+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Fun

"Hey, what's wrong? Bakit nakalukot 'yang mukha mo?"

Imbis na sagutin ko siya ay tinapon ko sa mesa ang naka lukot na papel. Paglabas ko ng dean's office ay agad ko iyong nilukot dahil sa inis.

"Failed? You failed your exam?"

I rolled my eyes. "Hindi ba halata Toci?"

"Chill babe, I'm just asking. Bakit ka ba namomroblema? Hindi bakit si Sir Tamor ang teacher mo dito? Hindi ba nauuto mo naman ang matandang manyak na 'yon?"

"Ayun na nga ang problema. Hindi na siya ang teacher namin si Ms. Satan na!"

"Really? Hindi ko ata alam 'yan."

"Paano mo naman malalaman kung sa tuwing magkasama tayo ay labi lang natin ang naguusap."

Napangisi si Toci.

"Why? Kissing is way better than talking, Celiza."

Bumaba ang tingin nito sa labi ko.

"And this conversation is boring me." He leaned forward.

"Pwede ba toci? Tigilan mo muna ako. Stress ako ngayon dahil sa exam na yan. Alam mo bang binantaan ako ni Ms. Satan na pag hindi ko naipasa ang quizzes at exams niya ibabagsak niya ako at hindi ako makaka graduate!" Bwiset talaga!

"And you believe her?"

"Duh?! Of course I believe that bitter teacher! Marami na siyang naibagsak dati na repeater ngayon!"

"Mabuti na lang at hindi namin teacher yang si Ms. Satan!"

"Nakakainis talaga ang bitter na teacher na 'yon! Sigurado akong pinepersonal niya ako. Malamang naiinggit siya dahil mas maganda ako sa kan'ya! Ang hirap talaga maging maganda!"

"Mahirap dahil hindi mo ginagamit sa tama ang kagandahan mo," makahulugang saad ni Toci.

Nangunot ang noo ko. "What do you mean?"

Nanatili ang titig ko sa nakangising si Toci. Abala ito sa practice nila ng basketball, kaya paano siya naging top sa klase nila? Sa pagkakaalam ko ay wala na itong oras para doon. Isa pa, dakilang tamad itong si Toci kaya paano siya maging top?

"Hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit mataas ang grado ko kahit wala naman akong amor sa pag aaral?"

"I did, kanina lang bago mo yan sabihin. So what's the secret? Mayroon ka bang cheat code or something else? Sinusuhulan mo ba ang mga teachers--"

"Ganyan ba ka baba ang tingin mo sakin, Celiza?"

I rolled my eyes. "Don't make me laugh, Toci. Alam nating dalawa na nagawa mo na yan at siguradong hindi lang dalawa ang nilabag mong school rules."

"You know me well babe," aniya saka nilapatan ng halik ang gilid ng labi ko.

"Stop fooling around, Toci. Tell me how can I pass my exams? I don't need to be in the rank. Gusto ko lang makapasa para manahimik na 'yang si Ms. Satanas!"

Lumakas ang tawa ng mga kaibigan nito.

"Kaya pinag iinitan ni Ms. Satan e!" saad ni Hero.

"Totoo namang asawa siya ni satanas dahil masama talaga siya! Ilang pangarap na ba ang hinadlangan niya? Teachers are supposed to support they're students not pull them down. Hindi kagaya ng ginagawa niya. Nambabagsak!"

"Paano ka papasa kung lagi kayong magkasama ni Toci---"

"Will you shut up Hero? Wala ka namang naitutulong so zip your mouth."

"Hay naku!" aniya saka tumayo.

"Babe calm down." Toci massages my shoulders.

"Paano ako kakalma?! Babagsak ako Toci! Hindi ako makaka graduate!"

"Remember what I told you a while ago?"

"Marami kang sinabi kanina, alin doon?"

"Use your beauty."

"What?! Hindi mo ba ako maintindihan na hindi na si Sir Tamor ang teacher namin? Hindi na gagana ang simpleng ngiti at pagpapaganda ko! This time I can't use my pretty face. Ito ngang kagandahan ko ang rason kung bakit niya ako binagsak tapos gagamitin ko pa?"

Umiling si Toci. Marahan niyang hinawakan ang baba ko at ginaya sa kanang direksyon.

"Use your beauty on them."

Nangunot ang noo ko. Nakapila sa canteen ang ilang mga nerd.

"Why would I use my beauty on them? "

"Look at me, Celiza."

"Oh anong meron sa'yo?"

"I'm handsome right?"

"So?"

"Girls would do anything just to be noticed by me. Lalo na ang nga nerd na tulad nila. Isang ngiti ko lang, sasagutin na nila ang assignments ko."

Umawang ang bibig ko. Iyon pala ang dahilan kung bakit mataas ang mga grado niya! Dahil sa nga nerd na yon!

"See that girl over there?"

Dumapo ang tingin ko sa isang nerd.

"Alam kong mas maganda ako sa nerd na yan Toci. Is that what you're trying to say? Where's the connection between my grades and that nerd? I don't get it."

"She does my homework and projects."

"What?"

"She's the one who answers my exams and quizzes."

Bakit ba hindi ko 'yon napansin?

"Isang ngiti ka lang sa kan'ya gagawin niya na lahat ang gusto ko. Ganon niya ako ka gusto, Celiza. That's the power of beauty. Anyone will do anything you want just to please the most handsome guy in this school, Celiza. I'm sure they'll do the same thing to the most gorgeous and sexy girl in this school... Those nerds will do anything for you."

Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi bago umalis sa table namin. Sakto namang dumating na sila Bea at Ann. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi mawala sa isipan ko sinabi niya.

They'll be willing to do anything I want because I'm pretty and I already knew that but I don't want to do anything with those nerds.

"Bitch, kanina pa ata malalim 'yang iniisip mo? In fairness ha, nagiisip kana ngayon!"

I sighed.

"Wag ngayon Bea, problemado ako no."

"What's your problem ba? Financial? You know my wallet is always here for you if you need money."

"Nope, I don't need your money now. But I do have a question."

"Spill it out!"

"May kilala ka bang lalaking nerd?"

"Seriously, Celiza? Mukha bang kasama ako sa grupo ng matalinong kinulang sa fashion sense?"

"I'm just asking Bea." Baka may pinapagawaan ka rin ng assignment. Pero kung tutuusin hindi siya nag papagawa ng assignment dahil ang essay niya tig tatlong sentence lang ang meron sa introduction, body at conclusion.

"I don't know anyone alright."

I sighed. Ginala ko ang tingin sa paligid. Saan naman ako makakahanap ng nerd na handang mag sagot ng mga assignment ko?

Ayoko naman ng mema at kung sinong nerd lang. Baka isumbong pako kay Ms. Satan at tuluyang hindi makagraduate!

I need someone who's gullible enough to fool. Iyong madaling maakit ng mga ngiti ko... I need a virgin nerd.

Dumapo ang tingin ko sa lalaking dumaan sa gilid namin ni Bea na nag iwas agad ng tingin ng balingan ko.

"Bea."

"Oh bakit na naman?"

"Sino yun?" I mouthed his direction.

"Saan?"

"Oh si Magnus Morisson."

"Magnus..." His name sounds sexy but it's honestly the opposite.

I scanned him fully. He's wearing thick round glasses and his polo shirt is tucked in his baggy square pants. It doesn't look old but he is out of style.

"Oo Magnus nga,"

"Parang ngayon ko lang ata narinig ang pangalan niya."

"Dahil ngayon ka lang rin naman naging interesado sa mga nerds."

"Tell me more about him."

She rolled her eyes. "Break na ba kayo ni Toci? Are you planning to make him jealous with a nerd guy? You know that won't work rig--"

"No! Of course not! Dali na kasi Bea, sasabihin mo lang naman kung anong alam mo."

"Ugh! Fine. All I know is he is a STEM student."

"That's all?"

"I'm still thinking Celiza... Oh! And he is running for valedictorian."

"Great!"

"Huh?"

"Nothing, sige na mauna kana sa klase. Mag powder lang ako."

"You don't need to go the bathroom just to powder---"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil baka hindi ko na maabutan ang nerd na 'yon.

Sa kasamaang palad ay hindi ko talaga siya naabutan. Huminto ako sa tapat ng boys bathroom, luminga linga ako sa paligid pero hindi ko ito matagpuan.

Kung minamalas ka nga naman! Sa susunod na araw na ang exam, kailangan kong makapaghanda kung hindi, babagsak ako!

I sighed. Pinakalma ko muna ang tibok ng puso. Hinihingal ako dahil sa paghabol sa kan'ya! Hindi ko naman naabutan!

Mariin akong napapikit at huminga ng malalim. Don't be stress, Celiza. Hindi ako pwedeng ma haggard. Nangunot ang noo ko ng tumambad sa pagmulat ng mata ko ang isang test paper sa paahan.

Kinuha ko iyon, napangisi ako ng malaman kung kanino iyon.

Never talagang minalas ang mukhang ito.

Magaling siya... perfect niya ang exam. Binalingan ko ang bathroom ng boys. Luminga linga ako sa paligid bago pumasok.

Every cubicle has its own doors for privacy. There's no open cubicle, unlike other men's bathrooms. This one is not smelly, it actually has a masculine scent that is appealing on my nostrils.

"Ahhh..."

Nagsalubong ang kilay ko. Where did that moan came from?

"Ohhh..."

Dahan dahan akong naglakad patungo sa direksyon ng ungol na iyon.

"Oh my!" I screamed but it turned to laughter in the end.

Agad na tumalikod ang lalaki sa akin dahilan para hindi ko masulyapan ng maayos ang hawak niya sa pagitan ng hita.

Nag aalangan itong harapin ako. Nanginginig ang kamay niya ng ayusin ang salamin.

"H-hindi ka dapat a-andito Miss. M-men's room ito."

"And you shouldn't be doing that here." I smirked.

Bumaba ang tingin ko sa pantalon nitong bukas, sumisilip pa ang pula niyang boxers.

Red is all over his face. His body curled. I watched his Adam's apple move. His eyes are finding something to stare, in the end the floor has his attention.

Mukhang wala siyang balak magsalita kaya naman nilahad ko sa harap nito ang papel niya.

"S-salamat. H-hindi mo na kailangan pumasok dito para lang ibigay ito sa akin---"

"Hindi ako pumasok dito para lang ibigay yan sa'yo."

Napangiti ako ng lumaki ang mga mata niya.

"W-what do you need from me?"

"I want you to answer my assignments and quizzes."

Nangunot ang noo nito. Inayos niya ang sarili ay sinukbit ang bad sa balikat. Bago pa man siya makalabas ay hinarang ko na ang kamay.

I saw him glance on my chest. He swallowed.

"H-hindi ko gagawin ang gusto mong mangyari."

"Are you sure?" I asked and I leaned forward, giving him a view of my cleavage.

I saw his eyes widened but then he looked away.

"H-hindi."

"I doubt that..." I paused and leaned forward, "Listen, you will do everything I say, do you hear me?"

"I-am not your-puppet Miss."

"Of course you're not."

Bwiset naman ang nerd na ito! Ang hirap kumbinsihin! Isn't he attracted to me? Why can't I make him do what I want?

Well... Probably because he is smart.

Come on Celiza! Kailangan mong mag isip ng paraan kung hindi ay hindi ka makaka graduate!

"Well then..." I stepped back.

"I can't do anything If you don't want to help a gorgeous girl like me..." I paused, "I-I mean it's fine." I gave him the most bitter smile that I could give.

"I'm sorry for bothering you." I fake wiping my fake tears under my eyes.

I sighed and turned around.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa pintuan.

This is the slowest walk I did.

Oh come on Magnus! Tell me you'll help me!

"W-wait..." Finally!

"Yes?" Agad kong tinago ang ngiti sa labi at muling pinalungkot ang boses. "Y-yes?"

"I won't answer your e-exams but I... I will help you with y-your lessons."

I grinned. "Then I'll be your student."

This is gonna be fun.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height