+ Add to Library
+ Add to Library

C3 His House

Alora's Point of View

It's already nine in the evening when we reach our destination.

Hindi ko maiwasang mamangha. It was a three story modern house. Sa pinakataas na parte ng bahay ay mapapansin ang bahaging walang bubong at may mga palamuting halaman roon. Malamlam ang liwanag sa parteng iyon kaya naman parang ang sarap tumambay roon kapag gabi. Sa second floor ay kapansin-pansin ang ilang bahagi nito na gawa sa salamin.

"Nasa loob po si sir, ma'am," saad ng sumundo sa'kin dahilan para mapatingin ako sa malaking pintuan na ilang hakbang lang ang layo sa'min.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Parang biglang nag-sink in sa'kin ang dahilan kung bakit ako nandito.

Iginala ko ang paningin ko. May mga palm trees at mga halaman sa labas. Maliwanag ang paligid dahil sa mga post lamp.

Hindi naman siguro ako mapapahamak dito. At tsaka, hindi naman mukhang nakakatakot ang paligid. In fact, parang nakaka-relax pa nga.

Hay naku! Bahala na nga. Wala naman sigurong gagawing masama sa akin ang asawa ni Leinarie.

Humakbang ako papalapit sa pintuan.

Sinalubong ako ng dalawang babaeng nakasuot ng housemaid uniform.

"Good evening ,Ma'am" bati nila sa akin na yumuko pa bilang tanda ng paggalang.

I'm still wearing my office uniform. Hindi ko na nagawang magbihis dahil biglaan naman ang lahat. At saka, sandali lang naman siguro ako dito.

"Sumunod po kayo sa'min ma'am. Hinihintay po kayo ni sir," nakangiting saad ng isa sa kanila.

Inilabas ko ang lahat ng tapang at lakas ko. I need to be strong and face this.

Pagpasok namin sa malawak na living room, bumungad sa'kin ang lalaking tumawag sa'kin kanina ng Lei.

Siya siguro si Zeke. What's his name again?

Ahh-- Zeke Xavier Fuentares.

"Care to give me a hug, wife?" he said in a cold voice. He even spread his arms telling me he's open for a hug.

I can't see any emotion from his face. Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako sa kanya kasi mukha naman siyang mabait. But knowing the fact that I'm on his territory, I can't stop my knees from trembling.

Naku Alora! Ano ba 'tong napasok mo?

" I-I am not your wife." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi iyon.

Aminin ko na kaya ang totoo. Pero paano? Kapag umamin ako, anong sunod na mangyayari?

"Well, you are my run-away wife who is legally married to me," he said while directly looking at me.

"Okay, what do you want from me?" I asked. Bakit kailangan niya akong ipasundo sa ganitong oras. Gusto ko ring palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal. At sa tono ko, pakiramdam ko sinapian ako ni Leina.

" I just wanna talk to you." Parang nakita kong lumambot ang expression ng mukha niya.

"A-about what?"

"Let's talk about it while having a dinner."

"I already had my dinner," maagap kong saad. Totoo namang nag-dinner na ako, hindi ko nga lang natapos ang pagkain ko dahil sa revelation ni Leina.

"Just this time, join me for dinner," turan niya at saka naglakad na. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko siya sundan. Mukha namang hindi siya papayag na tanggihan ko siya.

Humantong kami sa pool area. Agad nahagip ng mata ko ang nakahandang pandalawahang mesa. May mga pagkaing nakahain na rin.

Napatingin ako sa kanya nang ipaghila niya ako ng upuan. Alanganin naman akong lumapit at umupo. Hinintay niya akong makapwesto bago siya umupo sa katapat kong upuan.

Nanatili akong walang imik nang magsimula siyang magsandok ng pagkain.

Sunod niyang nilagyan ng pagkain ang plato sa harap ko.

Hindi ko naman naiwasan ang mapataas ang kilay.

Gentleman, huh? At mukhang maasikaso pa.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Let's eat," walang kangiti-ngiting saad niya.

Awtomatiko naman akong napatingin sa pagkain. Kakainin ko ba yan? Ayoko nga! Baka may lason pa 'yan. Baka sa sobrang galit niya kay Leina ay plano na pala niya itong lasunin.

Nag-iwas ako ng tingin nang magsimula siyang kumain.

"May gusto ka bang kainin? I'll tell the maid to serve what you want."

"Hindi ako gutom," Mabilis na sagot ko pero ang totoo hindi lang ako komportable sa presensiya siya.

"Hindi ka gutom? Or you are just concern with your diet?"

Aalma sana ako kaso nagsalita ulit siya.

"You know what, even you get fat, you're still beautiful."

Weww. Bolero pala ang isang 'to. I wonder kung bakit nagsawa sa kanya si Leina. Mukha naman siyang okay, mayaman at g-gwapo. Ah, Hindi! Napakagwapo niya.

Nakasimangot kong kinuha ang kutsara at tinidor, tsaka nagsimulang kumain. Dapat nga siguro kumain na ako para makauwi na ako after nito.

We are at the middle of our dinner when he cleared his throat and talk.

"It's been four years of searching. At last! I found you."

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Seryoso ba siya?

Lihim na lamang akong napailing.

Martyr din yata ang lalaking 'to.

"After all the things that your wife did to you. You still have the guts to search for her?"

Hindi ko lang naiwasang magtanong. Grabe naman kasi. Hindi ako makapaniwala. This kind of man is chasing my friend? Whoa! Parang gusto ko tuloy isipin na ang swerte ni Leina.

"Because you are my wife. We are legally married. Anything that you will do will affect my reputation."

Napangiwi na lamang ako.

Ahh.. Assuming lang pala ako. Reputasyon pala ang dahilan, akala ko pa naman mahal na mahal niya ang kaibigan ko.

"I really wanna talk to you, so that we can fix what we need to fix. And maybe, we can discuss about it after dinner."

"Sabi mo kanina while having dinner tapos ngayon after na. Pinapatagal mo lang yata ang usapan eh." Maagap kong turan.

Tss.. Akala ba niya 'di ko naaalala ang sinabi niya kanina.

"Bakit? Hindi ba pwede?"

Bago pa ako makaimik ay muli siyang nagsalita.

"Bakit Lei? Naiilang ka ba? O baka naman may itinatago ka?" turan niyang hindi bumitaw ng tingin sa'kin.

"Hindi ako naiilang sa'yo nohh!" Mabilis kong sagot. Pero sa totoo lang parang kakainin ako ng kabog ng dibdib ko dahil sa huling tanong niya.

Obvious bang may itinatago ako?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height