Naked/C13 Chapter 12
+ Add to Library
Naked/C13 Chapter 12
+ Add to Library

C13 Chapter 12

Wala na rin naman syang nagawa ng pag tulungan sya nito at ng kaibigan na lumipat sa puder nito. Kaya after three days andito sya ngayon nakatingala sa isang bungalow, masyado naman yata itong malaki.

Napagkasunduan nila na walang dapat makaalam noon kahit ang Tiya at Tiyo nya sa probinsya, magugulat at magagalit kasi ang mga yon.

Walang kasalang magaganap, final!

"Hija." Napatingin sya sa kinaroroonan ng tumawag sa kanya. Isang may edad na babae, ito yata ang sinasabi ni Angelo na makakasama nya sa bahay, si Manang Fe.

Ngumiti sya at lumapit dito. "Magandang araw po." Sabi nya sabay mano, you know probinsyana’s, that's how we show respect to olders.

"Ako si Manang Fe, ako muna ang nakakasama dito." Pakilala ng matanda.

"Opo, nasabi sakin ni Angelo." Nakangiting sabi nya, pwe! Nakakasukang banggitin ang pangalan nito hindi sya sanay.

"Halika pasok tayo para makita mo ang kabuuan ng bahay." Aya ni manang Fe at nagpatianod naman sya dito papasok sa bahay.

"Yaya ako ni Gelo simula noong baby pa sya." Kwento nito habang naglalakad sila. "Silang lahat na magkakapatid halos ako ang nag-alaga, malalaki kasi ang agwat ng edad kaya hindi alagain kapag manganganak ulit si Ara. "Wow lahat pala sila A.

Patango tango lang sya sa kwento ni Manang Fe.

"Itong bahay na ito pinatayo nya dalawang taon ang nakalipas. Siya rin ang nag disenyo nito, Simple lang ang gusto ng batang yon eh." Pagpapatuloy nito sa kwento.

Talaga po, simple lang? Eh kung ganito kabongga ang simple pano pa pala yon bongga para dito? Ang ganda gandang bahay tapos simple lang pala nakakahiya naman sa bahay nila at sa dream house nya hindi yon ganito ka bongga!

"Ang bongga na nga po nito manang eh, hindi to simple para sakin." Hindi mapigilang comment nya.

Natawa si Manang Fe. "Para satin hindi simple pero para sa mga mayayamang tao ganito na ang simple sa kanila."

"Kung sabagay ho." Aniya.

"Libutin mo ang bahay, ipagluluto muna kita ha?" Paalam ni Manang.

"Sige ho, salamat."

Nilibot nya ang kabuuan ng bahay, ang ganda! Ilan milyon kaya ang nagastos dito.

Dalawang palapag lang pero malawak at malaki ang space, walang mga display na kung anu-ano maliban sa ilang paintings na nakakadagdag sa pagka eleganteng dating ng bahay. Parang bahay sa ibang bansa, yung mga nakikita nya sa tv, malawak na dining table, may study room sa taas, guest room ang pinaka bongga at pinaka malaki, tatlong malalaking kwarto sa taas. Sa ibaba may kwarto rin para sa mga maids, magaling talaga itong Architect. Maswerte ang mapapangasawa nito at hindi sya yon.

Na ikwento rin ni Manang na isang Architect si Angelo kagaya ng kanyang ama, at siya naman ngayon ang sumunod sa yapak ng kanyang ama upang pamunuan ang kanilang kumpanya.

Ang pinakaexcited syang makita ay ang kwarto nya, namangha sya pagkapasok nya dun. Sa master bedroom talaga sya! Wala pang mga laman ang mga kwarto maliban sa kwarto nya, ang dalawang kwarto ay may kama lang at malalaking cabinet pero ang sa kanya ay kompleto na, may mahabang sofa na ang ganda ganda at lambot lambot, malaking cabinet, lagayan ng shoes, mga make-ups, etc. Malaki at maliit na salamin, basta bongga!

Nakakahiya man aminin pero hindi manlang nangalahati ang mga gamit nya sa mga lalagyan nito.

Ang panget tsk!

Nakagat nya ang pang-ibabang labi ng mapansin ang ilang damit na naka hanger dun, as usual kay Angelo yon.

Mag-iisang linggo na sya sa bahay na yon pero ni minsan hindi manlang nya nakitang magtungo roon si Angelo.

Nakakainip ang mag-isa, si Mananf lang ang nakakausap nya kaya marami-rami na rin ang impormasyong nalaman nya dito tungkol sa mga De Leon.

Mababait daw ang mga magulang nito at hindi mapagmataas, ganun din daw ang mga anak nito na parang ayaw nyang paniwalaan dahil hindi naman sya nababaitan kay Angelo, bagkus ay mayabang ito at masyadong bossy.

Naiinip na sya at namimiss nya ang kaibigang si Judith, mag-iisang linggo na syang nakakulong sa bahay na yon.

"Hija, dala ito ni George ang driver ni Angelo pinabibigay daw sayo." Inabot sa kanya ni manang Fe ang isang sobre.

Buti naalala nyang may preso sya dito, tsk!

Binuksan nya ang sobre, ATM card? Aanhin naman kaya nya yon, may letter pa.

Use this card, buy whatever you want.

Yun lang ang nakasulat, wala manlang "how are you" lol.

Naka attach sa likod ng card ng pin code nito.

May pera naman sya ah, hindi nya kailangan humingi dito.

Pero may pera sya bakit hindi nya naisipan lumabas, mag-iisang linggo na sya ditong nagtitiis.

Gumuhit ang ngiti sa labi nya.

Gagala ako!

Naligo sya at nagpalit ng damit, tiningnan nya ang sarili sa salamin. Buti nalang talaga hindi pa nahahalata ang tiyan nya, inisip nya kung saan sya pwedeng pumunta.

I'm in Taguig, dito yung Venice!

Paano kaya pumunta dun? Nag research sya sa internet kung saan sa Taguig ang Venice at nalaman naman nya, nag taxi nalang sya para hindi sya magpalipat lipat ng sasakyan.

Wow! Tuwang-tuwa sya ng makarating dun, nag picture din sya pang post nya mamaya. Mukha siyang tangang nag lilibot at nag pipicture mag-isa pero wala siyang pake. At least nakagala siya.

Tss! Bakit ba ang daming nag d-date dito?!

Napadpad rin sya sa isang market sa Taguig ang mumura ng bilihin doon kaya naman naengganyo syang mamili.

Namili rin sya ng mga bestidang pang buntis para ready sya kapag medyo malaki na ang tyan nya at syempre yun sasakto sa kanya sa ngayon, hays ang mumura sarap mamili. Mag a-alas sain na sya nakauwi pero dahil sa trapik mahigit isang oras sya sa byahe, mag aalas otso na ng gabi bago sya nakauwi.

Hays nakakapagod!

Pabagsak na naupo sya sa sofa, narinig nya ang yabag pababa ng hagdan hindi nya yon inintindi dahil pagod talaga sya, hinintay nalang nya hanggang makababa si manang.

"Palagi mo ba tong ginagawa?!” Muntik na syang mapatalon sa kinauupuan ng marinig ang galit na boses nito.

Tumayo sya at humarap dito sapo ang dibdib. "Agh! Papatayin mo ba ako?!" Nanlalaki ang mga matang singhal nya dito.

"I'm asking you kung palagi mo bang ginagawa ‘to?" Nakakunot tanong nito. Tsk bakit ba sya nagagalit.

"Ano bang tinatanong mo?!" Naiinis na tanong nya at kinuha ang mga pinamili.

"Where have you been?!" Sigaw nito at tiningnan ang mga pinamili nya.

Ano bang akala nito!

"Gumala dahil naiinip ako! Bakit ba?!" Naiinis na sigaw nya rin dito at mabilis na umakyat sa hagdan.

"Dianna, I'm talking to you!" Sigaw nito at sinundan sya nito.

Hindi nya ito inintindi at tuloy tuloy na umakyat sa kwarto nya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height