+ Add to Library
+ Add to Library

C6 Attached

Tiningnan ko si Roy na humihikab sa tapat ko. Nanunuod kami ng tv ngayon dahil wala rin naman kaming gagawin na. Natapos na lahat nang siya lang lang ang kumikilos.

Inuuhan niha ako sa mga gawain ko. Halos lahat ng hahawakan at gagawin ko ay inaagaw niya kaya sa huli ay umupo na lang ako.

Mukha pa siyang tanga na pinagsasabay ang pagwawalis kanina at saka pagpupunas ng mga gamit. Ngumimgiti pa!

Sa halip na iiwas ko ang mga mata ko sa gawi niya nang balingan niya ako ay hindi ko ginawa bagkus ay sinalubong ko lang iyon at napailing na lang nang ngitian niya ako.

Sana ayos lang siya.

Mukha pang pagod na pagod kahit na hindi naman ganoon marami ang kaniyang ginawa. Hindi rin mabigat. Sadyang nasanay lang yata siya na walang ginagawa kaya ganiyan.

Ibinalik ko na lang sa pinapanuod ang aking atensiyon. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-unat niya at pagtayo roon.

Tumabi siya sa akin at bahagya pa na itinaas ang dalawang kamay ko na nakakrus dahilan upang magsalubong ang aking mga kilay habang nakatingin sa kaniya.

"Paunan," sabi lang niya at saka siya asta na hihiga sa mga hita ko ngunit bago pa man niya tuluyan na maihiga roon ang kaniyang ulo ay sinalo ko na iyon at itinulak.

"Paunan lang," nakasimangot na aniya. "Pagod kaya ako," dagdag pa niya gamit ang tono na para bang dapat paboran ko siya sa nais niya dahil napagod siya sa mga gawain na dapat sa akin.

"Oh, tapos?" sarkastikong ani ko. Umuurong na sa dulo ng sofa para lang hindi dumikit doon ang ulo niya.

"Baka napagod ako kasi naglinis ako," sarkastiko rin na aniya.

"Ayon," sabi ko. "Wala naman kasi akong sinabi na agawin mo ang mga ginagawa ko pero ano ang ginawa mo? Kuha ka nang kuha ng mga gawain na hindi ko naman ipinagagawa sa iyo tapos ngayon ay parang sinusumbat mo pa sa akin ang paglilinis m—"

Napaawang na lang ang aking mga labi nang walang pasabi siya na humiga sa aking mga hita matapos na mabilisang tanggalin ang aking mga kamay na nakaharang sa kaniya.

"Ang dami mong sinasabi, Dianna. Makikiunan lang naman ako," sabi pa niya.

Naiwan na lang din sa ere ang aking mga kamay nang maramdaman ang pagdikit ng kaniyang mukha sa aking tiyan.

"Gisingin mo ako maya-maya. Iidlip lang ako," aniya.

Kinalabit ko siya nang marinig ang pagbigat ng kaniyang hininga. Mukha nakatulog na ngunit hindi ako naniniwala dahil wala pang limang-minuto mula nang siya ay mahiga sa mga hita ko.

"Hoy, Roy," tawag ko sa kaniya.

Kumuha ako ng iilan sa hibla ng kaniyang buhok at saka iyon binunot ngunit kahit ganoon ay wala rin akong natanggap na responde mula sa kaniya.

"Roy," sambit ko muli sa kaniyang pangalan. "Tumayo ka nga riyan. Pwede ka naman magpahinga sa kwarto niyo kung inaantok ka at pagod," pagkausap ko.

Bahagya ko na inuga ang aking mga hita at ungol lang din ang isinagot niya bago mas lalong inilalapit sa tiyan ko ang mukha niya. Nararamdaman ko ang pagbaon ng I long niya roon.

"Tumayo ka nga!"

Sa pagkakataon na iyon ay hinampas ko na siya upang bumangon siya roon.

"Masakit, Ina! Pagpahingain mo muna ako. Kahit kalahating oras lang," antok na aniya. "Huwag ka manghampas. Masakit," dagdag niya pa.

Tiningnan ko ang kamay ko na sana ay itutulak muli ang kaniyang ulo upang umalis sa mga hita ko. Sa halip na ituloy ang balak ay ibinaba ko na lang iyon.

Pwede naman kasi sa higaan na lang kung bakit gagawin pa na unan ang mga hita ko. Pwede rin sa kabilang sofa.

Gayunpaman ay hinayaan ko na lang siya at nanuod na lang muli. May magagawa ba ako? Wala naman 'di ba?

Dumaan ang mga minuto ay medyo hinihila na rin ako ng antok. Mukhang malapit na rin matapos ang pinanunuod.

Humihikab na tiningnan ko si Roy na ngayon ay nakaharap sa akin kaniyang mukha. Medyo buka ang kaniyang mga labi. Sinubukan ko pa na isara iyon sa pamamagitan ng pagsara sa kaniyang baba.

Hinayaan ko na lang nang bumalik lang din iyon sa pagkakanganga. Medyo lumaki pa nga kaya naman ay napangiti na lang ako sa hitsura niya.

Isinandal ako ang aking ulo sa sofa at saka ipinikit ang mga mata. Ang paghila sa akin ng kaantukan ay hindi ko na nilabanan pa bagkus ay kinampihan ko na lang at natulog na rin.

Nagising lang ako nang maramdaman na para bang nakalutang ako.

At akin nga na nakumpiram na tama ang pakiramdam ko nang mamulatan ko si Roy na gising na rin at buhat ako!

"Roy!" sabi ko.

Tiningnan lang niya ako. "Ibaba mo nga ako!" utos ko sa kaniya.

"Matulog ka lang. Ililipat kita sa silid mo," aniya.

"Ibaba mo na ako. Hindi na ako inaantok," sabi ko.

"Isa," pagbilang ko nang hindi siya sumunod.

"Dalawa," pagbibilang din niya.

"Kapag ako talaga nakababa rito, ah," banta ko sa kaniya.

"Ano'ng gagawin mo?" tanong niya. Nanghahamon din.

Nanlaki na lang ang butas ng mga ilong ko sa kawalan ng masasabi.

Umismid lang siya at ibinaling na muli sa harap ang atensiyon. "Ibaba mo na kasi ako. Bibigwasan na talaga kita," sabi ko.

"Edi hindi na pala kita ibaba. Bibigwasan mo pala ako, eh," sabi niya.

"Roy, kasi!"

"Huwag ka malikot! Malapit na," aniya.

"Malapit na rin kitang patayin," ani ko.

Gamit ang isa ko na kamay ay sinubukan ko siya na hampasin ngunit ganoon na lamang ang pag-inda ko ng sakit nang hindi ako nakakapit agad at bumagsak na nga nang tuluyan sa ibaba!

Napapapikit sa inis na hinawakan ko ang aking kaliwang braso dahil iyon ang naitukod ko. Ramdam ko rin ang pananakit ng puwitan ko.

"Sabi ko kasi huwag ka magalaw!" pagalit na aniya dahilan upang samaan ko siya ng tingin.

"Sinabi ko rin kasi sa 'yo na ibaba mo na ako pero hindi ka nakikinig!" inis na atungal ko. "Ako na!" sigaw ko nang asta pa niya akong tutulungan na tumayo.

"Ayan! Dahil diyan sa katigasan ng ulo mo kaya ka napapahamak!" dada niya pa.

"Walang malambot na ulo, letse!" ani ko at nahihirapan na tumayo.

Humawak ako sa aking balak ang upang maitayo ang sarili. Hindi siya makahawak sa akin dahil masama na talaga ang tingin ko sa kaniya.

Sumasakit talaga ang puwitan ko.

"Kasi," bubulong-bulong pa na aniya.

Iniwan ko na lang siya roon at saka ako dumiretso papasok sa silid ko. Agad ako na umupo sa kama at tiningnan ang braso kung may sugat pero wala naman. Sobrang namumula lang iyon tanda na nasaktan talaga.

"Ano?" inis na tanong ko kay Roy nang makita ko siya sa labas ng pinto.

"P'wede pumasok?" paalam niya na sana hindi na lang din niya pinaalam pa dahil dire-diretso siya pumasok sa silid ko at umupo sa tapat ko.

"Tumayo ka nga riyan!" suway ko at pilit na ipinagdidikit ang mga binti ko na medyo nakabuka.

"Huwag ka malikot. Titingnan ko lang," aniya at inangat ang aking paa bago iyon marahan na inuunat-unat.

"Masakit paa mo?" tanong niya.

"Ayos ka rin naman pala manggamot. Kung kailan nahila-hila mo na saka ka naman magtatanong," sarkastikong sambit ko.

"Gaano kahirap para sa iyo ang sabihin na oo o hindi?" mukhang inis na rin na aniya.

"Tapos ngayon ikaw pa may gana na mainis!"

"Sino ang hindi maiinis sa 'yo," sabi niya. Kulang na lang ay hatakin niya na ang paa ko.

"Lumabas ka na nga. Hindi naman masakit," sabi ko.

Tiningala lang niya ako. "Sigurado ka?" paninigurado niya pa.

"Oo nga," sagot ko.

Mapanuri pa niya ako na tiningnan bago tuluyan na tumayo na rin mula roon.

"Labas na," sabi ko nang tumagal siya sa pagkakatayo roon habang nakatingin sa akin.

Ngumuso siya at asta na uupo sa tabi ko rito sa kama ngunit itinulak ko na siya.

"Labas na sabi," pag-uulit ko.

"Uupo lang! Ang bigat mo kaya!" aniya.

"Anong?"

"Oh, bakit hindi ba?" hamon niya.

"Wala naman kasi ako sinabi na buhatin mo ako! Nilaglag mo pa nga ako!"

Nginiwian lang niya ako sa lakas ng sigaw ko bago tuluyan na humiga sa aking kama kaya ako ay napapaawang na lang ang mga labi habang tinitingnan siya roon.

"Ano b-"

"Nagugutom na ako. Wala pa tayong pagkain," nakangusong pagpuputol na aniya.

"Oo na. Magluluto na ako. Labas na," sabi ko.

"Order na lang tayo?" tanong niya.

"Wala akong pera. Ikaw na lang ang mag-order ng sarili mong pagkain. Magluluto na lang ako."

Dinig ko ang mahinang pagtawa niya nang tumayo na ako.

"Ang kuri-kuripot mo, Dianna," natatawang aniya.

"Hindi ako kuripot. Nag-iipon lang ako. Tara na," paghatak ko sa kaniya upang tumayo na siya roon.

Noong una ay nagpabigat pa siya pero sa huli ay sumunod na lang din iyon lang ay nang paglabas namin doon ay umupo naman siya sa sofa sa salas.

"Hindi ka sasama?" takhang tanong ko pa nang humilata pa siya roon.

Nanliliit ang kaniyang mga mata. Nangingilatis bago ngumiti. Nang-aasar.

"Ang kapal mo naman! Kahit hindi kita makita sa buong buhay ko!" depensa ko sa aking sarili. Alam na agad kung ano ang iniisip niya.

Nang dahil din doon ay humaglpak na siya sa tawa. "Ang defensive mo naman. Wala naman akong sinasabi, ah," aniya.

"Iyon naman kasi talaga ang nasa isip mo," sabi ko.

"Maliligo muna ako," sabi na lang niya. Nakangiti pa rin bago tumayo roon.

Napaatras pa ako nang lapitan niya ako dahilan din upang huminto na siya. Akala ko kung ano ang gagawin niya pero ang sunod na lang na naramdaman ko ay ang paghawak niya sa ulo ko.

"Sarapan mo 'yung luto. Hindi ako kakain kapag hindi," sabi niya at tuluyan na nga na tumalikod upang umalis na.

"Edi, 'wag ka kumain!" sigaw ko pa upang marinig niya iyon.

Itinaas lang niya anh kanan na braso niya at patalikod na iwinagayway ang kaniyang kamay.

Kulang na lang ay magpapadyak ako sa inis nang dahil na naman sa kaniya. Napipikon ako sa kadahilanan na ako rin naman ang may kasalanan.

Kung hindi ko siya tinanong kung sasama siya ay hindi aabot sa ganito at kung hindi rin ako nagsalita pa kanina patungkol sa pang-aasar niya ay hindi ako mapipikon ng ganito.

Kasalanan ko pa rin ba kung nasanay ako na lagi siyang nakasunod sa akin at maging ako ay paunti-unti nang nagugutuhan ang ginagawa niyang iyon.

Mariin ko na lang na kinagat ang aking ibabang labi at saka lumakad na patungo sa kusina upang magluto na rin ng pagkain.

Halos isang oras din ang tinagal ko dahil na rin sa pinalambot ko pa ng husto ang karne. Sakto rin naman na pagtapos ko ay siya rin na pagpasok ni Roy sa loob.

Basa ang buhok at nakasuot lamang ng simpleng short na tinernuhan ng puting damit. Malinis na siya muli tingnan hindi katulad kanina na mukha siyang maasim dahil sa mga pawis niya na na nagsisitulo.

"Matunaw ako niyan," pang-aasar niya pa.

"Matunaw ka lang. Maglaho ka na pati," sabi ko at tumalikod na sa kaniya. Kukuha na ng pagkakainan namin at nang makakain na rin. Anong oras na rin.

Tinawanan lang niya ako at umupo na rin doon. Walang balak na tumulong ngunit gayunpaman ay wala akong karapatan na magreklamo gayunpa't siya ay akin rin na amo.

Habang nag-aayos ako mg mga pagkain ay siya naman ang pagsunod-sunod ng kaniyang mga mata sa akin. Dahilan din kung bakit kahit papaano ay nakararamdam ako ng kailangan sa kaniya.

"Kain na," sabi ko nang makaupo na rin.

"Kapag 'to hindi masarap," aniya.

"Kapag hindi masarap, huwag ka na kumain. Ganoon lang 'yon. Ang tagal-tagal ko na nagluluto at halos lahat iyon ay nagugustuhan. Huwag mo ako banatan na hindi masarap dahil baka ikaw ang banatan ko," sabi ko.

"Anong klaseng banat ba 'yan?" tanong niya at dinilaan pa ang kutsara na hawak niya.

Inungusan ko lang siya at nagsimula na magsandok ng aking pagkain. Hindi na pinansin pa ang sinasabi niya. Magsisimula na naman lang siya mang-asar.

Kahit na sinabi ko na wala akong pake kung hindi niya magustuhan ang luto ko ay nakukuryoso pa rin ako sa kung ano nga ba ang dating ng lasa nang niluto ko na pagkain.

Sobrang laki ng naging epekto noong sinabi niya na baka hindi maging masarap. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na maya't-maya ang tikim ko sa aking niluluto sa kagustuhan na maglasa iyon na masarap. Sa kagustuhan na kaniya iyon na magustuhan.

Gusto ko iyon malaman kaya naman ay pasimple ko siya na tinitingnan. Ako na rin ang kusang napaiwas nang magtama ang mga tingin namin at taasan niya ako ng kaniyang mga kilay na animo'y nagtatanong.

"Bakit?" inosenteng tanong niya matapos itigil ang pagnguya sa pagkain.

Umiling lang ako bilang sagot at saka tahimik na lang din na kumain. Nakita ko rin ang pagkibit-balikat niya matapos bumalik sa pagkain.

Ngunit parang may sariling isip ang aking mga mata at patuloy na bumabalik sa kaniya. Tinitingnan siya na kumain doon.

Hindi ko maiwasan na maisip na bakit sa tuwing kasama ko siya ay para rin akong excited na bata. Para akong bata na excited lagi sa tuwing uuwi ang ama niya na galing trabaho dahil alam ko na may pasalubong siya.

Hindi ko maiwasan isipin na kung bakit sa tuwing kasama ko siya ay panatag ako. Maayos ako at kalmado.

"Ano 'yon? May gusto ka ba sabihin?" tanong niya muli nang hindi ko naramdaman na napatitig na pala ako sa kaniya. Subo-subo ko pa ang aking kutsara.

Dinig ko ang paglakas nang tibok ng aking puso ngunit pinanatili ko ang pagiging kalmado ko.

"A-ah, wala naman," nasabi ko na lang at muling ibinaling sa aking pagkain ang atensiyon.

"Sabihin mo na," aniya.

"Wala nga," sagot ko at hindi na siya pinansin pa roon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height