My Secret Romance/C22 Chapter 22
+ Add to Library
My Secret Romance/C22 Chapter 22
+ Add to Library

C22 Chapter 22

KASALUKUYANG nasa intensive care unit si Dylan kung saan nakahiga si Zoe. Nakasuot ang binata ng hospital clothing at facemask. Kanina pa siya nasa loob ng silid at kanina pa niya hindi inaalis ang tingin sa dalaga. Kitang-kita ng binata ang mga galos sa katawan ni Zoe at ang nakabalot na benda sa ulo nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang dalaga matapos ang kaniyang operasyon. Hindi rin sigurado si Dylan kung magigising pa ba ito lalo na nang mabalitaan ang detalyadoong aksidente sa kaibigan.

Samantalang sina Abby at Alfred naman ay naiwang nakabantay kay Dykeil sa silid nito dahil isa lang ang pinapayagang pumasok sa intensive care unit. Alam ni Dylan kung ano ang hirap na pinagdadaanan ni Abby kaya naman nag-offer itong magbantay kay Zoe.

Tinitigan ni Dylan ang mukha ni Zoe at nakaramdam ito agad ng awa sa kaniya. Simula noong dumating ang dalaga rito sa Pilipinas ay alam ni Dylan na iba na ang Zoe na nakilala niya. Hindi na ito 'yong dating Zoe na sobrang kulit at nakabunton sa kaniya. Alam niyang nagbago si Zoe dahil sa kaniya kaya noong nakita niyang masaya ang dalaga sa bagong pamilya ay hindi niya mapigilang mainggit.

Matagal nang pinapangarap ni Dylan na magkaroon ng sariling pamilya. Kaya naman sinubukan niya si Zoe at akala niya magagawa niya ang lahat... na mababawi niya ulit ang lahat. Hindi alam ni Dylan na ang dami na pala nitong nadadamay at pati 'yong mga inosenteng tao ay naiipit dahil sa pagiging makasarili niya. Ngayon ay nagsisisi na ito kung bakit niya nilapitan muli si Zoe. Tama nga ang sinabi sa kaniya ni Alfred.

"I'm sorry, Zoe," mahinang bulong ni Dylan. Lumapit ang binata para abutin ang kanang kamay ni Zoe at mahigpit itong hinawakan. "Sorry dahil sa mga kagustuhan ko ay nagulo ko na naman ang buhay mo. Ang dami kong kasalanan sa iyo, pero palagi mo pa rin akong pinapatawad. Hindi ko na deserve ang pagpapatawad mo, Zoe. I don't deserve someone like you."

Napatigil si Dylan sa pagsasalita at muling nag-flashback sa kaniya ang mga sinabi ni Alfred. Masaki tang narinig niya, pero alam ni Dylan that truth hurts. At tama lang ang mga sinabi ni Alfred sa kaniya.

"Tama si Alfred. Masaya ka na at ayoko namang kunin ang kasiyahan na 'yon sa iyo. Ayon na lang siguro ang tanging mabibigay ko sa iyo."

Bago tuluyang iwan ni Dylan si Zoe at dinampian niya muna ito ng halik sa noo. Nakalabas na siya sa intensive care unit nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang phone. Mabilis niya naman itong kinuha at nakita niya ang mukha ni Reighn sa screen. Huminga muna nang malalim ang binata bago nito sagutin ang tawag.

"Babe," pagtawag na bati ni Reighn, "pauwi ka na ba?"

Sa huling beses ay tinignan muli ni Dylan si Zoe bago naglakad palayo at lisanin ang lugar na 'yon. Alam niyang mali ang iwan ang dalaga, pero ito lang ang tanging paraan niya lalo na at masasaktan niya lang si Zoe kapag alam niyang malapit siya rito.

"Babe?" tawag muli ni Reighn. Napabalik naman ang diwa ni Dylan.

"Hindi pa. May binago kasing plano," pagsisinungaling ng binata. Ginawa niya pang excuse ang trabaho para lang may masabi sa kasintahan. Alam niyang napakalaki niyang gago dahil sa nangyayari ngayon.

Ang alam ni Reighn at nagbakasyon si Dylan para sundan ang isang kliyente nito at suyuin na mag-invest sa kumpanya kung saan siya nagtatrabaho. Hindi kasi inakala ni Dylan na masusugod pala sa hospital sina Dykeil at Zoe kaya niya ito nagawa.

"Ganoon ba?" Naramdaman ni Dylan ang lungkot sa boses ni Reighn nang sabihin 'yon. Wala siyang magawa kung hindi ang patuloy na magsinungaling sa kinakasama.

"Oo. Pasensya ka na."

"Okay lang," mabilis na sagot ni Reighn, "kailan ang uwi mo niyan?"

Naglakad si Dylan paunahan hanggang sa makarating ito sa indoor balcony ng hospital--- kung saan wala masyadong taong dumaraan. Tama lang din 'yon para makapag-solo ito at makapag-isip.

"Kailangan ko pang mag-stay ng tatlong araw," patuloy na pagsisinungaling ni Dylan. Hindi pa handang sabihin ni Dylan ang tungkol kay Zoe. Ayaw niya lang mag-alala pa ang dalaga at baka makasama pa ito sa bata na dinadala ni Reighn.

"Sabihin ko na lang kay mommy na puntahan ka sa bahay at para may makasama ka," wika ni Dylan. Ilang segundo pang tahimik si Reighn bago sumagot.

"Hindi na. Okay lang ako. Nakalimutan mo yatang nurse ako," pagpapaliwanag ni Reighn para lang mapagaan ang loob ng kinakasama. Tumango naman si Dylan kahit na alam niyang hindi naman siya nakikita ng kausap.

"Oo nga pala," pagsang-ayon ng binata.

"Pupunta na lang muna ako kina Hayden. Wala naman siyang pasok ng weekend. Makikigu---"

"No," pagpigil ni Dylan nang marinig ang pangalan na tinutukoy ni Reighn.

Simula noong ginanap ang birthday ni Hayden kasama si Zoe ay hindi na sanay ang binata na humingi ng tulong sa kaniya. Alam niyang simple lang ang naging sagutan nila noon nina Hayden, pero isa rin 'yon sa dahilan na iniisip ni Dylan kung bakit umalis si Zoe at iniwan silang lahat ng walang paalam.

"Why?" tanong ni Reighn. Hindi agad makasagot si Dylan. Hindi niya na dapat ito iniisip sa ganitong kalagayan.

Mabilis na napailing si Dylan. Alam niya na hindi alam ni Reighn ang kaniyang dahilan kung bakit napalayo ang loob niya sa kapatid ng dalaga at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang planong ipaalam ito. Simula kasi ng nangyari na 'yon ay hindi na magkaayos sina Dylan at Hayden.

"May nagtapon kasi ng basura sa unahan." Napailing na lamang si Dylan sa sinabing dahilan. Wala na rin siyang maisip at maraming tumatakbo sa utak niya.

"Ganoon ba?" Halata sa boses ni Reighn na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng kasintahan, pero pinagtuloy niya na lamang ang sinasabi. "Anyway, doon na lang muna ako pupunta, ah? Tutal wala ka pa naman at wala rin naman akong makasama rito."

"Sige, b-babe. Mag-ingat ka roon. Magsabi ka na l---" Natigilan si Dylan sa pagsasalita nang makarinig na hindi pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ni Reighn sa kabilang linya. "May kasama k aba ngayon? Sino 'yon?"

"Ahh, k-kaibigan ko," mabilis na sagot ni Reighn. "Nakasalubong ko kasi siya kanina."

"Okay. Basta sabihin mo sa a---" Hindi na naman ulit natapos ang sasabihin ni Dylan nang putulin naman siya ni Reighn.

"Babe, baba ka na muna, ah? May gagawin lang ako," paalam ng dalaga. Hindi na agad nakapagsalita si Dylan nang putulin na ni Reighn ang tawag.

Napatagilid ang ulo ni Dylan at iniisip kung sino ang lalaking kaibigan na sinasabi ni Reighn kanina. Sa pagkakatanda niya ay wala namang sinabi si Reighn tungkol sa tao na 'yon. Halos naikuwento na ni Reighn ang buhay niya kay Dylan at alam niyang hindi rin mahilig ang dalaga makipagkaibigan sa ibang lalaki. Bukod tanging siya at ang kapatid lang nito na si Hayden ang madalas nitong kausap.

"Baka bagong kakilala niya," bulong ni Dylan sa sarili. Napatango ito sa naisip at pinapagaan ang sarili. Pagkatapos ng tawag na 'yon ay inilagay niya pabalik ang cellphone sa kaniyang bulsa at 'saka naglakad patungo sa room ni Dykeil. Gusto niyang makita ang kalagayan ng bata bago ito umalis.

Nakasalubong ni Dylan ang doctor ng bata papasok sa room. Naabutan ni Dylan na buhat ni Alfred si Dykeil sa bising nito habang natutulog. May dextrose pa rin na nakakabit sa kamay ni Dykeil. Ang mama naman ni Zoe ay busy sa pag-aayos ng mga prutas sa lamesa. Halatang nakapagpahinga na rin ang ginang dahil maayos na ang itsura nito kaysa kanina.

Parehas na napatingin sina Abby at Alfred kina Dylan at sa doctor nang magkasunod itong pumasok sa loob. Agad namang napatigil si Abby sa kaniyang ginagawa at lumapit sa doctor.

"Doc, kumusta po?" pagbati ni Abby. Sinulyapan niya saglit ang apo bago ibalik ang tingin sa taong kaharap.

"Ano pong resulta ng pag-examine niyo kay Dykeil?" tanong naman ni Alfred. Nanatiling tahimik naman si Dylan at nagmamasid.

"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan po ng agarang pagsalin ng dugo para kay Dykeil," agad na paliwanag nito. Nagkatinginan naman sina Abby at Alfred at halata sa mga mukha nila na pareho silang kinakabahan.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ni Abby. Pinagdaop nito ang dalawang palad at nagsisimula nang manalangin na sana hindi ganoon kalala ang nangyari sa kaniyang apo.

"Iyong convulsion ni Dykeil ay sanhi lamang ng mataas na lagnat Kailangan niya rin ipagpatuloy inumin ang mga gamut na irereseta ko sa kaniya. Bukod po roon ay nakita ko rin po na low blood ang bata. Kung hindi po maaagapan ay posibleng mangyari sa kaniyang ulit ang pag-seizure."

"Diyos ko po. Iligtas niyo ang apo ko," panalangin na sabi ni Abby nang marinig ang sinabi ng doctor. Samantalang nanlamig ang mga kamay ni Dylan nang malaman ang resulta. Tinignan niya si Dykeil na mahimbing na natutulog. Hindi niya maisip na nasa ganoong edad pa lamang ay naranasan na kaagad ng bata ang hirap.

"Doc, gawin mo po lahat para manumbalik ulit ang lakas ng apo ko." Inabot naman ni Abby ang kamay ng doctor at nagmamakaawa, pero nabitawan din agad ito ni Abby nang mapansin ang reaksyon ng doctor na para bang naiipit at hindi masabi ang totoo.

"May problema pa po ba?" agad na tanong ng ginang.

"Na-test namin ang blood type ni Dykeil kanina at nalaman po namin na AB negative ito," mahinang wika ng doctor.

"What do you mean, doc?" Alfred's asked. "Marami naman siguro kayong dugo rito. Kung hindi ay magbabayad kami kahit gaano pa kalaki 'yan."

"Unfortunately ay hindi po available ang blood ni Dykeil na mayroon kami rito sa hospital. AB negative is considered to be the rarest blood type at mahirap pong makahanap ng compatible na blood para kay Dykeil. Unless may kakilala po kayong parehas ng blood type niya," paliwanag ng doctor. Kitang-kita ang takot sa mga mata ni Abby nang malaman 'yon. Alam niyang wala ng chance para gumaling pa ang kaniyang apo. Nawawalan na siya ng pag-asa ngayon pa lang.

"Tita," tawag ni Dylan nang mapaatras si Abby at mapaupo sa couch dahil sa panghihina. Gusto niyang lapitan ang ginang, pero hindi niya magawa.

"Meron po bang blood related sa inyo ng patient?" tanong ng doctor at nagbabakasakali.

Agad na umiling si Abby at sumagot.

"O positive ako," mahinang wika ni Abby. Napatingin ang doctor kay Alfred, pero umiling din ang binata bilang sagot.

"O negative po ako, doc."

"How about the mother of the child?" tanong ng doctor.

"A positive si Zoe at hindi siya puwede dahil unconscious pa ito," mabilis na sagot ni Alfred. Napabuntong hininga si Dylan at humakbang ng isang beses palapit. Alam niyang siya lang ang tanging makakasagot ng lahat, pero may bumabagabag sa kaniyang pag-iisip. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagkabigla niya sa nalaman.

"Parehas po kami ng blood type ni Dykeil. I'm AB negative." Napatingin ang lahat nang sabihin 'yon ni Dylan. Biglang bumuhos ang luha ng ginang nang magkasalubong ang tingin nila nina Dylan.

Hindi alam ni Dylan kung swerte ba na magkaparehas sila ng blood type ni Dykeil o sadyang tumutugma ang hinala niya kung ano ang tamang relasyon niya sa bata. Ngunit hindi niya na dapat isipin niyo, mas nagpapasalamat lang siya na ganito ang nalaman.

"That's good," sagot ng doctor. Mabilis namang humarap si Dylan sa doctor para malaman pa kung ano ang mga dapat gawin. "Ipapasundo kita sa nurse mamaya para ihatid ka sa isang kuwarto."

"Salamat, doc," sagot ni Dylan. Ngumiti rin pabalik ang doctor sa kaniya at mabilis na nagpaalam. Hinarap naman ni Dylan ang dalawa para pagaanin ang mga loob nito.

"Gagawin ko ang lahat para kay Dykeil." Mabilis na lumapit si Abby kay Dylan at niyakap. Patuloy ang pagpapasalamat nito sa binata. Hindi naman na nakasagot si Dylan at tumugon lang din sa yakap.

Mabilis na lumipas ang minuto at may pumunta na dalawang nurse para sunduin sina Dykeil at Dylan para ipahatid sa kuwarto kung saan gaganapin ang procedure para sa kanilang dalawa. Parehas na inihiga ang dalawa sa magkabilang kama at may mga equipments na rin nakahanda roon.

Ilang minute pa ay nagsimula na rin sila sa blood tranfusions. Sa oras na nakalipas ay nakatingin lamang si Dylan sa mukha ni Dykeil habang mahimbing na natutulog. Sa isip ni Dylan ay para bang nakatingin siya mini version ni Zoe. Kanina pa may tumatakbo sa isip niya at hanggang ngayon ay nandoon pa rin, pero hindi niya ito sigurado kaya naman hinayaan niya na lang ito.

Nang matapos ay pinaalalahanan ng doctor si Dylan sa mga dapat niyang gawin. Samantalang pinaiwan naman si Dykeil sa room para i-examine pa ang dugo nito sa kaniyang katawan. Sa halip na bumalik sa room ay dumiretso si Dylan sa ICU kung nasaan si Zoe. Gusto nyang ikuwento sa dalaga ang mga nangyari kanina hanggang sa pagsalin niya ng kaniyang dugo sa bata. Nakangiti si Dylan na naglalakad habang pabalik-balik ang tingin sa daan at sa braso nito na may bandage.

Ngunit nawala ang mga ngiti nito nang maabutan niyang nasa loob si Alfred habang hawak ang kamay ni Zoe. Gusto niyang magalit at mainis. Gusto niyang pumasok doon at hilahin palayo si Zoe kay Alfred, pero anong karapatan niya?

Aalis na sana si Dylan nang mapansin niya ang paggalaw ng daliri ni Zoe na hawak ni Alfred. Hanggang sa makita nito ang unti-unting pagdilat ng dalaga.

"Zoe," mahinang tawag ni Dylan.

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height