C15 Pass
"Celiza? Sino 'yan?" Lumingon ako kay Mom na nasa labas ng pintuan. Sumilip na rin si Dad. Nakauwi na pala ito.
Binalingan ko naman si Magnus.
"Tara," I said, then grabbed his wrist.
Naglakad kami patungo kila mama at papa. "Kaibigan ko Mom, Dad, si Magnus," nakangiti kong sabi. Hindi nagsalita ang mga ito.
Nakita ko ang panimula ng pisngi ni Magnus. Pati sa mga magulang ko ay nahihiya