+ Add to Library
+ Add to Library

C2 Cheat

"Himala ito Ms.Carosca," nakangiting sabi sa akin ng Teacher kong pinahiya ako noong isang araw. Dahil daw hindi ko masagot ang tinatanong niya. Magturo kaya muna siya bago mag pa graded recitation at baka siguro masagot ko ang tanong niya.

Marami rin sa kaklase ko ang hindi nakasagot pero ako ang pinaginitan niya no'n.

Parang nung nakaraan lamang ay grabe kung maliitin niya ako, ngayon ngiting ngiti na siya sa akin.

Pano ba namang hindi siya ngingiti e na perfect ko lang naman ang long test na binigay niya kahapon dahil kay Magnus.

Thanks to him.

Kung hindi dahil sa kan'ya ay hindi ako papasa.

"The cha che chi cho chu ." Ang lumalabas na salita sa bibig ng professor ko ay nagiiba na pag umaabot sa tenga ko.

Siguro bored na ako, kanina pa siya explain ng explain sa kung anong nasa board namin.

Luminga linga ako at halos lahat rin ay bored na katulad ko ang iba nga ay natutulog pa, pag last subject talaga namin ay halos lahat tinatamad na at gusto nalamang umuwi, pero hindi ang lalaking nasa may gilid ko, tutok na tutok siya sa pakikinig sa professor.

This is my classmate, Jade.

Aral na aral ata ito ngayon? Sa pagkakaalam ko ay tamad din ito magaral katulad ko e.

Agaw pansin ang dumating na isang head sa aming classroom kaya naman natigilan ang lahat, pati ang mga natutulog kong kaklase ay nagising dahil na rin sa kalabit ng kanilang nasa gilid.

Nangunot ang noo ko ng mahagip ng mata ang nakatayo sa pintuan.

Kilay palang ay malalaman mo agad kung sino iyon, si Ms. Dimaawa.

Kahit common ang style nito sa damit at itsura niya ay mabilis mo siyang mapapansin dahil sa kilay nitong parang comma, bilugan ang unahan ay pakurba ang dulo, hindi pa nga ata blended iyon.

"Good afternoon, Ms. Dimaawa." Bati ng aming Teacher sa dumating na coordinator ng strand namin.

Hindi siya pinansin nito sa halip ay luminga linga ito sa buong klase na parang may hinahanap at ng magtama ang paningin namin ay nagsalita na ito.

"Ms. Carosca, we need you in the Guidance Office," sabi nito sa harap ng aking mga kaklase.

"Ohhhh!" Kantyaw pa ng aking mga kaklase.

I rolled my eyes at them before standing.

"Follow me," aniya.

Pag pasok ko ay sumalubong agad si Ms. Satan.

Bakit andito ang isang to?!

Mag papacouncil kung paano bumait o mag papacouncil sa akin kung paano gumanda?

"Good afternoon, Ms. Carosca."

I smiled to Mrs. Magtanggol. Kumpara sa mga teachers na andito, siya ata ang pinaka anghel sa kanila, halata naman siguro, pangalan palang ay kayang kaya ipaglaban.

Hindi siya kagandahan pero mabait naman, hindi niya pinag iinitan ang isang tao kung mas maganda sa kan'ya hindi katulad ni...

Tinapunan ko ng tingin ang direksyon ni Ms. Satan.

Wala akong nagawa kundi iiwas ang tingin kung hindi ay baka sunugin niya ako.

"Kahit paano, masaya kami na nakaperfect ka at bumalik kana sa pagiging masipag ulit ay nagtataka lamang kami kung bakit ambilis naman ata makapag review ng estudyanteng gaya mo sa mga past lessons na, kahapon lang din ang test," aniya ni Mrs. Magtanggol.

"I'm warning you Ms. Carosca. Did you cheat?"

"Did you? Hindi ka makaka graduate dahil diyan," ulit ni Ms. Dimaawa

Bago ko paman ipagtanggol ang sarili ay sumabat na si Ms. Satanas.

"Sigurado akong nandaya yan. Impossible naman na biglang tumalino ang batang iyan," mataray na sabi naman nung teacher ko na galit na galit sa akin.

"Hindi naniniwala si si Ms. Satan na mataas ang nakuha mo ng hindi ka nandaraya," saad ng Guidance Counselor na si Mrs. Magtanggol.

"Matalino ang batang yan, nagrerebelde nga lang... " sabat naman ng isang teacher ko.

"I know," pagsang-ayon ni Mrs. Magtanggol.

"Tsk." Ismid naman ni Ms. Satan.

Kala mo kung sinong maganda. Matandang dalaga lang kasi talaga siya kaya naiinis sa akin! Marami kasi akong boys! Siya wala.

"So as expected Ms. Carosca, kailangan mo ulit mag take ng mga exam this coming Thursday, kasama na rin doon ang ibang mga subject mo kaya naman mag review kang mabuti, Tuesday palang naman ngayon, may dalawang araw ka pa," nakangiting sabi ni Mrs. Magtanggol

"Isa," sabi ko naman.

Isang araw lang dahil ang isa ay half day.

"Wala po." Pekeng ngiti ko.

"Dito na mabe-base kung makakagraduate ka, kaya galingan mo na. Kasabay mong mag exam ang ibang mga bumagsak," saad nito.

"Pwede na ho bang lumabas?" Magalang kong tanong, tinanguan naman ako ni Ms. Magtanggol

"And one more thing Ms. Carosca, I want you to be responsible. Ayokong makita ulit kayo ni Mr. Alberson sa likod ng school, who know what you two are into. Tandaan mo na graduating kayo," aniya ni Ms. Dimaawa.

Kinuyom ko ang palad at pineke ang ngiti. Pagkalabas ay halos mawala na ang itim sa mata ko kakairap.

Bwiset naman!

Pinaghinalaan pa nga ako!

Kung ano ang surname nito ay siyang ugali niya! Walang awa! Kita mo na ngang ga-graduate hindi pa pagbigyan!

"Ano ba?!" sigaw ko ng may tumama sa aking braso, "Ang kapa kapal na nga niyang salamin mo pero bulag ka pa rin! Bwiset!" aniya ko sa babaeng mukhang kasapi ng nga nerd na kinulang sa fashion sense.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin at binilisan na ang pag lakad.

Panira ng araw!

Kailangan ko na namang makita ang nerd na iyon para magpaturo! Nasasayang ang oras ko para lang dito!

Huminto ako saglit at ginala ang tingin sa paligid.

Nasaan na ba ang nerd na iyon?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height