C35 Job
"Ms. Carosca, late kana. Pasalamat ka wala pa si Sir kung hindi wala ka nang trabaho ngayon," bungad ni Belinda sa akin sa labas ng opisina ni Magnus.
Nanatili lamang ang tingin ko sa sobre na hawak.
"Kalmado ka pa talaga? Naku Celiza. Hindi mo pa makitang magalit si Sir sa mga late---"
Nilapag ko sa desk ang sobre na puti. Kunot noo niyang tinitigan iyon.
"Pakibigay na lang ito kay Sir
