My Secret Romance/C12 Chapter 12
+ Add to Library
My Secret Romance/C12 Chapter 12
+ Add to Library

C12 Chapter 12

DALAWANG linggo na ang nakararaan simula nang dumating sina Zoe rito sa Pilipinas. Hindi alam ni Dylan sa kaniyang sarili kung bakit sa tuwing matatapos na ang kaniyang trabaho ay sabik na sabik siya pumunta sa bahay nina Zoe at makipaglaro kay Dykiel. Kahit ilang beses nang komprontahin ni Dylan si Zoe na sabihin ang lahat tungkol sa bata ay lagi na lang itong umiiwas o kaya iniiba ang topic.

"Dykiel!" tawag ni Dylan sa bata nang makapasok siya sa bahay nina Zoe. Mabilis namang napalingon si Dykiel at lumapit sa kaniya.

"Tito Dylan!" tawag din nito at nagpakarga sa kaniya nang makalapit na ito.

"I have a gift for you," nakangiting sambit ni Dylan. Ipinakita niya naman ang dalang pasalubong at ibinigay kay Dykiel. Mabilis namang binuksan ni Dykiel ang regalo na iyon at napangiti nang makita ang isang toy car.

"Wow! You're the best tito po. I love you!" nakangiting sagot nito at 'saka hinalikan si Dylan sa pisngi. Napangiti naman si Dylan sa itinuran ng bata. Feeling niya kasi ay para na rin niya itong anak.

Kahit naiinis si Zoe na laging nakikita at pumupunta si Dylan sa kanilang bahay ay hindi niya pa ring mapigilang ngumiti sa tuwing makikita niya sina Dylan at Dykiel na masaya.

"Luksong dugo," nakangiting bulong ni Zoe habang nakatingin sa dalawa mula sa malayo. Kahit anong pilit niya na itago si Dykiel kay Dylan ay darating din talaga ang panahon na ang tadhana na ang gagawa para magkalapit sila.

"Hindi mo ba talaga sasabihin ang totoo sa kaniya?" Napalingon siya nang isang tinig ang narinig niya mula sa kaniyang likod. Nakita niya si Alfred na nakitingin doon sa dalawa na ngayon ay naglalaro na.

"Ayoko muna," sagot ni Zoe. Pinagmasdan niya muli ang mag-ama at hindi niya mapigilang malungkot para sa anak.

"Hindi ka ba natatakot na matuklasan ni Dylan ang lahat? Hindi mo ba alam na may nararamdaman na rin 'yong tao tungkol sa pagkatao ng bata na 'yon," sabi ni Alfred. Napabuntong hininga naman si Zoe. "Hindi naman siguro ganoon katanga si Dylan para hindi mapansin na may pagkakahawig silang dalawa ni Dykeil."

"Bahala na," buntong hininga na sagot ni Zoe.

Napatitig siya sa dalawa at hindi niya maintindihan kung bakit simula noong makita niya si Dylan ay hindi pa rin tumitigil ang puso niya na mahalin ito. Lalo na nang makita na nagkakamabutihan na ang dalawa ay hindi niya mapigilang makonsensya.

Paano kung malaman talaga ni Dylan ang totoo? Tatanggapin pa kaya siya nito? O katulad ng dati ay iiwasan na naman siya nito at ipapamukha na kasalanan niya ang lahat?

Napailing naman si Zoe sa kaniyang naisip. Tama lang na ilihim niya muna ito dahil hindi pa siya handang masaktan muli.

Naalala niya na naman nang makita niya sina Reighn at Dylan na magkasama habang namimili noong isang linggo. Kasama niya si Dykiel at Alfred, pero ang paningin niya ay nasa dalawa. Nasasaktan pa rin siya sa tuwing makikita ang mga ito. Hindi niya akalaing magkasama pa rin ang dalawa hanggang ngayon.

Ano nga ba ang laban niya sa babaeng 'yon? Isa lang naman siyang kaibigan ni Dylan na naka-one night stand at 'saka iniwan na lang sa ere. Hindi niya matumbasan ang babae na 'yon, na ngayon ay ginawang mundo na ni Dylan.

Minsan ay nararamdaman niya na parang gusto niyang bawiin ang lahat ng kaniya. Kung sabagay siya naman talaga ang unang minahal ni Dylan. Nabaling lang ang atensyon niya nang dumating ang babae na 'yon.

Pagkatapos ng araw na 'yon ay lagi niya nang ini-stalk si Dylan na parang teenager lang. Nasasaktan siya sa tuwing makikita na magkasama sina Reighn, pero nanaig pa rin ang kagustuhan niya na makuha ang pagmamay-ari niya noong una pa lang.

Ngayon ay hindi na siya susuko dahil alam niyang may karapatan na siya para agawin si Dylan kay Reighn. Dahil nalaman niya na hindi pa kasal ito at wala pa ring anak ang dalawa.

Sa kabilang banda ay labis na inggit ang naramdaman ni Dylan sa tuwing makikita niya sina Zoe at Alfred kasama si Dykiel na masaya. Gusto niya ring magkaroon ng masayang pamilya, pero hindi niya alam kung paano. Masaya siya sa tuwing kasama si Reighn, pero mas masaya siya sa tuwing kasama sina Zoe at Dykiel.

Isang araw sa labis na inggit ni Dylan ay hindi niya napigilang hablutin si Zoe sa braso at ipinasok sa kuwarto ng babae at 'saka ni-lock ang pinto. Mabuti na lang at naglalaro si Dykiel sa labas kasama si Alfred kaya hindi nito napansin ang pagpasok ng dalawa sa loob. Labis naman ang pagkagulat ni Zoe, pero sa kalaunan ay napangisi rin ito sa kaniyang isipan.

"What do you want?!" kunyaring naiinis na tanong ni Zoe.

"Listen, Zoe, dahil once ko lang 'tong sasabihin kaya sana makinig ka," kinakabahang tugon ni Dylan. Nagdadalawang isip pa rin ang binata kung sasabihin ba niya o hindi, pero bahala na.

"Spill it."

"Alam kong alam mong hindi kami magkaroon ni Reighn ng anak." Kunyaring nagulat naman si Zoe sa kaniyang nalaman. Napailing naman si Dylan sa naging reaksyon ni Zoe. "Magagalit ka ba kung gusto kong makipag-deal sa'yo?" tanong ni Dylan.

Nagkibit balikat naman si Zoe. "Deal? Kung ano man 'yang iniisip mo ay wala akong pakialam. Labas ako kung ano man ang meron sa inyo at hindi mo na dapat ako dinadamay pa."

"Pero ikaw na lang ang tanging paraan ko." Napaisip si Zoe kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ni Dylan sa kaniya. Ano bang meron at hindi siya kayang lubayan ng lalaki?

"Zoe, please, tulungan mo ako." Nang makita ang mga mata ni Dylan ay hindi mapigilan ng dalaga na maawa rito. "Kaibigan naman kita, hindi ba?"

Napasinghal siya at napaiwas ng tingin. Ganoon lang ba talaga ang tingin niya sa kaniya? Hanggang kaibigan lang ba talaga ang meron sila? Paano nagagawa ni Dylan ang humingi ng tulong pagkatapos ng nangyari sa kanila? Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makalimutan ang pag-iwan nito sa kaniya pagkatapos ng gabi na nangyari 'yon.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ni Zoe kahit wala pa sa loob niya kung papayag ba ito.

Napabuntong hininga si Dylan na ikinalingon ni Zoe. Nang magtama ang mga mata nila sa isa't isa ay nagsimula nang magsalita si Dylan. "Bigyan mo ako ng anak."

"Nababaliw ka na ba?!" gulat na sambit ni Zoe sa lalaki.

Buong akala niya kasi ay makikipag-hiwalay na si Dylan kay Reighn, hindi niya naman akalain na ganito ang hihilingin ng lalaki sa kaniya. Biglang pumasok sa isip niya 'yong one night stand na nangyari sa kanila ni Dylan. Isang gabi ng pagkakamali ang lahat para kay Dylan, pero para kay Zoe ay ang gabing 'yon ang pinakamasayang nangyari sa buhay niya dahil hindi mabubuo ang isang Dykiel kung hindi nangyari 'yon.

Bakit parang ang bilis lang sabihin ni Dylan ang bagay na 'yon? Para bang nag-init ang ulo ni Zoe sa kaniyang narinig at isang malakas na sampal ang binigay niya sa binata.

"Paano mo nasasabi ang bagay na 'yon? Hindi ako aso na pagkatapos kong manganak ay ipamimigay 'yong anak ko. Tao ako, Dylan! Hindi mo alam ang dinanas ko noong--" Napatigil siya nang muntikan niya nang masambit ang bagay na 'yon.

Sa sobrang nadala ito sa sinabi ni Dylan ay masasabi niya pa ang sekreto.

"Please, Zoe, hindi ko na kaya. Tulungan mo ako." Napatulala siya nang makita ang patak ng luha ni Dylan hanggang sa sunod-sunod na ang pagtulo nito. Hindi niya akalaing makikita niya na naman muling umiyak si Dylan. Nabiyak pa lalo ang puso niya nang lumuhod ito sa harapan niya.

"Nagmamakaawa ako sa iyo, Zoe. Bigyan mo lang ako ng sariling anak," pagmamakaawa nito. Tinignan lamang ni Zoe ang binata.

Iniisip nito kung paano kung sinabi niya na may anak na pala siya? Titigil na ba ito sa kaniyang paghiling? Pero ayaw niyang sabihin 'yon. Gusto niyang matuto si Dylan na mali 'yong babaeng pinili niya. Mali 'yong ginawa niyang pag-iwas noong araw na may nangyari sa kanila.

"Maawa ka sa akin, Zoe. Gagawin ko ang lahat." Natigilan si Zoe sa narinig at biglang nagbago ang pinakita nitong emosyon. Hindi niya pinakita sa binata na mahina at wala itong laban.

"Gagawin mo ang lahat?" paniniguradong tanong ni Zoe.

"Lahat," tugon ni Dylan at muli na namang nagmakaawa.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height