C11 Chapter 11
NARAMDAMAN ni Zoe ang pagkatulala at gulat ni Dylan. Siguro ay kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak ng binata sa isip ni Zoe.
"Mommy?" nagtatakang tanong ni Dylan at nilipat ang tingin kay Zoe. "May anak ka na?"
"You're right. I'm his mom, Dylan," diretsong sagot ni Zoe at para bang hindi nakakitaan ng kaba sa kaniyang mukha. Nilingon naman ni Zoe si Alfred at pinakilala rin ang binata. "And this is Alfred."
Nag-aabang pa si Dylan sa sunod na sasabihin ni Zoe, pero mukhang nanahimik na ang dalaga. Wala siyang nagawa kung hindi ang makipagkamay sa lalaking itinuro ng kaniyang kaibigan. Mas matangkad ito ng kaunti sa kaniya at halata rin sa itsura nito na may lahi. Kulay asul ang mga mata ni Alfred at napakalalim tignan.
Hindi mapigilan ni Dylan na magtaka kung ano ang relasyon na meron sila ni Zoe. Ngayon niya lang ito nakita kaya naman hindi niya mapigilang mapaisip.
"Hello, Tito Dylan!" bati ni Dykeil kay Dylan. Napatigil si Dylan sa kaniyang iniisip at napalingon sa bata. Nakita niya ang malalalim nitong dimple nang biglang ngumiti ang bata sa kaniya. Babatiin niya na sana pabalik ang bata nang nilingon nito si Alfred. "Daddy Fred, I want ice cream."
Tinuro ni Dykeil kay Alfred ang isang ice cream parlor. Napakamot naman sa ulo si Alfred dahil alam niyang may sitwasyon pa ang kaibigang dalaga ngayon. Hindi niya naman puwedeng hayaan lang si Zoe lalo na nang makita nito ang lalaking nanakit sa dalaga noon.
"Later, Dykeil, okay?" sagot ni Alfred.
"Please, Daddy Fred?" nakangusong sabi ni Dykeil at hinatak ang laylayan ng damit ni Alfred. Napailing naman si Zoe nang mapagtanto na sobrang spoiled ng kaniyang anak sa kaibigan.
"We will buy you an ice cream later, Dykeil. It's too early to eat a cold food," singit ni Zoe at wala nang nagawa ang bata kung hindi ang sumunod sa nanay nito.
Nang mapalingon si Zoe kay Dylan ay napansin nito ang pagtataka sa kaniyang mukha. Alam niyang unfair na hindi ipakilala si Dylan bilang ama nito, pero huwag muna ngayon. Hindi pa siya handa.
"Daddy?" mahinang tanong ni Dylan sa sarili, pero narinig 'yon ni Zoe. Hindi niya lang ito pinansin at mas mabuti na maisip ni Dylan na hindi siya ang ama ng kaniyang anak. Natatakot siya sa pangalawang taon na baka masaktan na naman siya. Ayaw niya nang magpakatanga sa pag-ibig at ayaw niyang madamay ang kaniyang anak dahil doon.
"Zoe!" Agad na napansin nila ang pagsigaw ng isang ginang. Kumakaway ito sa kanila habang papalapit. Napangiti si Zoe nang makita ang kaniyang nanay at sakto ang pagdating nito para mailipat ang topic sa iba.
"Mom," pagtawag ni Zoe at sinalubong ng yakap ang magulang pagkalapit nito. Pagkatapos magyakapan ay napatitig si Zoe sa kaniyang nanay dahil ang laki nang pinagbago nito. "Akala ko po ay busy kayo at hindi niyo kami masusundo?"
"Ganoon na nga, pero syempre mas gusto ko pa ring masundo kayo. Mabuti na nga lang at maaga natapos ang meeting namin," nakangiting sabi nito at napadapo ang tingin sa kaniyang apo. "Dykiel, is that you, apo?" nakangiting bati nito.
"Mama Lola!" masiglang tawag ni Dykiel at 'saka mabilis na lumapit sa kaniyang Lola.
Hinalikan naman ng ginang si Dykiel sa magkabilang pisngi. Natatawa naman si Dykiel nang gawin iyon ng kaniyang Lola. Nakikiliti kasi siya sa paraan nang paghalik nito.
"Napaka-cute naman talaga ng apo ko. How are you, baby?" tanong ng kaniyang Lola.
"I'm okay po! Mama Lola, I have a new tito." Nakangiti at sabik na sabi ni Dykiel. Mabilis naman niyang itinuro si Dylan na may pagtataka pa rin sa kaniyang mukha habang nagmamasid ito sa paligid. Mabilis na lumapit si Dylan sa mommy ni Zoe at 'saka ito binati.
"Hello po, Tita Abby. Mabuti at nakarating kayo ng maaga."
"Mabuti na nga lang talaga," sagot ng ginang. "Salamat nga pala sa pagsundo sa kanila."
Pero nabaling ang atensyon ni Abby nang makita ang lalaking katabi ni Zoe. Kilala niya ito dahil naipakilala na rin siya ni Zoe noong nagkaroon sila ng pag-uusap sa video call. Isa pa ay madalas ito ang bukambibig ni Dykiel sa tuwing makakausap niya ang apo.
"Alfred, you're here," masiglang bati ni Abby. Lumapit ito kay Alfred at 'saka nakipag-beso. Alam nito ang namamagitan sa kanilang dalawa ng anak at ni Alfred. Hindi na siya nangialam pa dahil gusto niyang magdesisyon ang anak sa kaniyang sarili.
"Yes, Tita Abby. Pinasama na po kasi ako ni Tito Jay kay Zoe sa Pilipinas. Isa pa ay gusto kong makasama ang dalawa," paliwanag ni Alfred at napatango naman ang ginang.
"Paano ang trabaho mo roon?"
"Nandoon naman po sina Kuya Clark at ang parents ko. I know that they can handle it," nakangiting ani ni Alfred.
"Ganoon ba? Sige na. Alam kong pagod at gutom na kayo kaya umuwi na tayo," nakangiting pagyayaya ng ginang. Tumango naman ang lahat at inasikaso na ang pagkuha ng ilang gamit na dala nila.
"Yehey!" malakas at sabik na sagot ni Dykiel. "We are going to Mama Lola's House! I'm so excited!" nakangiting sabi nito at lumapit sa kaniyang Lola at hinawakan ang kanang kamay.
Napailing na lang sina Zoe at Alfred sa kakulitan ni Dykiel. Masyado talagang hyper ang batang iyon. Samantalang pakiramdam naman ni Dylan ay naiiba ang mundong ginagalawan niya sa pamilya. Anim na taon siyang walang balita sa kaniyang kaibigan. Tapos makikita niya na lang na may dala na itong anak. Napatitig ito sa bata at bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Hindi niya matukoy kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya.
Sa loob ng anim na taon niya sa Pilipinas na wala si Zoe ay maraming nangyari. Natapos niya ang kolehiyo at siya na ang nagpapatakbo ng kumpanya nila. Magkasintahan pa rin silang dalawa ni Reighn. Magkasama na rin sila sa iisang bubong. Si Reighn naman ay isa ng ganap na nurse sa kilalang Hospital. Lahat ay nakukuha nilang pareho, pero maliban sa isa... ang magkaroon ng anak.
Sa anim na taon na pagmamahalan nila ay gusto nilang may mabuo, pero hindi nila alam kung bakit kahit ilang beses nilang gawin ang pagse-sex ay walang mabuong bata. Hanggang sa nagpa-check up sila at nalaman nila na hindi kayang magkaroon ng anak ni Reighn. Ito ay namana niya sa side ng father niya. Labis ang pagkalungkot ng dalawa at para bang nawalan sila ng gana sa isa't isa.
Alam ni Dylan sa kaniyang sarili na nag-iiba na ang nararamdaman niya kay Reighn. Ilang beses na ring nag-suggest si Reighn na mag-ampon, pero tumatanggi palagi si Dylan sa kaniyang desisyon. Ang gusto niya kasi ay kadugo ang bata. Minsan na ring naisip ni Dylan na mag-anak sa ibang babae, pero lagi na lang siyang umaatras sa tuwing kaharap na ang iba. Ang dahilan niya kasi ay baka biglang guluhin ang buhay niya kapag nakuha niya na ang bata.
Habang nakatingin si Dylan sa pamilya ni Zoe ay hindi niya mapigilang mainggit. Napaisip din siya na kung paano kung may nabuo noong unang nagtalik silang dalawa ni Zoe. Para mawala ang ganitong naiisip ay ginulo niya ang buhok at malalim na lang na huminga.