+ Add to Library
+ Add to Library

C8 Caught

Nanlalaki ang mga mata ko na umayos ng tayo at pinagpagan ang sarili.

Takot at kaba ang siyang naramdaman ko ngunit hindi ko iyon pibahalata bagkus ay nakangiti ako na humarap kay Lily.

"Nandito na pala kayo," sabi ko.

"Ano po'ng ginagawa niyo?" tanong niya muli habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.

"Kanina pa kayo?" tanong ko. Pilit na inilalayo siya sa nakita niya.

"Kararating-rating lang din po," sagot niya.

Tiningnan ko si Roy na walang bakas ng kaba o takot sa kaniyang mukha habang nakatitig sa akin. Pinaglalaruan pa niya ang kaniyang ibabang labi kaya naman ay roon napupunta ang aking mga mata.

Pilit ko iyon iniwas sa kaniya sa abot ng aking makakaya. "Salubungin ko lang sila Ate Anne," paalam ko kay Lily.

Hindi na ako naghintay pa ng sagot mula sa kanila at nagmamadali na ako lumabas doon. Sakto rin na nakasalubong ko si Ate Anne na mukhang galit na.

Sobrang salubong ang mga kilay at nang magtama ang aming mga mata ay mas lalo lang sumama ang tingin niya sa akin.

Basang-basa rin siya at makikita iyon hindi lamang sa buhok dahil maging sa damit niya na halos bumakat na sa kaniyang katawan.

"Ano ba ang ginagawa mo?! Kanina pa ako nagbubusina sa labas pero walang nagbubukas ng gate sa amin!" galit na aniya.

"N-nasa kusina po ako Ate Anne kanina. Nagsasalansan po kasi ako ng mga grocery at malakas din po ang ulan kaya hindi ko po narinig," pagdadahilan ko.

"Tingnan mo nga! Mukha kaming mga basang sisiw!" aniya at tinuro pa ang sarili niya. "Nasaan si Roy?" pagalit na tanong niya.

"Nasa kusina po."

"Nasa kusina rin?! Ano'ng ginagawa roon?"

Napapalunok na lang ako at hindi na nakasagot pa nang dumiretso siya roon. Nakabuntot lang din ako sa kaniya.

"Roy!" sigaw niya.

Napaiwas ako nang magtama muli ang mga mata namin ni Lily. Pakiramdam ko ay amy kung ano roon at nakararamdam din ako ng guilty sa nagawa ko.

"Anne," si Roy.

Hindi ko na magawang balingan pa si Roy dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Hindi ko inakala na magagawa niya at mas lalong hindi ako makapaniwala na magagawa ko rin ang bagay na dapat hindi ko ginagawa.

"Anne? Tawag ako nang tawag sa 'yo kanina dahil wala kaming payong na dala tapos ni isang sagot wala kaming napala! Ano ba ang ginagawa mo rito at maging itong si Dianna ay narito rin sa kusina. Huwag mo sabihin na nagsasalansan ka rin ng grocery?!"

"Sorry na," malambing na aniya at tumayo roon upang yakapin si Ate Anne.

Mas lalo lang yata ako hindi na makatingin pa sa kanila nang makita ko ang paghalik na ginawa ni Roy kay Ate Anne. Nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata ang ginawang pagsulyap niya sa akin bago humiwalay.

"Sorry," pag-uulit ni Roy.

Nginitian ko na lang si Lily nang makita na nakatingin lang siya sa akin.

"Ina, tulungan mo si Andrei sa itaas. Paliguan mo. Basang-basa siya," utos niya. "Lily, ikaw rin. Asikasuhin mo na sarili mo. Baka magkasakit ka."

Doon ko lang nakita na basa rin pala si Lily. Hindi ko napansin kanina.

"Yes, Mommy. Excuse me, Ate Ina," aniya dahilan upang mapagilid ako at makaraan siya.

Sumunod na lang din ako at hindi na nagtagal pa roon.

"Andrei?" tawag ko sa kaniya.

Dumiretso ako sa banyo niya nang marinig doon ang pagtagas ng tubig.

Naabutan ko siya na nakaupo sa bathtub niya an punong-puno ng mga bula. Ipinalad pa niya sa akin ang mga bula na kinuha niya sa pinapaliguan niya.

"Kumusta ang bakasyon?" tanong ko sa kaniya nang makaluhod matapos isarado na ang tubig upang hindi na rin umapaw-apaw.

"Great, Ate Ina. I bought you a shirt po just luke what Mommy said," nakangiting aniya.

"Oh?" gulat na sabi ko.

Masaya siya na tumango sa akin. "You will like it po, surely. Ate Lily, buy some po as well pero mas maganda pa 'yung akin," aniya.

"Sige, titingnan ko mamaya," sabi ko.

Naglabas ako ng maliit na ngiti nang nakangiti niya akong tingnan. Napakabait nila para sa isang katulad ko na may ginagawa na pala sa likod nila.

Minabilis ko na rin siya na paliguan. Nakakuha rin ko ng tyansa na magluto na sa ibaba nang pagkahiga niya ay hinila na rin naman siy ng antok.

Tama lang din sa gabihan ang oras nang matapos ako sa pagluluto kaya naman ay inakyat ko na sila.

"Lily," tawag ko mula sa pinto niya at bahagyang kumatok. "Kakain na tayo," sabi ko.

"Susunod po ako, Ate Ina."

"Baba ka na lang. Pupuntahan ko si Andrei," paalam ko at si Andrei naman ang pinuntahan.

Gising na siya at may pinanunuod lang sa kaniyang tableta.

"Kain na tayo?" pagkatok ko sa kaniyang pinto upang makuha rin ang kaniyang atensiyon.

Pinauna ko na rin naman siya bumaba at saka sila Ate Anne naman ang pinuntahan sa silid nila.

Kakatok pa lang sana ako nang marinig ang mga impit na ingay mula sa loob. Kunot ang aking noo na idinikit ang tainga roon na sana ay hindi ko na lang pala ginawa pa.

Mas lumakas ang mga ungol na naririnig ko at ang mga daing sa loob.

Agad ako na napaatras at tumalikod doon upang bumalik.

Ang kirot sa dibdib ay hindi ko inalintana. Parang gusto ko na rin sumuka nang dahil sa narinig.

"Where's Mommy?" salubong ni Lily nang hindi sila makita sa likod ko.

Kinuskos ko ang mga kamay ko na para bang nililinisan ang mga rumi na aking napakinggan.

"T-tulog pa kasi sila, Lily. Mauna na lang siguro muna kayo," sabi ko. Panay pa rin ang paghugas sa aking mga kamay.

Mabuti na lang at hindi na sila nang-usisa pa. Si Lily na lamang ang nagpakain sa bunsong kapatid.

"Kumain ka na rin, Ate Ina. Baka mamaya pa sila magising," si Lily.

"Ha? Oo, sige," wala sa sarili na pagpayag ko at saka umupo na sa upuan doon.

Hindi ko maisubo ng maayos ang pagkain ko dahil sa paulit-ulit na pagrehistro ng mga ungol na napakinggan ko.

Napainom na lang ako ng tubig nang makita ang mapagmasid na tingin ni Lily.

"Ayos ka lang po?" tanong niya.

"Oo, nabulunan lang," sabi ko.

Mas pinili ko na pilitin ang sarili ko na maging normal kaharap sila. Nagtagumpay naman ako dahil hanggang sa matapos kami kumain ay hindi na rin naman sila nagbusisi pa at tahimik na lamang na bumalik sa kanilang mga silid.

Ano nga ba ang mali sa ginagawa nila, Ina? Ano ba ang mali sa iyo at ganito ka kung maka-react?

Kung tutuosin ay normal lamang iyon dahil mag-asawa sila. Pwede nilang gawin iyon kahit araw-araw pa. Ang mali lang naman sa iyo ay ang nararamdaman mo.

Bakit nga ba ako nakararamdam nito?

Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang nagmanhid na yata sa sakit.

Ano ba nangyayari sa iyo, Ina!

Huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang aking ginagawa. Halos mabitawan ko pa ang mga baso na hawak ko nang may biglang yumakap sa likuran ko.

Umaalingasaw ang amoy ng kaniyang panlalaki na shampoo.

Tinanggal ko ang mga braso niya sa pamamagitan ng paglilikot at saka ako gumilid. Bumungad sa akin ang Roy na bagong ligo pa lamang.

Nakalagay pa ang maliit na tuwalya sa kaniyang balikat. Natawa lang siya at tinuyo na muli ang kaniyang buhok gamit iyon.

"Kumain na kayo?" tanong niya.

Umiwas na lang ako ng tingin nang hindi ko siya kayang tingnan ng matagal. "Kumain na ang magkapatid. T-tulog yata kayo kanina. Wala kasing sumasagot sa loob noong kumatok ako," sabi ko na lang.

Matagal siya bago nakapagsalita. Marahil ay hindi rin alam ang sasabihin. "Oh, you did? Nakatulog na si Anne sa sobrang pagod kaya ganoon. Nasa banyo ako naliligo kaya hindi ko narinig," maya-maya rin ay sagot niya.

Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako nandidiri sa kaniya. Nandidiri ako sa kaniya nang higit pa sa inaakala ko.

Iniisip ko ang nangyari kanina sa amin at hindi ko maatim na pagkatapos noon ay nakisiping siya sa asawa niya matapos na gawin iyon sa akin.

Tumango na lang ako at binilisan na ang paglilinis sa mga iyon. Ayaw ko na rin naman na tumagal pa kasama niya. Naalala ko lang ang nangyari kanina a maging sa mga narinig ko sa kwarto nila.

"Kakain na ba kayo? Ipaghahanda ko na kayo," sabi ko.

"Hindi na. Ako na ang bahala. Tulog pa si Anne."

"Ah... ganoon ba. Napagod siguro ng husto. Mauuna na ako," nagmamadali na paalam ko. Hindi ko na rin napunasan pa ang mga kamay ko sa kagustuhan na makalayo na sa kaniya.

Ngunit iyon ang akala ko dahil hinawakan niya ako sa kaliwa kong braso upang ako ay mapigilan sa pag-alis sana.

"Sandali," aniya.

"May kailangan ka pa ba?" normal na tanong ko.

"Did you hear something?" tanong din niya.

Nakagat ko na lang ang loob ng aking pisngi upang pigilan ang sarili sa anuman ang pwedeng masabi.

"Ha?" kunwaring naguguluhan na tanong ko at binalingan pa siya upang maging kapani-paniwala naman.

"Nothing," aniya at binitawan na ako.

Ngumuso lang siya at binitawan na rin anf braso ko. "Matutulog ka na?" tanong niya muli.

"Magpapahinga na rin. Ihahatid ko pa kasi 'yung mga bata bukas. Sige," paalam ko at tumalikod na.

Hindi na rin naman siya gumawa pa ng bagay na ikatatagal ko roon. Huling narinig ko na lang ay ang pagbuga niya ng hangin na para bang nakahinga siya ng maluwag.

Agad ko na sinarado ang pinto at dali-dali na kinuha ang mga pagpapalitan ko. Nais ko na maligo na para bang iyon ang solusyon upang matanggal ang paghawak na ginawa ni Roy sa akin kanina na siya naman na nagmarka.

Kung minamalas pa ay wala rin tubig ang malapit na banyo rito sa silid ko. Ayaw ko na rin pa pumunta sa malapit sa kusina bagkus ay lumabas ako kahit na gabing-gabi na at takot din.

May kadiliman na sa likod ng bahay ngunit hindi ko na lang din iyon pinansin pa. Mas gugustuhin ko yata makakita na lang ng multo kaysa makita na naman si Roy.

Mabilis lang din naman ako natapos. Takot na baka may magsara bigla sa pinto at hindi na nga ako makapasok.

Dala ang aking mga pinagbihisan ay lumabas ako roon. Halos atakehin din ako nang maratnan si Roy na siyang nakaupo roon.

Ano'ng ginagawa niya riyan? Mukhang nilalamok pa at panay ang palo sa katawan niya.

Nagulat din ako nang makita ang sigarilyo na hawak niya. Hindi ko alam na naninigarilyo siya dahil hindi ko rin naman nakita na naghahawak siya ng mga iyon mula noong makilala ko siya.

Napapitlag ako nang balingan niya ako. Mukhang nagulat din siya at agad na pinatay ang sigarilyo na sana ay isusubo na niya.

Napatayo siya. "Ina," gulat na aniya.

"Gumamit lang ako ng banyo," sabi ko at itinuro pa ang likod.

"Ina, wait," sabi niya nang nagdiretso na ako sa sa paglakad. Gusto na talaga makapasok.

Kaya nga ako nagbanyo rito sa labas ay dahil sa kaniya tapos ngayon ay makikita ko na naman siya rito sa labas. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Binalingan ko siya upang matapos na rin. Ayaw ko na talaga na lumapit-lapit sa kaniya. Grabe na 'yung kahihiyan na nangyari sa akin at isa pa ay hindi na rin ako natutuwa pa sa dibdib ko na akala mo ay lagi na lang nakikipag-karera sa tuwing nakikita siya o nakakasama.

"Hindi na ako naninigarilyo," panimula niya dahilan upang mangunot ang aking noo.

Ano naman pakialam ko kung naninigarilyo siya o hindi?

"Medyo stress lang kaya nagsindi ako pero isa lang naman 'yon. Matagal ko na tinigil," sabi niya.

Kung kanina na salubong na ang mga kilay ko ay mas lalo na ngayon.

"Ah," nasabi ko na lang.

"Nagsasabi ako ng totoo. Isa lang. Iyon lang, oh. Wala na," sabi niya habang nakaturo sa sigarilyo niya na nasa damuhan.

Gusto ko man siya na barahin at sabihin kung ano ang pakialam ko ay hindi ko na isinaboses pa. Bagkus ay tumango lang ako at tumalikod na ulit.

"Ina," tawag na naman niya sa pangalan ko. Kanina pa rin ako rinding-rindi.

"Ano na naman ba?" tanong ko.

"Ano... wala, good night," sabi na lang niya at tumango na sa akin.

Hindi na rin naman ako sumagot pa at iniwan na siya roon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height