C21 Intentions
Sinipat ni Zeke ang sarili mula sa salamin. Nakasuot siya ng kulay abong V-neck shirt at saka pinatungan niya iyon ng leather jacket. Tinernuhan niya iyon ng pantalon at rubber shoes. Simple lang ang kanyang suot ngunit hindi maitatangging mamahalin ang mga iyon. Sinipat niya ang kanyang napakagwapong mukha sa salamin bago humakbang palabas ng kanyang silid at tinungo ang kwarto ng kanyang asawa
