C23 Agenda of the meeting
"Come in, Miss Ravina. Kanina pa kita hinihintay."
Iginala ni Richelle ang kanyang paningin. Maliwanag sa loob ng conference room subalit tanging si Artheo Pueblo ang nadatnan niya roon. Dumagundong ang kaba ni Richelle. Nararamdaman niyang may iba. Nararamdaman niyang may mali.
"Please sit down." Kalmante naman ang boses at kilos ni Artheo habang nakatayo sa harap
