Naked/C11 Chapter 10
+ Add to Library
Naked/C11 Chapter 10
+ Add to Library

C11 Chapter 10

Naiinis na pumasok sya sa loob ng apartment at tinikman ang niluto nyang sweet and spicy shrimp.

Okay naman ah! Sira ulo ba sya! Malamang maanghang kasi spicy nga diba! Napaka yabang!

Napaubo sya matapos lunukin ang kinain shrimp. Tama nga siya, nasobrahan nga ng spicy.

Nang gabing yon tinawagan niya si Judith bago matulog.

"Ano bang sinabi mo sa Angelo na yon at gabing-gabi eh pumunta pa dito?" Tanong nya dito.

"Sinabi lang ni Gab na buntis ka, bakit?"

"Eh kasi galit sakin, wala daw akong planong sabihin sa kanya." Naiiling na kwento nya.

"Hay naku hayaan mo sya, pahirapan mo ng konti." Natatawang sabi nito.

"Oh sige, goodnight na. Gawa na kayo ng baby para magkasabay lumaki mga baby natin, like us." Nakangiting tukso nya dito.

"Mag dilang anghel ka sana, bes. Goodnight."

Ang asim ng sikmura nya ang agang-aga ay nagsusuka na sya. Ang arte ha! Dati rati naman hindi sya nagsusuka noon hindi pa nya alam na nagdadalang tao sya.

Tsk! Malalate na ako.

Ewan ba nya ang bigat bigat ng pakiramdam nya, tinatamad syang pumasok pero hindi naman pwede dahil absent na nga sya kahapon wala syang valid reason.

Naligo na sya at nagayak para pumasok, its better to be late than never.

"Hi." Bati nya at tuloy tuloy na pumunta sa table nya.

"Kukunin mo lang gamit mo naka uniform ka pa." Sabi ni Daisy.

"Ha?" Ano bang sinasabi nito.

"Eh? Diba nagpadala ka ng resignation letter buti nga aaprobahan na daw agad ni GM eh may kapit ka ata sa itaas eh, ano bang reason mo?"

What?! Ano bang sinasabi niya.

Shit!

"Ahm, saka kona kukunin mga gamit ko ha may kailangan lang akong puntahan." Sabi nya at dali daling umalis ng building na yon.

Humanda ka sakin Angelo De Leon.

Ganun ba talaga ang mayayaman? Gusto sila ang palaging masunod, ginagamit ang pera para makuha ang gusto hindi naman lahat ng bagay madadaan sa papera pera!

Nang makasakay sa taxi ay dali dali nyang dinial ang number ng kaibigan.

"Saan nakatira si Angelo De Leon dito sa Manila?" Deretsahan tanong nya walang 'hello-hello.'

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong nito.

"Just tell me where, ano ba." Singhal nya dito. She felt bad nung tumaas ang kanyang boses

"Okay, calm down. Ang alam ko sa condo sya tumutuloy pero may bahay rin sila dito sa Taguig." Sagot nito.

"Okay, saan nalang sya nagtatrabaho?" Sigurado syang nasa trabaho na yon wala na sa office.

"Ah, sa work din ni Gab sa DLCF Company sa Makati." Sabi nito.

"Address bes?" Pasikot sikot pa kasi.

"Sabihin mo sa taxi, 168 Building 9 Ayala St. Makati sa DLCF building kamo, alam na nila yin." Sagot nito.

"Okay, thanks." Pinatay na nya ang tawag at sinabi sa driver ang address ng pupuntahan nya.

Pakialamerong lalaki, agh! Humanda talaga sya sakin baka kung anong magawa ko sa kanya!

Tama ba namang tanggalan sya ng trabaho? Saan sya kukuha ng pagkain nya? Pambayad sa bahay? Kakairita!

Hindi naman nya mababawi ang resignation nya, anong irarason nya na joke lang pala? Napaka epal kasi sa buhay ng lalaking yon!

Ibinaba sya ng taxi driver sa tapat ng napakataas na building sa Makati. Hindi na mabilang kung ilang floor ang meron ito. May dalawang guard na nagbukas sa kanya ng main door.

"Dito nagtatrabaho si Angelo De Leon hindi ba? Paano ko sya makakausap." Tanong nya sa isa sa mga guard na mukha pang nagulat sa pagtatanong nya.

"Dun po kayo mam magtanong." Turo nito sa receptionist.

Tumango nalang sya at lumapit sa receptionist.

"Excuse me, kailangan kong makausap si Angelo De Leon." Taas noong tanong nya sa naka ngiting receptionist, unti unting naalis ang ngiti nito at napalitan ng pagtataray.

"Si Sir Angelo De Leon?"Tanong nitong nakataas ang kilay.

"Yes, please." Sabi nyang hindi binago ang expression kahit tinatarayan na sya ng kaharap.

"What's your name?" Tanong nitong pinasadahan ng tingin ang kabuuan nya.

I'm beautiful than you even though I don't have that perfect kilay as yours. Pusturang pustura kasi ang babaeng receptionist, maganda ang make-up nito na bumagay sa maganda nitong mukha.

"Dianna Roque." Sagot nya.

May tiningnan ito sa computer na nasa harapan nito at bumaling sa kanya.

"You don't have any appointment here." Sabi nitong inismiran sya.

"Hindi ko kailangan ng appointment sa kanya, kailangan ko syang makausap or else hahanapin ko sya sa buong building na'to at baka kung ano pang magawa ko sa kanya!" Hindi na nya mapigilan ang inis lalo pa't tinatarayan sya ng babaeng receptionist.

"Miss.." Muli sya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa, konting konti nalang baka ito na ang mapagbuntunan nya ng galit kay Angelo De Leon.

"Marami ng babaeng gumawa nyan para lang makausap si Sir Angelo, actually those girls are beautiful and sexier than you, pero wala syang pakialam, kaya wag na kayong mag iskandalo dito." Sabi nito at tinalikuran sya.

Ano ba yon? Parang ang taas taas naman ng posisyon ng Angelong yon!

Naiinis na umalis sya ng building at tumambay sa 7/11 di kalayuan sa DLCF Building.

Bumili sya ng maiinom at cookies, hindi nga pala sya kumain ng breakfast kanina.

Ang sama ng mga ugali ng nagtatrabaho sa building na yon ah! Hindi na pala nakakapagtaka kung bakit bastos at masama rin ang ugali ni Angelo, nahawa sa mga kasama o pwede ring sya ang nanghawa sa mga kasamahan sa trabaho.

Tinawagan nya si Judith habang kumakain.

"Ayaw akong papasukin dahil wala daw akong appointment, my goodness! Akala mo naman kung sinong big time!" Naiinis na sumbong nya sa kaibigan.

"Big time naman talaga sya eh." Ani Judith.

"Ano? Anong big time?!" Nagtatakang tanong nya dito.

"Hindi ko ba na kwento sayo? Tsk! Oo nga pala nagagalit ka agad kapag binabanggit ko noon si Angelo. Well, sila ang may-ari ng building na pinuntahan mo kanina, sa kanila nagtatrabaho si Gab kaya nga maayos na ang buhay nila Gab ngayon dahil yun kay Tito Anton, daddy ni Angelo." Kwento nitong ikinagulat nya.

Napanganga sya habang nakatanaw sa DLCF building.

Really?

"Hindi ko alam na ganito sila kayaman." Namamanghang sabi nya sa kaibigan.

"Truth! Kaya ang suwerte mo kapag inaya ka nya ng kasal wag kanang umarte, okay? Hindi lang 2 hectares ang kaya nya sayong ibigay." Palatak nito sa kabilang linya.

"Bes, ano ba! Wala akong pakialam sa yaman nya ‘no!" Saway nya dito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height