+ Add to Library
+ Add to Library

C9 Break

"Hintayin ko na lang kayo rito," sabi ko nang tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang breaktime nila.

Tinanguan ko lang sila nang muli nila akong kawayan habang papaalis na.

Narito ako ngayon sa school nila. Babantayan sila hanggang sa mag-uwian dahil iyon ang iniutos ni Ate Anne.

Tama na rin iyon dahil bukod sa wala akong kasama roon ay wala rin akong gagawin. Sinama ni Ate Anne si Roy sa trabaho upang mapag-aralan na raw ang mga gagawin niya sa kumpaniya kung sakali.

Ipinagpapasalamat ko pa nga iyon dahil na rin sa mas inilalayo ako o nalalayo ako sa kapahamakan na nalalapit sa akin.

Iwinaksi ko na lamang ang isipin na iyon at tumingin sa labas ng canteen kung nasaan ako da kasalukuyan.

Sobrang init at wala rin mga estudyante na nasa labas na. Nasa loob na sila lahat at panigurado ay nag-aaral na.

Napakalawak nito. Isa na rin sa inaasahan ko lalo pa noong narinig ko kung magkano ang binabayaran nila na tuition fee sa paaralan na ito.

Napakswerte ng mga bata na narito dahil na rin sa marami ang bata na gustong makapag-aral na katulad ko na lang ngunit dahil na rin sa kahirapan ng buhay ay wala rin magagawa kundi ang harapin ang hamon ng buhay sa amin.

Ang matrikula nila ay kaya na pakainin ang isang tao sa loob ng kalahating buwan. Sobrang laki noon at talaga naman na hindi mo rin maiiwasan na mainggit lalo pa at nakikuta mo rin ang pinagkaiba ng dalawang mundo.

Ang iba ay halos hindi na makakain tapos ang iba nman ay sobra-sobra ang nakakain. Minsan pa ay sila 'yung malalakas na magtapon ng mga pagkain o mga kagamitan na pwede pa naman pakinabangan.

Ako na isang katulong sa bahay nila Ate Anne ay hindi rin naman makaiwas sa pagkaramdam ng inggit lalo pa na sa tuwing makikita ko sila na buo ay naiisip ko na lang jung gaano kamalas na buhay ang naibigay sa akin.

Wala akong masisi at ayaw ko manisi ng ibang tao nang dahil sa tinatamasa kong buhay ngayon. Alam ko rin naman kasi na hindi rin naman nila nanaisin na maging mahirap o maging kapos sa buhay.

Sadyang iyon lang ang nakatadhana at ikaw at ikaw pa rin ang siyang gagaws kung paano ka aangat. Kung paano mo malalampasan ang araw-araw ba hamon sa iyo ng buhay.

Napabuntong-hininga na lang ako hbang tinitingnan ang mga ibon na malayang lumilipad.

Kung titingnan sa kalangitan ay napakapayapa nila. Napakalaya na ang dami rin tao na nagnanais na maging malaya. Mga ibon na malayang gawin kung ano man ang naisin nila.

Itinungo ko na lamang sa lamesa ang ulo ko nang hikabin. Inaantok pa dahil hindi rin ako agad dinalaw ng antok kagabi lalo pa at iniisip ko si Lily. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang nangyari sa pagitan namin ni Roy.

Oras ang lumipas hanggang sa muling lumabas na ang mga bata para naman sa lunch break.

Hindi na ako nag-abala pa na sunduin ang dalawang bata nang makita na unti-unting napupuno ng mga bata ang lamesa.

Maya-maya lang din naman ay nakiupo na sa harapan ko ang magkapatid. "Kain na," sabi ko at inayos ang mga pagkain nila.

Nakararamdam pa rin ako ng ilang kay Lily dahil na nga sa kahapon. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at sinubuan na lang si Andrei na ngayon ay pawis na pawis.

"May quiz ka?" tanong ko kay Lily nang hindi na makatiis pa dahil hindi rin niya ginagalaw ang pagkain niya. Masiyado siyang tutok sa libro na dala niya.

"Nag-aadvance reading lang po. May recitation kasi mamaya at sayang naman ang points kung hindi ako makakukuha," paliwanag niya.

"Ah, gano'n ba? Sumubo-subo ka na rin dahil baka abutin kayo ng bell," sabi ko ngunit parang wala na siyang narinig pa at tahimik lang na nagbasa.

Hinayaan ko na lang din siya at itinuon ang atensiyon kay Andrei. Hindi nga rin ako nagkamali dahil nang tumunog ang bell ay bilis-bilis na kumain si Lily. Halos mabulunan pa siya. Tinawag ko na nga lang ulit dahil pati pag-inom ng kaniyang tubig ay hindi na niya nagawa pa.

Ganoon lang din nangyari noong hapon. Wala pa rin ako ginawa at nakakuha pa ng magandang tulog dahil sa tahimik naman talaga ang kapaligiran.

May maririnig man na mga ingay ay sobrang hina na noon dahil medyo may kalayuan ang bawat classroom sa canteen.

Padilim na rin nang makauwi kami. Padilim na nang matapos ako sa gawain bahay at agad na lumabas nang marinig ang busina mula sa labas.

"Ako na po riyan, Ate Anne," sabi ko at kinuha ang bag na hawak niya. Ibinigay na rin niya iyon sa akin.

"Nasaan ang magkapatid?" salubong niya na tanong sa akin.

"Nasa mga silid po nila." Tinanguan lang niya ako.

"Maghain ka na pagkatapos para makakain na rin tayo," sabi niya bago ako tuluyan na iwan dito.

Lumiko na rin ako para sana ilagay na ang bag sa kwarto nila ngunit napatigil din nang makita si Roy na pumasok na sa pinto.

Bago pa man magtama ang aming mga mata ay nagmadali na ako umakyat sa kwarto nila upang ilagay na iyon doon.

Hindi ko rin inasahan na umakyat din pala siya.

"Ah... niagay ko lang 'yung bag," paalam ko nang maratnan siya na nakahilig sa hamba ng pinto.

Tumaas ang dalawang kilay niya at ngumuso sa akin. Napaatras pa ako nang nakapmulsa siya na naglakad palapit.

Dinig ko ang pagtawa niya sa ginawa ko na pag-iwas sa katakutan na baka may gawin na naman siya ngunit nagkamali yata ako dahil umupo siya sa kama.

Idinipa niya ang mahahaba niya na mga braso sa kama upang suportahan ang kaniyang bigat habang ang mga mahahaba niya na binti ay bukas na bukas.

Napalunok ako nang makita ang postura niya. Mukha siyang kagalang-galang sa suit na suot niya. Mukha siyang respetado at nakikinita ko ang pagkakaiba namin na dalawa.

Bago pa man bumaba ang mga mata ko at ibinalik ko na sa mukha niya ang atensiyon ko na naabutang nakangisi ang mga labi habang titig na titig pa rin sa akin.

"Bababa na ako. Maghahain na," aligaga na paalam ko.

"Ina," tawag pa niya dahilan upang matigilan ako sa paglabas.

Naghintay pa ako ng sasabihin niya ngunit wala na rin naman ako nakuha na responde mula sa kaniya.

"Kain na," sabi ko nang matapos sa ginagawa.

Pawang sila na may kaniya-kaniyang ginagawa. Si Lily na dala ang libro at hindi binibitawan iyon. Si Ate Anne na nakikupag-usap sa bunso niya na anak kay si Roy na hindi ko na tiningnan pa nang mapansin na nakatingin na naman lang sa gawi ko.

Hindi ko man tingnan ay ramdam ko iyon.

"Lily, mamaya na iyan," si Ate Anne na agad din naman na sinunod ni Lily. "Umupo ka na Ina," utos din niya sa akin.

Umupo ako sa tabi ni Andrei. Katapat lang ni Lily.

"How's your day, Roy?" baling niya sa kaniyang asawa.

"Good. It was easy than what I expected," mayabang na sagot niya dahilan upang matawa si Ate Anne.

"Sana hanggang hulu ay iyan ang marinig ko."

"I expected to be assign on a higher position, Anne," maya-maya ay sabi ni Roy.

Mukhang pati si Ate Anne ay nagulat din. Natigilan kasi siya sa paghihiwa ng karne sa plato niya.

"Roy, we talked about this," sagot ni Ate Anne.

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Roy habang patuloy na kumakain.

"What do you want me to do, Anne? You put me in a place where even a high school can do their tasks? What do you think, I am?"

Napatungo ako nang magsimula na naman sila na mag-away. Isang bagay na hindi na rin naman bago dahil mas madalang pa ang hindi nila pagtatalo kaysa sa pagiging maayos sa isa't-isa.

"I know that it was hurting your ego but that's the process, Roy. You cannot just jump into the higher position without the proper process. Ako... dumaan din ako sa pinakamababa, Roy and it's all worth it," sabi ni Ate Anne at tuluyan na ibinaba ang utensils na hawak niya.

"And you expect me na sundan ang naging way mo?" kunot-noong tanong ni Roy.

"That's not what my point is, Roy! Can't you understand me? I am just doing this for you. Walang ibang daan sa pagiging succesful, Roy. Kahit baliktarin mo na ang mundo ay walang tao na naging successful sa pag-take ng shortcut. Lahat dumaraan sa proseso and I want you to experience that to be able to be successful just like I am."

"And how the hell it will help me to be successful, Anne?"

Halos mapatalon ako sa inuupuan ko nang malakas na ibagsak ni Roy ang kutsara na at tinidor na hawak niya.

"Oh, God," dinig ko na lang na bulong ni Ate Anne. Mukhang nauubusan na rin ng pasensiya. "Nevermind. I'm done," maya-maya ay aniya at tumayo na.

"Kumain na kayo," si Roy at tumayo na rin.

"K-kain na," sabi ko nang balingan ang magkapatid na halata ang lungkot sa mga mukha. "Magkakaayos din sila," pagpapagaan ko ng pakiramdam nila.

"I'm full na, Ate Ina. Akyat na ako. May long test kami bukas kailangan ko mag-review," paalam niya.

Wala na rin ako nagawa pa nang agad na siyang tumayo at lumabas. Naiwan kami ni Andrei. Hinayaan ko na lang siya na kumain pa at nang matapos ay pinaakyat ko na rin upang asikasuhin naman ang mga pagkain dito sa ibaba.

Hinuhugasan ko na ang huling mga baso nang makaramdam ng presensiya sa aking likuran. Binalingan ko iyon at nakita si Roy na magkakrus ang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa akin.

Sa halip na pansinin siya ay binilisan ko na ang pagbabanlaw roon at nang maisalansan ko na rin. Isip ko ay baka may naiwan lang din ngunit hanggang sa matapos ako ay nanatili siya roon.

"May kukuhanin ka?" tanong ko na lang din. Hindi ipinapahalata na apektado sa presensiya.

"May naiwan lang," sagot niya.

Tumango ako at nang mapunasan na ang mga kamay ay naglakad na rin ako. Balak na sana lumabas. "Mauuna na ako. Tapos na rin naman ako," sabi ko.

Hinintay ko pa siya na paraanin ang ngunit hindi niya ginawa bagkus ay umayos siya ng tayo at hinarap ako.

Naiilang na iniwas ko sa kaniya ang mga mata ko at dumaan sa gilid niya pero isang lakas ang nagpabalik sa akin.

Mula sa likod ay ramdam ko ang pagtama ng katawan ko sa katawan niya. Maging ang paglagay ng kaniyang mukha sa pagitan ng aking pisngi at balikat ay naging mabilis para sa akin.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko habang napapakurap na hinahayaan din si Roy sa kaniyang ginagawa.

"R-Roy," tawag ko sa kaniya nang bumalik sa reyalidad.

Ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba at takot ang nagpapasakit sa dibdib ko. Kaba dahil sa hindi malaman na dahilan at takot na baka may makakita.

Pilit ako na nagpumiglas ngunit hindi niya ako hinayaan na makalayo sa kaniya bagkus ay mas hinila niya ako palapit.

"Akala mo papalampasin ko 'yung ginawa mo kanina sa kwarto? Hindi mo man lang ako tinanong kung kumusta ang araw ko. Basta mo na lang ako iniwan na nakaupo roon. Mahal na mahal talaga kita, Ina. Napakasarap mo magmahal," pabiro at sarkastikong aniya.

"Bumitaw... bitaw na," sabi ko at pinilit pa rin na tanggalin ang pagkakapulupot ng kaniyang mga braso sa akin.

"Sandali lang. Uwing-uwi pa naman ako kanina kasi yayakapin mo ako tapos hindi rin pala," nagtatampo pa aniya.

"Ano ba, Roy!" mariin na sambit ko.

"Five-minutes," aniya.

"Bitaw na sabi!"

"Three, sige," sabi niya.

"Roy, kasi!"

Sinubukan ko pa na tapakan ang paa niya para lang makaalis na sa mga bisig niya ngunit mukhang naramdaman niya iyon kaya naman ay naiiwas na niya bago ko pa matapakan.

"One na lang. Umangal ka pa isang minuto na halik ang kapalit," sabi niya.

Mas isiniksik pa niya ang kaniyang ulo sa leeg ko dahilan upang diinan ko rin iyon. Ayaw bigyan ng espasyo para ipasok ang ulo roon.

Napasinghap ako nang marahan niya na kagatin ang balikat ko dahilan upang mawala ang atensyon ko at tuluyan na niya na naisuksok ang mukha roon.

"Roy!"

"Hm," ungol lang niya.

"Bitawan mo na ako. Baka may makakita!" mariin na bulong ko.

"Tulog na sila," aniya.

Kasabay noon ay siya rin ang panlalaki ng mga mata ko nang makakita ng anino na nasa pinto.

"Roy," pang-ilan na tawag ko at pilit na inaalog ang katawan ko upang maistorbo siya.

"Ina, please. Pagod ako. Kailangan ko ng pahinga," aniya.

"M-may tao," halos hindi ko na iyon maisambit pa.

Ang kabog ng dibdib ko ay ganoon na lamang lalo pa at hindi pa rin bumibitaw si Roy.

Nilakasan ko ang paggalaw ko at sumunod na inapakan ang paa niya. Sa pagkakataon na iyon ay nagtagumpay ako na makaalis sa mga bisig niya.

Kasabay rin noon ay siyang pagsalubong ng mga mata ko sa mga matang gulat na nagmamay-ari ng mga anino na iyon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height