My Sex Student/C8 Friends
+ Add to Library
My Sex Student/C8 Friends
+ Add to Library

C8 Friends

"Celiza! Celiza!"

"Celiza wake up! Nasa baba si Aurora kaya gumising kana."

"I done want to Mom. Pagod pa ako."

"Wag mo rin akong pagurin Celiza. Gumising kana at bumati ka kay Aurora," mariin niyang saad.

"Bakit ba kailangan ko pang bumati? Aalis rin naman 'yon."

"Maldita ka talagang bata ka!"

"Wag kang maingay at baka magising ang kapatid mo. Dalian ko at bumaba ka na roon."

I rolled my eyes. Siya nga itong nambulabog ng kwarto namin. Mabuti nalang at malalim kung matulog ang isang ito.

Naghilamos ako at antok na nag toothbrush.

Nagtama ang mata namin ni Mama.

"Oh ayan pala si Celiza!" She looked surprised.

Tamad akong nag tungo sa direksyon nila. Naroon si Tita Aurora, kaharap siya ni Mom sa lamesa. Bumaba ang tingin ko sa bagong mug na nilabas ni Mom. Siguradong yung mahal na tea ang tinimpla nito para sa kan'ya.

"Good morning iha."

"Good morning Tita." Pilit akong ngumiti.

"You're really beautiful even right after you wake up!" aniya.

"Thank you Tita. Maiwan ko po kay---"

"Kamusta na nga pala kayo ni Toci anak?"

I wanted to freaking roll my eyes but I can't! Sinasabi ko na nga ba na itatanong yan ni Mom sa akin. Halos araw araw ata niyang tinatanong kung kamusta na si Toci. Parang iyon ang anak niya kaysa sa akin.

"We're fine."

"Iyon lang?"

"Yes, Mom. Why?"

Pinanlakihan ako nito ng mata. "Hindi mo ba kami kukwentuhan ng tungkol sa plano niyo?"

Oh yes, I forgot.

She wants me to go to the same college like Toci but that's impossible. Siguradong sa mahal na University mag aaral iyon. We can't afford that. Ang tuition nga sa private school na pinapasukan ko ngayon ay inuutang pa kay Tita Aurora.

They've been friends since college. Kilalang kilala nila ang isa't isa hanggang sa mag asawa na ay hindi pa rin nabali ang koneksyon nila lalo na't mag kasosyo ang negosyo nila at amin noon.

Sadly, ours went bankrupt.

Magkababata kami ni Toci. I used to play at their house and we would have dinners and sleep overs sometimes in our house when we were kids. He was my first crush.

Gusto ni Mommy na maging kami ni Toci dahil maganda raw iyon para sa negosyo. Maski si Tita Aurora ay suportado kaming dalawa. Para niya na rin daw akong anak kaya wala ng mas babagay pa kay Toci.

Maganda at mabait si Tita Aurora Pero nagmana si Toci sa ama.

"Hayaan mo na Agnes, baka nahihiya itong si Celiza. Hayaan na natin silang dalawa sa desisyon nila."

Pekeng ngumiti si Mom rito.

"Let's talk about your studies. How was it?"

"Naku! Napakagaling ng batang yan! Siguradong ga-graduate ng may honors." she paused and sighed, "Sana ay hindi masayang ang talino ni Celiza at makapag kolehiyo siya." malungkot na saad niya.

"Hindi pa rin ba nakakabangon ang negosyo?"

"Malabong mangyari iyan."

"Iho! Hindi nasabi ni Aurora na pupunta ka pala?"

"Good morning Tita Agnes," bati ni Toci saka bumeso kay Mom.

"Hey Mom." He kissed her too.

Nagtama ang mata naming dalawa.

He grinned.

"Hey babe," he said and kissed my cheeks, then he scanned me fully.

"You look gorgeous."

I gave him the fakest smile I could ever give.

Plastikada.

Akala mo ay okay kami.

Napailing na lang ako.

"Bagay na bagay talaga kayo!" aniya ni Mom.

"Paano na pag nag kalayo kayong dalawa? Baka hindi kayanin ng Celiza ko."

"What do you mean Tita?"

"Hindi pa kasi sigurado ang pag kolehiyo ni Celiza."

"It's alright Mom, pwede naman akong mag state university---"

"Pero mag kakalayo kayo ni Toci! Gusto mo ba iyon? Makakaya mo ba?"

I sighed. She is pushing it.

"She can't Tita. Celiza loves me so much right babe?"

I sighed and nodded. Wala naman akong magagawa.

"They can still see each other, Agnes. It's not like Toci will study abroad."

Nangunot ang noo ko ng punasan ni Mom ang ilalim ng mata ko. "Wag ka na malungkot Celiza. Alam kong mahirap pero minsan kailangan niyo talagang magkalayo--"

"But we don't need Tita."

"Talaga?"

"She could apply for a scholarship or something."

Nanatili ang titig sa akin ni Tita Aurora. "She don't need to, Andito naman ako. Para saan pa nga ba ang pag kakaibigan namin ng Mom mo kung hindi ko kayo matutulungan. Ako na ang bahala sa pag aaral mo basta ay mag pursigi ka. Kailangan makatapos kayong dalawa ni Toci para relationship goals." She chuckled.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi ni Tita Aurora. Sa bawat pabor ay pag tulong niya sa amin ay mas lalo lamang lumalalim ang utang na loob namin sa pamilya nila.

"Talaga Aurora?" bakas ang saya sa boses nito.

"P-pero naku! Hindi mo naman kailangan---"

"Ako na ang bahala, parang hindi naman tayo mag kaibigan kung tatangihan mo. Isa pa, ayokong mapunta pa sa kung sinong babae itong si Toci."

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Mama. Magandang balita ito para sa kan'ya pero para sa akin ay mas lalo ng humigpit ang kadenang nakasuot sa leeg ko.

Sure I can get what I want because of my pretty face but i don't want this. Ayoko ng utang na loob dahil habang buhay mo iyong pagbabayaran hindi tulad ng utang na pera na isang bagsakan lang ng bayad ay tapos na.

"Celiza! Hindi ka ba mag pasasalamat sa Tita mo?"

"Uh... T-thank you po Tita Aurora."

"No problem."

"Salamat talaga Aurora! Tatanawin ko itong utang na loob!"

I sighed. There it goes.

"Celiza kunin mo ang pagkain doon sa loob, nakahanda na iyon."

Tinanguan ko si Mom.

"I'll help her," he volunteered.

Hindi ko na pinansin si Toci, nauna na ako sa kusina.

Hindi ganoon kalaikhan ang bahay namin katulad noon. Ang kusina namin ay katumabas ng dalawang malaking kwarto ngayon ay kalahati nalang ng isang kwarto.

Mayroong sala at dalawang banyo sa itaas at baba, mayroong dalawang kwarto. Ang mga magulang ko ang nasa isa habang kami naman ng kapatid ko ang magkasama sa isa, minsan ay kila Mom ito natutulog dahil bata pa lamang.

There's no pool and other luxurious things that I'm used to before.

"Toci ano ba? Wag dito, nasa bahay tayo."

"Oh yeah. Nakalimutan kong mabait ka palang anak sa bahay niyo."

"Should we continue this in my condo?"

"Ayoko."

"What's wrong with you Celiza?"

"What do you mean?"

"Why are you playing so hard to get?"

"I'm not---"

"You owe me. You should be pleasing to me Celiza. Do whatever I want."

"Magkababata tayo pero hindi mo parin ako kilala Toci."

"No Celiza, I know you..."

I gasped when he kissed my neck.

I pushed him away.

"What's the matter with you? Dahil ba sa nakita ko sa locker room kaya ka nag kakaganito? You're used to that Celiza! Normal na lang iyon sayo noon kaya bakit iba ang inaasta mo?"

Dahil pagod nako masanay sa ganitong sitwasyon. I cannot speak for myself. Tikom ang bibig ko sa bagay na gusto o ayaw ko. Kahit Anong sabihin ko ay hindi iyon masusunod sa bahay na ito.

"You don't want to give yourself to me Celiza. I respect that. I have needs and we agreed to this set up."

"You're not helping Toci. Bumalik ka na lang sa labas."

"Really? This is how you will treat me?"

"Let me remind you that if it's not for my family you wouldn't be studying." Kinuyom ko ang palad.

"Then thank you to your family." For putting me in a chained situation.

I rolled my eyes and continued preparing the food.

Nagtama ang mata naming dalawa ng tumunog ang cellphone ko.

I quickly grabbed it but he stole it from me.

"Toci akin na!"

"The nerd is texting you huh?"

"So?"

"You're having fun with him are you?"

"Sinusunod ko lang ang turo mo Toci. Don't play dumb."

His hand went down on my thighs.

"I only want you to follow one thing that I taught you Celiza," he said then planted a small kiss on the side of my lips.

Ayun ang bagay na tinuro niya na hindi ko susunorin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height