+ Add to Library
+ Add to Library

C7 Rain

"Kaya ko naman mag-isa, Roy," sabi ko.

Kanina pa siya nagpupumilit na samahan ako na mag-grocery habang ako ay kanina pa rin siya pinipigilan.

Magtatanghali na rin at wala na akong mailuto roon. Ubos na ang mga stock kaya naman ay napagpasiyahan ko na mag-grocery na lalo pa at ayaw rin naman mag-ulam ni Roy ng gulay.

Galing sa hirap tapos ayaw ng gulay. Masiyado siyang patawa.

Ayos na rin na makapag-grocery na kami dahil baka dumating si Ate Anne at walang masarap na pagkain na maihanda ay sa akin ipalamon lahat. Lagi kasi siyang nagagalit kapag ganiyan na wala siyang makita na kaayusan sa bahay. Kahit sino naman ay hindi matutuwa panigurado.

Trabaho ko rin ito. Responsibilidad ko kaya wala rin ibang gagawa nito kung hindi ako lang. Ako at ako lang mag-isa.

Mabuti na nga lang kamo at may sariling budget ang bahay. May sariling card na nakalaan para ipambili ng mga gamit o ipambayad kung sakali man na kakailanganin ng pera.

Nadala na rin yata si Ate Anne dahil nang minsan kasi na iniwan nila ako sa bahay ay hindi rin napansin na butas na pala ang tubo ng lababo. Lumaki na lang nang lumaki hanggang sa tuluyan na tumagas ang mga tubig.

Halos bahain din sa kusina ng dahil doon ipinagpapasalamat ko na lang din noong araw na iyon ay umuwi na sila.

Iyon nga lang ay matinding sermon ang inabot ko dahil na rin sa bukod sa halos bumaha na sa kusina ay bakit hindi ko raw sinabi na may butas na pala. Hinintay pa na lumala.

Wala naman ako magawa noon kung hindi ang tanggapin ang galit ni Ate Anne. Kung sinagot ko pa iyon ay baka wala na akong natutuluyan at trabaho.

Grabe 'yung sermon niya. Halos umagahin na kami dahil doon pero worth it din naman dahil ilang araw lang ay may binigay siya sa akin na card. Aniya ay gamitin ko para rito sa bahay at hindi sa personal na kagustuhan.

"Mas mahirap mag-jeep sa lagay mo na maraming dala mamaya," aniya at nauuna na lumabas sa pinto.

Awang na lamang ang aking bibig nang sundan ko siya ng tingin.

"Roy!" tawag ko sa kaniya.

Wala naman kaso sa akin kung mag-jeep na lang ako mamaya. Pasasakayin pa rin naman siguro ako.

Nasanay kasi ako na kapag mamamalengke ay kasama ko 'yung driver namin. Siya ant naghahatid at naghihibtay sa akin sa labas ng supermarket para bumili ng mga dapat bilhin na kailangan sa bahay.

"Pumasok ka na," sabi na lang niya nang mapatunog ang sasakyan.

Kunot ang noo na nakatingin ako sa kaniya. Sa tuwing kasama ko kasi siya ay parang delubyo ang sasalubong sa akin.

"Dito ka na labg sa bahay. Walang maiiwan dito."

"Hindi ako aso, Ina. Hindi ako taga-bantay ng bahay," sabi niya.

"Wala naman akong sinabi na ganoon," ani ko at lumakad na rin nang maisarado ang pinto.

Kung ano-ano kasi kaagad ang iniisip. Kung ganiyan lang ang pag-iisip ko ay matagal na akong wala rito sa bahay.

"Bilis," pagmamadali pa niya habang hawak ang pinto ng kotse niya. Hinihintay ako na makapasok.

"Sandali!"

Sinamaan ko siya ng tingin at aigaga ako na sumakay roon.

"Aarte-arte pa papayag lang din naman," nakanguso pa na aniya. Inosente pa niya ako na ngunitian nang makapasok siya sa kabila na animo'y wala siyang sinabi at hindi ko narinig iyon.

Sino kaya ang mas maarte sa amin na dalawa.

"Doon na tayo kumain? Tanghali na rin," aniya habang nagmamaneho.

"Libre mo?" tanong ko naman.

"Kapal mo naman," sagot niya.

Napangiwi na lang ako at tumingin sa gilid. "Sa bahay na ako kakain."

"Napakakuripot mo naman," sabi niya.

"Sino kaya ang nag-aaya ng kakain na lang sa labas pero hindi naman pala manlilibre," pagpaparinig ko.

"Naririnig kita," ani niya.

"Ayon naman takaga ang purpose," bulong ko pa.

Nagparinig pa ako kung hindi naman pala niya maririnig.

"May malapit ba na kainan doon?"

"Hindi ko alam bakay mayroon sa loob," sagot ko.

Hindi naman kasi ako lumilibot doon dahil ang pinunta ko lang naman doon ay mamili ng mga grocery at hindi kumain.

Hindi ko na rin siya narinig na sumagot pa kaya naman ay tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating na sa supermarket.

"Saan ka?" aniya habang hinihila ako sa likod ng aking damit.

Awkward na lang ako na ngumiti kay Ateng guard na nakatingin sa akin.

"Nasasakal ako, Roy!" inis na sambit ko.

Patuloy niya pa rin ako na hinila sa likod ng damit ko kaya ako na lang din ang nahiya na pumiglas.

"Nasasakal sabi ako!"

Umikot ako kaso nga lang mas nasakal ako pero natanggal ko naman ang kamay niya na nanghihila sa akin.

"Bingi ka ba!" inis na sabi ko.

"What?" natatawa pa niyang aniya.

"Bakit ka ba basta-basta na lang nanghihila!"

Mas lalo lang ako nainis nang tawanan pa niya ako.

"Kakain nga. Ano'ng oras na rin naman," sabi niya.

"Libre ko," pagpapatuloy niya nang asta ako na magsasalita.

Tumahimik na lang ako at nagpahila na rin. Tatanggi pa ba ako sa grasya?

Pero mukhang hindi grasya ang inabot ko dahil matapos niya akong pag-order-in at pakainin ng mga mahal ay saka lang niya sinabi na utang ko iyon sa kaniya.

Masama ang tingin ko sa kung saan. Sobrang inis na ang nararamdaman kay Roy. Nauna na rin ako maglakad at iniwan na siya roon sa likod. Letse siya.

Kaya nga ako pumayag kasi sabi niya ay libre raw tapos ngayon biglang utang! Kung alam ko lang ay hindi na talaga.

Nag-iipon din ako ng pera sana para sa sarili ko ngunit sa isang iglap naman ay mauubos pa nang dahil lang sa kinain ko na hindi naman ganoon karami pero ang mahal-mahal!

"Hindi riyan," paghila na naman niya sa akin nang lumakad ako patungo sa bilihan na ng grocery.

"Sirain mo na lang kaya damit ko!" inis na sambit ko.

"Nood tayo ng sine?" aniya.

"Hindi na!" Nagpumilit ako na umalis doon at nagawa ko naman ngunit hinila lang niya ako ulit sa braso ko.

"Dali na. On-showing daw 'yung Avengers, eh," sabi pa niya. Patuloy pa rin sa paghila sa akin.

"Ikaw na lang! Maggo-grocery pa ako. Mauubos ang pera ko sa 'yo."

"Libre ko," nakangiting aniya.

"Ganiyan din sinabi mo kanina. Kung ayaw mo pa umuwi ay mauuna na ako," sabi ko.

"Sandali lang. Libre na talaga. 'Yung pagkain na pang ang babayaran mo. Patayin mo ako kapag siningil ko sa 'yo 'yung bayad sa sine," sabi niya.

Nanlilisik ang mga mata ko na sinuri ang mukha niya. "Siguraduhin mo lang, papatayin talaga kita," sabi ko.

Nakangiti lang siya na tumango sa akin at inaya na ako paalis doon.

Ang problema rin ay hindi naman on-showing 'yung sinasabi niya kaya babalik na sana kami para mamili na pero hindi ko alam kung bakit nahila niya ako sa iba't-ibang tindahan dito sa loob at namimili siya.

Mas lalo lang ako naiinis. Kung pwede lang siya patayin ay kanina ko pa siya pinatay.

Ako lang naman ang pinagbuhat niya ng napakaraming paper bag ng kaniyang mga pinamili! Ang dami-dami niyang pinamili tapos sa akin pinabuhat lahat!

Bukod pa roon ay halos makatulog na ako sa bilihan ng mga damit dahil sa kaartehan na taglay niya. Magtatanong pa sa akin kung bagay tapos kapag sinabi ko na bagay makikipagtalo pa siya na hindi. Hindi raw niya bagay, Letse.

Pagod ako na umupo sa silya na nakita ko lang din dito sa gilid. Hinihintay siya na naroon naman sa harapanan ng stall ng mga jewelry rito sa loob. Nagtitingin-tingin ng hindi ko alam.

"Ina!" tawag na naman niya sa akin.

Sa halip na puntahan siya roon ay ibinaling ko na lang sa iba ang atensiyon ko. Naiinis na ako kanina pa.

"Hoy, Ina!" paglakas pa ng kaniyang boses.

Hinayaan ko lang siya roon. Napapagod pa ako.

"Hoy!" pagtapik niya sa likod ko. Medyo napalakas pa kaya naman ay napaabante ako.

"Ano ba!" inis na sambit ko.

"Tinatawag kita kanina pa. Pinapalapit ka. Ano? Bingi ka na rin ba? Uso kasi magtulile, ah," aniya.

"Ano na naman ba kasi 'yon? Pupunta pa ako sa grocery. Baka nakalilimutan mo na iyon ang ipinunta ko rito at hindi para maging alipin mo rito!"

"Hala, galit ka na naman," kunwaring gulat na sabi niya. "May ipapatingin lang ako sa 'y-"

"Wala ka bang mata!"

"Wala na silang nakikita na maganda bukod sa iyo." Kumindat pa siya sa akin.

Kung kumukulo lang ang dugo ay kanina pa ubos 'yung akin dahil kanina pa rin umaapaw iyon sa sobrang inis na nararamdaman ko para sa kaniya.

"Ito naman," natatawang aniya at saka ako pinilit na hatakin patungo roon sa stall kaya rin dali-dali ko na kinuha ang mga paper bag.

Ngumiti sa akin 'yung babae pero hindi ko naman magawang suklian ng maayod na ngiti iyon dahil sa kasama ko.

"Maganda?" tanong ni Roy habang nakataas ang kaniyang kamay na may hawak na kwintas. Marahil ay para kay Ate Anne.

"Kung maganda sa paningin mo ay maganda na 'yan," sabi ko.

"Sa 'yo nga," sabi niya. "Tingin mo?"

"Tapos kapag sinabi kong oo sasabihin mo naman hindi!" ani ko.

"Oh, hindi na. Maganda ba?" tanong niya.

"Maganda naman," sagot ko.

"Bakit may naman?" kunot-noong tanong niya.

"Maganda," pag-uulit ko.

"Sigurado ka?" tanong pa niya muli kaya sinamaan ko na siya ng tingin.

"Bilhin ko na 'to, Miss," natatawang baling niya sa babae na nasa harapan.

Ngumiti lang iyon sa kaniya at kinuha na ang kwintas na bibilhin ni Roy.

"Nakasimangot ka na naman," sabi niya at pinindot pa ang ilong ko.

Sa sobrang inis na nadarama ko ay maging pagbukas ng aking mga labi ay hindi ko na magawa pa.

Nagpaumuna na ako maglakad patungo sa supermarket dahil baka malayo na naman kami roon.

Wala na rin akong pakialam pa kung susunod pa siya basta dumiretso na ako roon bitbit pa rin ang mga paper bag na pinamili niya. Kung pwede lang na iwan itong mga ito rito ay kanina ko pa ginawa. Sadyang hindi ko lang maiwan dahil kahit papaano ay amo ko pa rin siya.

"Ina, sandali!" dinig ko na sigaw niya mula sa likuran ko. "Hoy, wait lang!"

Diretso ako na pumasok sa loob ng supermarket at pinagbibigay roon sa counter ang mga iyon.

Maya-maya lang din naman ay nasa tabi ko na si Roy. Hindi ko na lang siya pinansin pa at patuloy na lang sa pagkuha ng mga dapat na bilihin.

"Galit ka ba?" tanong pa niya.

"Halata ba?" sarkastikong tanong ko. Hindi rin magawang pigilan ang sariling bibig.

"Sorry na kasi," natatawang aniya.

Pinuno ko ng hangin ang baga ko bago tumalikod sa kaniya at tinulak ang cart palayo roon matapos kuhanin ang nasa huling listahan na naroon sa section na iyon.

Hanggang tuloy sa matapos kami ay patuloy siya sa paghingi ng sorry. Ako na lang din ang nahihiya sa iilan na napapatingin sa amin dahil sa kaabnoyan na taglay niya.

"Ako na magtutulak," alok niya at agad na nilapitan ang mga cart kung saan nakalagay ang mga pinamili niya at ang mga gorcery.

"Ako na riyan. Itulak mo 'tong iyo," sabi ko.

Hindi naman na dapat naka-cart iyon kaso pinalagay pa niya. Hindi na nga lang din umiimik 'yung cashier.

Nakanguso siya na tumabi roon at siya na ang nagtulak sa cart niya habang ako naman ay katulong si Kuya na may dala rin ng carton ang kasama ko.

"Palit na lang kaya tayo, Ina," aniya.

Tinaliman ko siya ng tingin.

"Saan po ba?" singit noong store crew na si Kuya.

"Iwan mo na lang diyan. Ipatong mo rito sa dinadala ko. Kami na bahala," sagot naman ni Roy.

"Ah," natatawa na tumingin sa akin 'yung lalaki. "Ang mga cart ay isasama ko po sana pabalik, Sir."

"Hindi naman namin iuuwi 'yan," si Roy. Pumapatol talaga!

"Samahan mo na lang kami Kuya," sabi ko na lang na tinanguan naman niya at maingat pa na tumingin sa katabi ko.

Halos sipain ko siya nang maraanan ko ngunit mas pinili ko na hindi na lang gawin bagkus ay dumiretso na kami sa parking lot.

Tinulungan na rin niya kami na maglagay ng mga pinamili sa likod ng koste ni Roy. Ang iba na hindi ja kumasya sa likod ay nilagay na lamang sa likod na upuan.

"Salamat po," nakangiting pasalamat ko sa lalaki.

"Salamat din po, Ma'am... Sir," baling niya kay Roy.

Tinulungan ko na rin siya na isakay ang isa pa na cart sa lob ng elevator bago ako bumalik at diretso na sumakay sa sasakyan. Hindi na pinansin pa si Roy na mukhang tanga na nakatayo roon at sinusundan lamang ako ng tingin.

"Salamat po," panggagaya niya sa akin at mas inartehan pa ang boses pagkapasok na pagkasok niya sa loob ng sasakyan.

Masama na agad ang tingin na ibinaling ko iyon sa kaniya. Kikibot-kibot lang ang labi niya at bahagya pa na umikot ang kaniyang mga mata!

"Salamat po," ani na naman niya bago ko naramdaman ang pag-atras ng sasakyan.

Nakagat ko na lang ang loob ng aking pisngi bago ibinaling sa labas ang atensiyon. Naiinis lalo dahil sa pang-iinis niya.

Sa susunod talaga ay hindi na ako papayag na sumama siya.

Nagpatuloy pa siya sa pang-aasar hanggang sa bahay. Akala ko rin kaya ko nang tagalan iyon ngunit nang mismong pagtigil ng sasakyan sa harap ng bahay ay... kasabay ng pagbuhos nang malakas na ulan ay siya rin ang pagkaputol ng aking tinitimpi at hinahabaan na pasensiya.

"Tumahimik ka na nga!" sigaw ko.

"Inaano ka ba?" masungit pa na tanong niya!

"Ikaw, inaano kita?" balik na tanong ko sa kaniya.

"Pinagseselos mo ako, Dianna," pagbaling niya sa akin. Hindi na nagdalawang-isip pa sabihin iyon na siya rin na nagpatigil sa akin.

Iniwas ko sa kaniya ang mga mata ko at ang dapat na magpapatila muna ng ulan sa loob ng kotse dahil pareho kami na walang payong ay hindi ko na ginawa pa bagkus ay lumabas ako roon at tumakbo papunta sa pinto.

Dinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na rin pinansin pa. Nanginig ako sa lamig na tumama sa balat ko nang makapasok ako nang tuluyan sa loob ng bahay pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto.

Panay ang punas ko na dumitetso sa kusina at kumuha ng payong nang sa gayon ay maipasok na rin ang mga pinamili at maiayos na sa loob.

"Ba't ka ba sumugod sa ulan?!"

Halos mapatlon ako sa gulat nang sumigaw si Roy. Binalingan ko siya at tiningnan ng masama. Kung may sakit lang ako sa puso ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kaniya.

"Huwag ka nga sigaw nang sigaw!" sigaw ko rin.

"Paano kung magkasakit ka!"

"Napaka-oa mo," sabi ko at kinuha na ang payong bago siya nilampasan.

"Pwede naman magpatila bago ka pumasok dito. Hindi ka ba makapaghintay!" pagbubunganga niya.

"Oh, bakit hindi ka pala nagpatila kung ganoon?" baling ko sa kaniya.

Napairap na lang ako sa kawalan ng manahimik siya. Diretso ang lakad ko habggang sa makarating sa kotse.

Binitbit ko na ang kaya kong mabitbit at saka iypn inilagay sa harap ng pinto. Salubong din ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.

Mamatay ka sa inis diyan, letse ka.

Nang matapos na kuhanin ang mga dapat ko na kuhanin ay iginilid ko na lang ang payong na itinupi ko.

Hindi ko na kinuha pa ang mga paper bag. Hinahayaan na si Roy na lamang ang kumuha sa mga gamit niya gayunpaman ay hindi tulad sa inaasahan ko. Tumulong siya na magbitbit ng mga gamit patungo sa kusina at sinamahan na rin ako sa pag-aayos ng mga iyon sa mga dapat na lagayan.

Ramdam ko ang pagtingin-tingin niya sa akin pero hindi ko siya binalingan pa bagkus ay nag-focus sa kung ano na lamang ang aking ginagawa.

Pareho lang kaming tahimik na dalawa. Walang nagsasalita at ang malalakas na patak ng ulan sa labas lamang ang siyang nagiging ingay.

Naghugas na rin ako ng aking mga kamay nang makita na tapos na. Ang mga plastic ay inayos ko na lang dahil baka may paggamitan pa.

"Hindi mo pa rin ako papansinin?" maingat na tanong niya at umupo na roon.

Hindi ko man siya direkta na tingnan ay ramdam ko ang pagsunod ng kaniyang tingin sa akin.

"Ina," tawag niya sa akin. "Sorry na kasi," dagdag niya nang hindi ko man lang siya balingan. "Bati na tayo," parang bata na nakikipagbati na ngumuso siya.

Inismiran ko lang siya at tinapos na ang pagpupunas sa aking mga kamay bago asta na lalabas ngunit sa isang iglap ay nakita ko na lang ang sarili ko na nakakandong sa kaniya.

Gulat man ay agad ako na tumayo pero napaupo rin nang hilain niya ako muli bago ibinalot sa akin ang mga bisig niya.

"Sorry na nga, eh. Bati na kasi tayo," sabi niya.

"Bumitaw ka nga!" inis na sambit ko at pilit na tinatanggal ang kaniyang mga braso sa akin.

"Sige, libre ko na lang 'yung kinain mo kanina," sabi niya.

Napatigil ako sa paggalaw nang sabihin niya iyon. Nakagat ko na lang din ang ibaba kong labi habang nakatingin sa harapan.

"Libre na," ulit pa niya.

"Sure 'yan?" tanong ko.

Dinig ko ang pagtawa niya bago ipinatong sa aking balikat ang kaniyang ulo. "Basta i-kiss mo ako," aniya.

Ang ngiti na sana ay paunti-unti na kumukurba ay bumagsak muli nang marinig ang sinabi niya na iyon.

Nagpatuloy ako sa pagtanggal ng kaniyang mga braso. Naiinis na lalo.

"Bitaw nga!" inis na sabi ko.

Sa pagkakataon na ito ay mas lumakas na ang tawa niya at mas humihigpit ang pagyakap niya psa paraan na hindi pa rin ako nasasaktan. Kung paano niya nagagawa iyon ay hindi ko rin alam.

"Kaya ang bilis mo tumanda. Napakaseryoso mo sa buhay. Nagbibiro lang 'yung tao. Libre ko na nga," sabi niya. "Para kiss lang ayaw pa ibigay," bubulong-bulong pa na sambit niya kaya naman ang paa niya ang napagdiskitahan ko.

"Aray!" sigaw niya sa tainga ko dahilan upang mapapikit din ako sa sakit na tinamo ng aking pandinig.

"Ano ba!"

"Ikaw pa galit!" aniya. Dinadaing pa rin ang kaniyang paa.

"Diyan ka kasi sigaw nang sigaw. Mukha ba akong walang tainga?!"

"Kung hindi mo naman kasi tinapakan paa ko hindi rin ako sisigaw," sabi niya.

"Eh, kung bumitaw ka na rin kasi edi sana hindi rin kita tatapakan 'di ba?" sarkastikong tugon ko.

"Hindi mo pa nga tinatanggap sorry ko," aniya.

"Kung libre mo na 'yung pagkain sige. Apology accepted na," sabi ko.

"Diyan ka magali-"

"May sinasabi ka?" tanong ko.

"Wala, ah," mabilis na pagbawi niya.

"Akala ko mayroon," sabi ko.

Kusa ko na iginilid ang aking ulo nang isiksik niya ang kaniyang ulo sa pagitan ng aking blikat sa pisngi dahilan upang mapalapit iyon sa aking leeg.

Nakaramdam pa ako ng kiliti nang dahil sa hininga niya ngunit hindi ko hinayaan ang aking sarili na makagawa ng kung anong bagay.

Ilan sandali pa na ganoon hanggang sa maramdaman ko ang malamig na bagay na pumapalibot sa aking leeg.

Kunot ang aking noo na kinapa iyon. Isang kwintas. Kasabay noon ay siya rin na paglayo ng ulo ni Roy sa akin.

"Sorry," aniya. "Hindi ka nag-enjoy kanina. Akala ko matutuwa ka kasi ganoon naman ang gusto ng karamihan na mga babae. Ang mamili ng mga gusto nila."

Iniyuko ko ang leeg ko at tiningnan ang pendant na hawak-hawak ko. Nagulat pa nang makita na iyon ang binili niya kanina.

Napapakurap na tiningnan ko iyon bago asta na babaling sa kaniya ngunit hindi ko rin naituloy nang muli niya akong yakapin at ipatong muli ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"It suits you well... just like how I imagined it would be if you wear it."

"A-akala ko kay Ate Anne 'to," nautal na sambit ko.

"You think?" natatawang aniya. "Para sa 'yo talaga 'yan," dagdag niya.

"Per-"

"It's not your birthday, I know it, if that's what you will going to say. Is it bad if I want to give you a necklace? Take it as a gift. I never give you one right from the beginning, though," pagputol niya sa akin.

"Sure ka na hindi utang 'to?" tanong ko.

Tinawanan lang niya ako at mas hinigpitan ang pagyakap mula sa likod ko.

"May itang ka sa 'kin na kiss," aniya.

"Utot mo," sabi ko at patuloy na kinapa ang pendant na hawak ko.

Napapasinghap na nawala ang aking atensiyon sa kwintas nang maramdaman ang marahan na pagkagat niya sa balikat ko na sa isang iglap din ay ramdam ko sa aking batok ang mainit na hininga niya.

"R-Roy," tawag ko sa kaniya.

"Hm?" aniya hanggang sa tuluyan ko na maramdaman ang paglapat ng kaniyang labi roon.

Ramdam ko ang pagtaasan ng mga balahibo ko habang ginagawa niya iyon. Wala akong magawa kung hindi ang tumingin sa harapan.

Sa isang iglap lang din ay kiliti ang dala ng kaniyang ginagawa nang tuluyan na maramdaman ko ang marahan na pagkagat niya sa aking balat sa leeg.

Kakaibang sensasyon. Sensasyon na kailanman ay hindi ko pa nararanasan.

Pinagdikit ko ang mga hita ko at maging ang mga binti nang maramdaman ang paglabas ng animo'y tubig sa aking gitnang bahagi.

Naipikit ko na lang ang aking mga mata nang maging ang mga kamay niya na nakayakap sa akin ay ngayon ay humahaplos sa gilid ng aking dibdib.

"Roy..." sambit ko. Nais siya na patigilin ngunit mukhang hindi ganoon ang naging labas bagkus ay nagmukha iyon na ungol sa aking pandinig.

Kusa na lamang na napaawang ang aking bibig at nailiyad ang aking katawan pasandal sa kaniya nang pisilin niya ang aking kaliwang dibdib.

"Squishy," natatawang bigkas niya pa habang ako ay parang tinanggalan ng lakas nang kahit magpumiglas ay hindi ko na magawa.

Sunod ko na lamang na naramdaman ay ang paggabay niya sa aking ulo na ipaling sa kung nasaan siya bago inatake ang aking mga labi ng kaniyang basa na mga halik.

Wala akong nagawa kung hindi ang sabayan ang iyon. Pati pagngisi niya ay hindi nakalampas sa akin dahilan upang liyo ko siya na tingnan.

Hindi na ako nagulat pa nang makita na nakamulat lang siya at nakatingin sa akin dahil kanina pa man ay ramdam ko na ang panininitig niya.

"Ahh..." ungol na kumawala sa aking bibig nang maramdaman ang kamay niya sa aking hita na unti-unting umaakyat pataas. "T-tama na..." pagpapatigil ko sa kaniya dahil alam ko na kung saan ang tungo nito.

Hindi ako tanga para hindi malaman ang mga bagay na ganito. Oo at hindi ako nakapa-aral ngunit hindi rin naman ito natututunan sa paaralan.

Napalunok na lang ako habang nakapikit nang tuluyan na niya dakmain at dahan-dahan na haplusin ang aking gitnang bahagi sa labas ng aking suot na pang-ibaba.

Para akong mawawala sa sarili habang iginagalaw niya ang kabiyang kamay roon.

"I can feel your wetness here, Ina," malaswang bulong niya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin dahil paramg may sariling isip ang katawan ko na sumabay sa paghaplos na ginagawa niya roon.

"Shit," tarantang aniya. "Hey, calm down," natatawa man ay dinig ko rin ang boses niya na animo'y nahihirapan.

Nahabol ko na lang ang hininga ko nang mas maramdaman ko ang kakaibang kiliti na iyon. Ang dulas ng aking pag-aari ay hindi ko inalintana at ang ipinararamdam ng palad niya na patuloy na humahaplos doon ay ang tanging laman lamang ng aking isipan sa ngayon.

Kakaiba at nais ko na maranasan pa ang kung ano man ang naghihintay. Ano man ang rurok na naroroon pagkatapos nito.

Naihawak ko na lang ang mga kamay ko sa kaniyang braso nang manginig ako. Nais siya na patigilin ngunit ayaw niya iyon tigilan.

Sa halip na siya ang patigilin ko ay ako ang siyang natigilan nang marinig ang boses ng isang babae sa likod namin.

"Ano'ng ginagawa niyo?" tanong noon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height