C22 Unforgettable Date
Hindi mapalis ang matamis na ngiti ni Zeke habang nakatingin kay Alora. Kasalukuyan silang magkatabing nakaluhod sa loob ng simbahan. Habang taimtim na nagdarasal ang kanyang misis ay hindi nito tinanggal ang titig nito sa kanya na para bang isang magandang tanawin.
Matapos mag-sign of the cross si Alora ay agad itong lumingon sa kanya.
"Tapos ka na magdasal?" Matamis ang ngiting iginawad nito