+ Add to Library
+ Add to Library

C9 Skip

"You're late."

Lumingon ako kung saan galing ang boses na iyon, kay Magnus pala, kasalukuyan siyang nagbabasa habang nakaupo sa sofa ng condo niya.

He is wearing a simple blue shirt and shorts. Habang ako naman ay nakapantalon lang at crop top.

Linggo ngayon at walang pasok. Pero may utang ako nitong pagtuturo kaya naman kailangan kong turuan siya. Tutal naman ay nakapasa ako sa exams ko!

Makaka graduate ako! I will be a prom queen and I will graduate! Hindi nga lang valedictorian o honors katulad ng gusto ng mga magulang ko.

"May inayos pa kasi ako sa bahay namin." Sagot ko naman.

"Nga pala, sasama ka ba sa prom?" Sunod ko.

"May damit kana ba?" tanong ko sa kan'ya ngunit wala akong tugon na natanggap. Nanatili pa rin ang titig nito sa bag na dala ko.

Hindi na dapat ako mag paligoy ligoy pa. Kailangan ko ng sabihin sa kan'ya dahil sakto naman ang timing.

"Pwede bang mag skip muna tayo ng class pagkatapos ng prom? Sure ako na pagod kasi tayo non e," I said.

Tumango ito bilang pagsang ayon sa sinabi ko.

Okay.

Something's not right!

Hindi ko alam kung bakit parang iba ang pakikitungo sa akin ni Dover ngayong araw na ito, wala naman akong alam na ginawang masama sa kan'ya o nasabing ikaka-offend niya.

Nanatili siyang tahimik at puro tango lang ang sagot sa akin.

"Salamat nga pala sa pagtulong mo na ireview ako." Basag sa katahimikan nakakabingi sa loob ng kwarto.

Buti na lamang at naalala ko na hindi pa pala ako nakapag pasalamat sa kan'ya ng tulungan niya ako.

Muli ay tango pa rin ang tugon niya sa sinabi ko, na tuluyang kina inis ko na.

"May problema ba tayo, Magnus?" Pilit kong pinakalma ang boses ko kahit ang totoo ay bakas na ang pagkairita doon.

"Problema, meron. Tayo, walang tayo." Nanlaki ang mata ko ng sabibin niya iyon. Sigurado akong nakakunot din ang noo ko. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin ng sabihin niya iyon.

"A-ano?!" Tanong ko, sapagkat hindi ko maintindihan ang sinabi niya, para akong nabingi ng sabihin niya iyon, na tila ba kailangan niyang uliting muli para maintindihan ko.

"You heard it." Uminit ang ulo ko at tila ba bulkang sasabog ako ngayon.

Hindi ko na kaya! Kung ano man ang problema niya ay bahala siya diyan! Paano ko siya tuturuan kung hindi niya ako pinakikitunguhan ng maayos at puro tango lang ang sagot niya, buti sana kung ganoon talaga siya dati palang pero hindi naman siya ganoon!

"Alam mo? Bahala ka sa buhay mo! Kung may problema ka sa akin ay sabihin mo hindi yung ganito at tatango tango kalang! Paano kita tuturuan kung gan'yan ka!" Naiinis kong sabi, hinihingal ako ng matapos kong sabihin ang lahat ng iyon.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Naglakad kao papalapit sa pintuan ngunit nahinto ang pagpihit ko sa door knob marinig ko ang sinabi nito.

"Hindi ko na kailangan pa ang mga lesson mo," saad nito habang seryoso ang mukha.

This is not the shy Magnus I met on the first day.

Tinapunan niya ako ng tingin pagkatapos sabihin iyon.

Taas baba ang dibdib ko dahil sa galit, abay ganon lang ang lahat?!

Oo nga naman ganon lang talaga lahat, bakit ba ako naghahangad pa ng higit?

Siguro ay nakahanap na ng iba, ngunit sigurado akong wala ng mas gagaling pa sa akin kahit sino! Wala siyang matutunan doon kung sino man iyon!

Matapang ko siyang hinarap.

Nandito na pala siya sa aking likuran ng hindi ko man lang nalalaman. Nanlaki ang mata ko ng hapitin niya ang bewang ko at ukupahin ang kakaonting space na nasa pagitan naming dalawa at paglapatin ang labi namin.

He pulled away.

"Natuto na ako," he said.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height