatapos-tapos lang namin na maghugas at ngayon naman ay siya na ang nagbabalik sa mga pinagkuhanan niya. Pati kasi 'yung upuan na pinapatungan ko para maisalansan ang mga iyon sa itaas ay punong-puno ng malagkit na harina.
"Ito?" tanong niya nang makuha sa akin ang blender.
"Sa kanan. Ikaw nanguha tapos hindi mo alam kung saan nakalagay," sabi ko.
"Nakalimutan ko lang," pagdadahilan pa niya.
"Kaya sa susunod 'wag ka na gumamit ng marami lalo na kung hindi mo naman kailangan."
"Ginamit ko naman iyon lahat."
"Ginamit..." sabi ko. "Baka sobra pa sa sobra 'yung mga kaserola mo rito sa ibaba kanina."
"Marumi nga 'yung iba. Alangan naman na gamitin ko kahit marumi," sabi niya.
"Uso kasi hugasan kapag hindi naman na gagamitin at iyon ang gamitin uli."
"Edi magbabasa pa ako noon ng mga kamay ko tapos hahawak na naman sa cookies. Narumihan pala," pakikipagtalo pa rin niya.
"Eh, kaysa naman ganito karami. Dinaig mo pa may sariling bakery nito."
"Tumulong naman ako sa paghuhugas ng mga ito."
"Tapos muntik ka pa na makabasag. Kanino ang sisi? Sa akin."
"Bibili ng bago kapag may nabasag."
Napailing na lang ako sa walang katapusan niya na dahilan.
Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lamang sa pag-aabot ng mga gamit upang maibalik na iyon sa kung saan iyon mga nakalagay.
Tiningnan ko ang malapad niya na mga balikat na siyang sumasabay sa paglagay niya ng mga kagamitan doon sa itaas.
Ang sabi layuan na, eh. Layuan na, Ina, at hindi mas makipaglapit pa.
Ang kasunduan na iyon ay hindi na natupad pa dahil kahit ano'ng iwas ko matapos noon ay lapit pa rin siya nang lapit katulad nang mga nagdaan na mga araw.
Hindi siya nagmintis na humanap ng mga paraan para lang makausap ako. Kulang na lang ay pasukin niya ako sa loob ng silid ko na hindi rin naman niya nagawa at siyang pinagpapasalamat ko.
"Pizza?" nakangiting aniya bitbit ang magkapatong na box noon.
Inilapag niya sa mesa at saka tumungo sa kusina. Takam ako na tumingin muli sa box ngunit nang makabalik ay inilayo ko na rin doon ang mga mata ko.
"And pantulak s'yempre," sabi niya at ibinaba rin ang bote ng orange juice.
Kinuha ko na lang ang pizza na inabot niya sa akin at pasimple na napailing sa sarili ko.
Sana kayanin mo pa labasan ang ginagawa mo ngayon, Ina. Huwag sana tayo umabot sa punto na sisisihin mo pa ang sarili mo kung kailan huli na.