My Secret Romance/C20 Chapter 20
+ Add to Library
My Secret Romance/C20 Chapter 20
+ Add to Library

C20 Chapter 20

WALANG ibang ginawa si Dylan kung hindi ang tumahimik. Parang sasabog na ang ulo niya dahil kung ano-ano na pumapasok sa isip niya. Ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya ay hindi niya man lang naprotektahan.

Alam ni Dylan sa sarili kung gaano kaimportante si Zoe sa kaniya noon pa lang. Sobra ang pasasalamat niya sa dalaga dahil kahit paano ay naging makabuluhan naman ang buhay niyo, pero hindi niya man lang nagawang suklian ang dalaga kung hindi puro sakit lang.

Hindi niya mapigilang tanungin ang sarili kung anong klaseng kaibigan ba siya? Malaki ang nagawa niyang kasalanan sa dalaga at alam niyang nadagdagan niya pa ang kasalanan na 'yon simula noong nagkaroon sila ng kasunduan.

Gustong sumigaw ni Dylan. Gusto niyang ibuhos lahat ng sakit sa dibdib niya. Alam niya sa sarili na napakalaki niyang gago sa buhay ni Zoe.

Tinignan ni Dylan ang ginang sa tabi nito na tahimik ang na umiiyak. Muli niyang inilibot ang tingin sa paligid at kanina niya pa pinagtataka kung bakit wala si Alfred dito. Imposible namang kasama ito ni Zoe dahil wala naman siyang nakitang text mula sa cellphone ng ginang na kanina niyang tinignan.

"Tita, p-puwede po bang mahiram 'yong phone mo?" nagbabakasaling tanong ni Dylan. Hindi naman nagdalawang isip si Abby na ibigay ito sa binata.

Nang makuha ito ni Dylan ay agad niyang hinanap ang number ni Alfred sa contacts ng cellphone ni Abby. Kanina niya pa minumura ang lalaki sa isipan at kanina niya pa tinatanong ang sarili kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam ang lalaki sa pamilya.

"Why the fuck you didn't answer the phone?!" inis na tanong ni Dylan nang makita ang number ni Alfred at paulit-ulit na tinawagan.

Tumayo si Dylan at lumayo kay Abby para hindi marinig ang pagmumura nito. Kanina niya pa dinudutdot ang cellphone at kahit anong gawin niyang paraan ay alam niyang hindi niya makakausap ang lalaki na 'yon.

Naghahalo-halo na ang mga nararamdaman ni Dylan. Kung kailan kailangan kasi ang lalaki ay ito naman 'yong oras na hindi ito magpapakita. Magaling lang talaga ito maging panggulo sa buhay niya. Hindi niya mapigilan ang sarili kung hindi ang sabihan si Alfred na isang napakairesponsableng ama.

"Gago talagang kumag na 'yon. Pinapabayaan ang mag-ina niya!" inis na bulong ni Dylan sa sarili. "Kung ako kay Zoe ay hindi niya na sana tinanggap pa ang lalaking 'yon."

Nang muling tatawagan ni Dylan ang number ng lalaki ay napalingon ito sa may pintuan nang bumukas ang pinto. Napakunot ang noo niya nang makita si Alfred na pagod na pagod. Nabalutan na rin ng dugo ang puti nitong damit.

"Tita, si Zoe," bungad nitong sabi at hinahabol ang kaniyang paghinga. Napalingon naman sa kaniya ang ginang.

Hindi matukoy ni Dylan kung bakit kusa na lang gumalaw ang katawan niya at sinugod si Alfred nang marinig ang pangalan ng dalaga. Hinawakan niya ito sa kuwelyo at tinitigan ang mga mata, Hindi naman nagpakita ng takot ang lalaki kay Dylan.

"Nasaan si Zoe? Anong ginawa mo sa kaniya?!" tanong ni Dylan at nagpupuyos na sa galit. Matagal na may hidwaan sa dalawang ito kaya naman mas lalong kumukulo ang dugo ni Dylan sa tuwing maiisip na may kasalanan ang lalaki sa kapabayaan nito sa mag-ina.

Sa halip na sagutin siya ni Alfred ay tinanggal lamang nito ang pagkakahawak ni Dylan sa kaniya at tinulak ito palayo. Mabilis na lumapit ang lalaki kay Abby at nag-aalalang tinanong ang kalagayan nito. Ngunit hindi siya sinagot ng ginang at inaalala lamang ang anak.

"Nasaan ang anak ko, Alfred?" patuloy ang pagluha nito habang tinatanong ang binata. Kinalma muna ni Alfred ang sarili bago sinagot ang ginang.

"Tita, nasa emergency room na po si Zoe," sagot ni Alfred. Inalalayan naman agad ng binata ang ginang nang muntikan itong matumba.

Samantalang nang marinig ni Dylan ang balita na 'yon ay unti-unting gumalaw ang mga paa niya palabas ng silid. Halos takbuhin na ni Dylan ang pasilyo papunta sa emergency room. Wala na siyang pakialam kung may mabubunggo at madapa-dapa ito sa pagtakbo. Ang mahalaga ay makita niya na agad ang kaibigan niya.

Hinawi ni Dylan ang bawat kurtinang madadaanan niya sa emergency room. Nakita niya sa mga mata ng doctor at nurses ang pagtataka dahil sa kaniyang ginagawa. Alam niyang malaking kaguluhan 'yon para sa patakaran ng hospital, pero wala na siyang pakialam pa.

Agad na napahinto si Dylan nang makarating sa may gitna at makita ang pamilyar na tao habang pinagkakaguluhan ng doctor at ilang mga nurse. Napahawak si Dylan sa kama na malapit sa kaniya nang maramdaman ang panghihina.

"Z-Zoe," mahinang tawag nito. Kahit na alam niyang hindi siya maririnig ng dalaga ay nagbabakasali pa rin ito.

Nanlambot ang kaniyang mga tuhod noong mas lumapit pa siya at makita ang kalagayan ng dalaga. Halos maging kulay pula ang puting unan na hinihigaan niya dahil sa patuloy na paglabas ng dugo mula sa kaniyang ulo. May mga sugat din na makikita sa braso nito. Napansin din ni Dylan ang parte ng salamin na nakabaon sa gilid ng tiyan ni Zoe.

"Sir, hindi po kayo puwede rito," pag-awat sa kaniya ng lalaking nurse nang mapansin ang pagiging tulala ni Dylan habang nakatingin sa dalaga.

"No," may diing sabi ni Dylan. "Let me go. Kailangan ako ng kaibigan ko."

"Sir, hindi po talaga puwede."

"Kailangan nating mapigilan ang pagdudugo ng pasyente. Dalhin niyo siya sa operating room," rinig ni Dylan sa utos ng isang doctor.

"Anong nangyayari?" patuloy na tanong ni Dylan at paghahanap ng kasagutan. Sinundan niya ng tingin nang itulak ng mga nurse ang kama na hinihigaan ni Zoe papasok sa isang room. "Saan niyo siya dadalhin? Zoe, no! Please."

Lumapit naman sa kaniya ang doctor na nag-aasikaso sa dalaga. Inutusan nito ang lalaking nurse na bitawan si Dylan at hayaan.

"Doc, anong nangyari sa kaibigan ko?" kinakabahang tanong ni Dylan.

"Sir, kailangan niyo po munang kumalma. Kailangan po namin kaagad operahan ang kaibigan mo dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya. Kung hindi po namin gagawin 'yon ay baka tuluyan na pong mawala siya sa iyo," paliwanag ng doctor. Napapailing si Dylan sa posibleng mangyari. Ayaw niyang mawala si Zoe.

"G-Gawin nyo po ang lahat ng makakaya niyo. Parang away niyo. Iligtas niyo po si Zoe. Iligtas niyo po ang kaibigan ko," patuloy na pagsusumamo ni Dylan. Tinanguan naman siya ng doctor at saka ti-nap ang balikat nito. Sinundan ni Dylan ang dalawa habang papasok sa room kung saan dinala si Zoe.

Napatingin si Dylan sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ni Abby na patuloy na tinatawag ang kaniyang anak. Pinilit ni Dylan maging malakas para malapitan ang ginang.

"Tita," naluluhang tawag ni Dylan. May mga lumapit na rin na mga nurse para pakalmahin ang ginang.

"Nasaan ang anak ko?" paghahanap ni Abby.

"Tita, inooperahan na po nila si Zoe," mahinahong paliwanag ng binata.

"Diyos ko. Zoe, anak ko," paghagulgol ni Abby. Hindi na napigilan ni Dylan na yakapin ang ginang. Tumulo na rin ang mga luha ni Dylan sa kaniyang mga pisngi. Hindi niya na kaya pang itago ang sakit na nararamdaman.

"Huwag po kayong mag-alala. Alam kong malakas si Zoe. Lalaban po siya."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height