Naked/C12 Chapter 11
+ Add to Library
Naked/C12 Chapter 11
+ Add to Library

C12 Chapter 11

Hindi na siya nakapag-antay sa sobrang inis! Bwiset na babaeng mataray yan. Kung sana pinapasok nalang siya ay hindi sana ito nag s-search ngayon sa internet para lang malaman ang tungkol sa kumpanya nila.

Nag search sya about DLCF Company at tungkol sa De Leon Family, private ang information sa kanila bukod sa information tungkol sa company nito at ang mga nagpapatakbo noon.

Si Mr. Antonio De Leon ang CEO ng company.

Ang tatay ni Angelo, at ang ibig sabihin ng DLCF Company ay DE LEON CONSTRUCTION FIRM COMPANY. Mga architects ang mga De Leon, operation manager si Gabriel ang asawa ng kaibigan nyang si Judith.

Wala naman Angelo De Leon dito ah. Sila Alberto De Leon at Angellie lang.

Ang dalawang panganay na anak ng mag-asawang De Leon.

Sa pagkakaalam nya dalawang magkapatid lang ang tatay ni Gabriel at ang tatay ni Angelo, dalawang magkapatid lang sila Gabriel at tatlo naman sila Angelo halos magkaedad ang dalawa, panganay ang tatay ni Angelo sa tatay ni Gabriel.

Nakakalito ba? Lol

Fine! Mayaman na sila kung mayaman, idk!

Paano na ang trabaho nya? Tss, hindi pa nga pala nya naikukwento kay Judith ang nangyari, hays.

Natigil sya sa pagmumuni-muni ng may kumatok sa pinto.

Sino na naman kaya to nagbayad na ako sa upa kanina ah.

"Magandang araw po mam, kami po yun nautusan ni Sir Angelo para maghakot ng mga gamit nyo." Sabi ng lalaking na pagbuksan nya ng pinto may kasama itong dalawa pang lalaki na nasa likuran nito.

Ah ganun! Sya talaga ang masusunod ha pwes tingnan natin!

"Sabihin mo sa boss mo, hindi ako lilipat kahit kaladkarin nyo pa ako dito!" Sabi nya at ibinagsak pasara ang pinto.

Isa syang malaking shit!

Ginugol nya ang buong araw sa pagkakain ng kung anu anong maisipan nya, nood ng tv, scroll sa newsfeed ng Facebook account nya, sa Twitter at sa IG.

Naghanap rin sya sa Youtube ng bagong kdrama na susubaybayan at napili nya ang My Love From The Star. Okay lang kahit hindi nya favorite artist muka namang maganda ang istorya.

After ng four episodes ay natulog naman sya, hanggang sa sumapit ang gabi ganun lang ang sistema ng mag hapon nya.

Nagising sya dahil sa malalakas na katok sa pinto. Pupungas pungas na bumangon sya at tiningnan ang wall clock 8:19 pm, gabi na pala lumapit sya sa pinto at napag buksan ang nakasimangot na mukha ni Angelo.

"What are you doing here?" Nawala ang antok nya pagkakita dito.

"Ang tagal mo kanina pa ako katok ng katok." Reklamo nito at dire-diretsong pumasok sa loob ng apartment nya.

"Huwag ka ngang pasok ng pasok sa bahay ko!" Singhal nya dito.

Napansin nya ang dala nitong paper bag.

Ihagis nito yun sa table nya. "Kumain ka na tulog ka nang tulog, tataba ka nyan." Balewalang sabi nito at preskong umupo sa sofa nya.

"Ano bang ginagawa mo dito?!" Nanlilisik ang mga matang singhal nya dito.

Hindi ba ito natatakot sa galit nya?!

"Sinabihan naman kita diba? Na sakin ka na titira, pero bakit nagmamatigas ka pa. This is for your own good." Seryosong sabi nito.

For my own good pala ha! For my own good pala na nawalan ako ng trabaho, nanlaki ang mga mata nya ng maalala na wala na syang trabaho.

Pinagbabato nya ito ng kung anong madampot nya sa loob ng mumunti nyang sala.

"Walang hiya ka! Dahil sayo wala na akong trabaho anong karapatan mong mag desisyon para sakin hindi naman kita kaanu-ano! At anong for your own good, alam ko kung akong mas makabubuti sa akin! At yun ay ang hindi sumunod sayo. "Galit na galit nyang sigaw dito.

"From now on you're my responsibility, hindi mo kailangan ng trabaho kaya ko kayong buhayin ng anak ko." Sabi nitong hindi manlang na tamaan ng mga ibinato nya.

"Sabi ko naman sa'yo, I'm not your responsibility! Kailangan ko ng trabaho! Hindi ko ugaling iasa ang sarili ko sa ibang tao!" Halos maputulan na sya ng litid kakasigaw dito.

"Please, calm down, nakakahiya sa mga kapitbahay mo." Sabi nitong at marahang lumapit sa kanya.

"Subukan mong lumapit sakin masasampal talaga kita!" Pagbabanta nya dito talaga namang nanggagalaiti sya sa galit.

"Okay, okay fine!" Itinaas nito ang dalawang kamay. "But listen to me very carefully, ngayon lang to okay? Pagkatapos mong manganak at kailangan mo ng trabaho madali para sakin na hanapan ka. Pero sa ngayon please just stay at home, sa akin. "Lumambot ang pagkakatitig nito sa kanya at kita nya ang sinseridad nito.

"I don't need to live with you, ano yon live-in!" Pinagdiinan nya ang mga salitang yon. Ew, hell nah!

Tahimik itong tumitig sa kanya, nakipaglaban sya ng titig dito. Gwapo nga ito, makapal ang mga kilay at may malalim na mga mata na animo'y nang aarok kapag tumititig, those kind of eyes na hindi mo kayang titigan nang matagal, ang perfect ng ilong nito, tama ba he looks like Ian Veneracion except the eyes mas mukha itong suplado kay Ian. Ang gwapo nga pero wala syang pakialam!

"Then, marry me." Walang kakurap-kurap na sambit nito.

Hindi agad sya naka react sa sinabi nito. Na bingi ata sya at hindi nya naintindihan, kumunot ang noo nya.

"Ano?" Tanong nya hindi kasi sya sigurado kung tama ba ang narinig busy sya kanina sa pagsuri sa mukha nito.

"I said, marry me." Ulit nito sa sinabi. Talaga ba? Napansin lang nya kanina pa sila nakatayong dalawa may upuan naman, tsk!

Nababaliw na ba sya? Pati pagpapakasal kailangan pautos! Pwede naman mag propose baka sakaling bumenta.

"Siraulo!" Walang gatol na sabi nya at inismiran ito.

Nakita nyang nagbago ang itsura nito tila hindi sanay makarinig ng mga ganung salita.

"Will you please stop being so childish?" Masungit na sabi nito. At ako pa talaga ang childish!

"Kung childish ako, psycho ka naman!" Inis na sabi nya at umupo sa sofa! Mangalay na ha kanina pa sila nagpapatatagan sa pagkakatayo.

"Kung ayaw mong magpakasal sakin, pansamantala sakin ka muna, hindi para sa'yo kundi para sa anak ko." Seryosong sabi nito at bahagya pang kunot noo.

Gusto na nyang kagatin ang labi nya kasi naman kahit namumuhi sya dito ang cute nito pag nagsusungit, ito lang yata ang lalaking gwapo kapag nakasimangot at nagsusungit.

"For what?" Hindi pa rin sya sumusuko, malay nya matalo nya ito sa argumento nilang yon. Nakadalawang boyfriends na sya pero ito lang ang nakaaway nya, hindi naman kasi sya nakipag sigawan sa mga naging boyfriend nya noon.

"Just stay, wala kang trabaho at buntis ka pa wala kang kasama dito. Hindi mo naman kailangan mag-alala may condo ako, dun ako mag i-stay kung ayaw mo akong kasama." Pinal na sabi nito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height